SBTG Chapter 1

1.3K 13 1
                                    

Chapter 1

Hi I'm Princess Chloe Gatchalian. 19 years old. 2nd year college sa Asian University. Ang awkward nga eh. Alam niyo kung bakit? Umalis si tita at daddy dahil may importanteng tao daw silang imemeet.

Ayst! Nakakainis nga. Naiwan pa tong dalawa dito. Ang awkward tuloy. Tumayo ako para umakyat sa kwarto ko ng biglang may humatak sa akin, napaupo ako pabalik sa kinauupuan ko.

*smirk*

"Di mo ba kami ieentertain sa mansyon niyo? princess?" Waaah! Ayokong may ibang tumatawag saking Princess gusto ko si daddy lang.

"Excuse me po! Don't call me Princess. Chloe is enough, Si dad lang may karapatang tumawag saking princess. Okay?" Ewan ko ba kong bat ko nagawang magtaray. Naiirita kase ko sa kanila.

"Hahaha. Panu yan mas gusto kong tinatawag kang princess. Parang ang formal tapos ang cute pa. katulad mo cute." Errrr! Kinilabutan naman ako sa sinabi niya.

Waaah! Bigla niya akong inakap mula sa likod ko. Ano bang problema ng taong to? Bat nang aakap siya? kaloka! Yong hininga niya naamoy ko. Pinagdikit niya kase yong pisngi namin. In fairness, mabango ha. Teka! Ano ba tong iniisip ko. Kumawala ako sakanya, kinikilabutan kase ako.

"Whoa! Chill lang, bawal bang i-hug ang cute kong step sister? Hwag kang matakot di ako nangangagat. Pwera nalang kong gusto mong magpakagat. Hahaha." Ang manyak naman nito. Oo na, gwapo siya pero mi sapi ata.

Tumayo na ako. Baka kung ano pang gawin ng lalaking to sakin. Mukhang di mapagkakatiwalaan ang isang to. Tapos biglang may tumama sa likod ko, paatras kase akong naglakad dahil sa Step brother kong may sapi.

"TSK!" Napatingin kaagad ako sa may likoran ko. "Ano ba! bulag ka ba?!" Wow ang Sungit niya. Nakakatakot naman tong lalaking to.

"Aba sorry naman ho! Iniiwasan ko lang tong may sapi mong Bestfriend. Suplado!" Sabay walk out ko. Pero mahina lang Pakasaad ko sa huling word na sinabi ko.

Ang suplado naman niya. Yong isa naman parang ang badboy, huhu! Mas okay na sakin na walang kapatid kapatid na yan. Okay na ko sa pagigng unika hija kahit sabihin na nating boring dito sa mansyon atleast walang nanggugulo sa akin.

Nangugulo? Huhu! Hwag naman sana. At sa itsura nila di ko sila makakasundo. Ang sasama ng mga aura nila, di ko ma take.

Pagkaakyat ko ng kwarto. Padabog akong nahiga sa kama ko. Pano ako nito papasok sa school bukas kung sila makakasama ko? hindi naman siguro kami magiging magkakaklase diba? Sana lang. Kase hindi ako komportable sakanilang dalawa. Baka di ako makapag concentrate sa klase. Teka! Ano ba tong pinag iiisip ko. Hay nako chloe, Bakit ba nagiging big deal yan sayong dalawang yan? Hayaan mo nalang sila.

*tok*tok*tok*tok*

Sino ba kumakatok? kung si yaya Ising yan, dapat dalawang katok lang tapos sasabihin na niya kung ano ang kailangan niya. Tulad ng ibang katulong dalawang beses lang din sila kumakatok sa pinto ko.

*tok*tok*tok*tok*tok*

"Sino yan?" Tanong ko habang nakahiga parin. Naghihintay lang ako ng sagot mula sa labas kung sino man yong paulit ulit na kumakatok sa kwarto ko habang nakapikit. May rules din naman kase ako dito. Dalawang beses lang pwedeng kumatok at kailangan mong sabihin kong ano kailangan mo sa akin. Yong totoo kasi ayoko ng naiistorbo ako minsan lalo na kapag nagbabasa ako, nanonood ng movie or natutulog.

Walang sumagot mula sa labas. Seguro umalis na. Tinatamad pa naman akong bumangon. May narinig akong ngisi, pero baka guni guni ko lang yon. Wala namang ibang pumapasok ng....

Waaah!

Napabangon ako ng may maramdaman akong gumalaw at naupo sa kama ko.

"T-teka! Pano ka nakapasok dito?" Gulat na gulat kong tanong.

STUCK BETWEEN TWO GUYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon