Kabanata 17: Ang Lihim ni Leo

454 20 8
                                    


Kabanata 17: Ang Lihim ni Leo

Hindi ako makatulog sa gabing ito. Hindi pa bumabalik si Leo kung saan man siya pumunta. Kanina pa ako hindi ako mapalagay.Paulit-ulit lang akong umiikot sa aking kama dahil sa mga katanungang bumabagabag sa aking isip.

Tiningnan kong muli ang blanking diary ni Esmeralda. Why don't you just bring me back to my time? Paano na sina Nanay? Kumusta na kaya sina Alex at ang buong tropa? Bakit pa kasi ako binalik ni Esmeralda dito? Nakahiga pa rin ako sa kama habang pinagmamasdan ang blankong diary. Nakaramdam ako ng isang patak ng likido ang tumama sa aking pisngi marahil nanggaling ito sa diary na hawak-hawak ko.

Dahil sa kadiliman ng gabi ay hindi ko masiyadong maaninag ang likidong nahulog sa pisngi ko. Pinasadahan ko ang basing pisngi ko gamit ang daliri ko at agad na ineksamin ang anumang malambot at tumutulong likido sa aking pisngi.

Dugo!

Kaagad akong napasigaw ng makita kong nag-uumpaw na sa dugo ang diary at naglalabas ito ng mga napakaraming dugo!

===

Napasinghap ako sa aking masamang panaginip. Bumangon na rin ako at pinunasan ang mga pawis sa aking noo. Napatingin ako sa labas nang makarinig ako ng mga taong nag-uusap. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Si Leo at si Tomas. Napakaseryoso ng kanilang usapan at halata sa mukha ni Leo ang pagkainis.

Ewan ko kung ano ang pumasok sa aking isipan para mapagdesisiyonang bumaba sa aking kwarto at makinig sa usapan nilang dalawa. Lumabas ako sa back door at nagtago sa isang maliit na punong-kahoy.

"Huwag masiyadong magpadalos-dalos Leon. Malalaman nila ang tunay na katauhan mo." Narinig kong sambit ni Tomas. Katauhan? Ano ang katauhan na sinasabi ni Tomas?

"Alam ko ngunit hindi ako makapapayag na mawala lahat ng mga pinaghirapan natin!" sagot ni Leo. "Nararamdaman ko na ang nalalapit na rebolusiyon kaya dapat doble-doble na ang pagsisikap natin."

"Ngunit Leon-"

"Malalim na ang gabi Tomas. Sa tingin ko'y mas makakabuting umuwi ka muna at matulog ng napakahimbing." Pagpuputol ni Leo sa gustong sabihin ni Tomas.

"Magandang gabi Leo." Pagpapaalam ni Tomas at ibinaba ang kanyang sombrero de honga.

"At sa iyo rin Tomas."

Nagpaalam na si Tomas at sumakay sa kanyang karwahe. Narinig ko namang naglalakad na si Leo pataas ng hagdan at nang makarating na siya sa landing ng bahay ay bigla itong tumigil at tumingin sa paligid na parang alam niyang may nakamasid sa kanya.

Pinigil ko ang aking hininga dahil malapit lang ang pinagtataguan ko kung saan nakatayo si Leo. Doble-doble na ang pawis ko sa puntong ito. Hindi dapat ako makita ni Leo dito. Nagkibit-balikat lang ito at inilabas ang susi ng manor at binuksan ang pinto.

Nang makapasok na siya ay tumakbo ako pabalik sa back door at dahan-dahang sinundan ang bawat hakbang ni Leo. Nakita ko siyang pumanhik sa library at alam ko ng pupunta siya sa kanyang tagong silid.

Sinundan ko siya at nang makarating na ako sa harap ng pinto ay kumatok muna ako para siguraduhing wala na siya sa loob. Walang sumagot kaya sinubukan kong buksan ang pinto ng library at hindi rin naman ito nakalock. Sumilip ako sa loob at wala akong makitang Leo sa loob. Tama nga ang hinala ko.

Pumasok na ako sa loob at nilapitan ang shelf kung saan ako lumabas kanina. All I need to do is to find what triggers the trap door. Naghanap ako ng mga pwedeng hilain sa shelf like books and others na nakadisplay sa shelf. Kadalasan kasi ng mga napapanood ko sa mga movies eh may hinihila silang mga libro pero wala ni isa ang nakapagpagalaw sa shelf. Tumingin rin ako sa mga gilid ng shelf ngunit wala akong makitang mga bagay na maaring makapagbukas sa trap door.

Tumayo ako sa harap ng shelf at pinagmasdan ito habang pinagiisipan kung papaano ito mapapagalaw. Tiningnan ko ang mga title ng mga aklat at napagalamang mga encyclopedia at mga libro sa medisina ang laman nito ngunit isang libro lang ang nangingibabaw sa kanila dahil ito lang ang walang titulo sa spine nito.

Hinila ko ito ngunit walang nangyari kaya naisipan kong kunin na lang ito. Napakabigat nito ngunit pinagpasensiyahan ko itong ilagay sa lamesa bago buksan ito.

Wala. Walang maaring makatulong sa akin dahil punong-puno lang ito ng mga illustration sa human anatomy. Unti-unti na akong naiinis sa aking sarili dahil alam kong nauubusan na ako ng oras. Sumilip na lang ako space kung saan nakalagay ang libro noon. Isang maliit na butas ang aking nakita.

Ito na kaya yun o simpleng butas lang kung saan may nakatirang isang insekto? Nawalan na rin siguro ako ng option at ipinasok ang daliri ko sa maliit na butas na yun ano man ang mangyari. Noong una ay wala akong makapa hanggang sa may naramdaman akong parang isang button dahil na rin sa kaliitan ng aking daliri ay hindi ko ito maabot. So much for a girl's finger.

Sumasakit na ang aking daliri sa kakaabot sa button na di ko maabot nang makita ko ang isang pluma sa lamesa. Napadaing ako sa sarili ko sa pagpapahirap sa aking sarili at hindi masiyadong pag-iisip.

Kinuha ko ang pluma at ginamit upang maabot ang button hanggang sa makarinig ako ng isang klik. Umabante ng konti ang shelf at alam kong bukas na ang trap door. Ibinalik ko ang pluma at libro sa kani-kanilang kinalalagayan at tsaka pumasok na sa trap door. Pagkasara ko na naman ng shelf ay kadiliman na naman ang sumalubong sa akin. Kinailangan ko pang humawak sa madilim na ding-ding para alalalyan ako sa pagbaba sa hagdan.

Nakaramdam ako na parang may gumagalaw sa aking daliri at muntik ng mapasigaw nang makitang isa itong ipis. Buti na lang at tinakpan ko ang aking bibig para mapigilan ang anumang tunog na tatakas sa aking bibig.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makakita ng konting liwanag sa siwang ng lihim na kwarto ni Leo. Sumilip ako sa siwang ng pintuan at nakita kong nakatalikod si Leo habang may tinitipa sa makinilya. Napansin niya siguro ang presensiya ko kaya kaagad itong tumingin sa likod niya. Mabilisan akong tumakbo palayo sa pinto at nagtago sa kabilang pasilyo. Narinig ko namang bumukas ang pinto at lumabas si Leo at dumaan sa kabilang daanan.

Eto na. Diyos ko gabayan niyo po ako. Tinipon ko na lahat ng natitirang katapangan ko at mapangahas na pumasok sa kwarto ni Leo. Nakita ko ang makinilya nito at naisipang iyon muna ang una kong titingnan. Nagsimula na akong lumapit sa lamesa at pakiramdam ko'y nauubusan na ako ng hininga.

Taltlong hakbang na lang...

Dalawa..

Isa...

At nang makita ko kung ano ang laman niyon ay napasinghap ako sa isang katauhan ni Leo.

"Arlene! Anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa likod at kitang-kita ang galit na mukha ni Leo. Oh no! At sino kasi ang nagsabing hindi ako mahuhuli dito?

"Leo, i-ikaw si Feroz de los Animales?" anas ko habang papalapit si Leo sa akin.

==============

,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,

Kung di niyo maalala kung sino si Feroz de los animals ay marapat lang na magbackread tayong lahat upang hindi mawala sa takbo ng istorya. :)

*Makinilya-typewriter

Comment naman guys. Di ko kasi alam kung nag-eenjoy pa ba kayong basahin to. :(

Ang Misteryo sa Alejandro ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon