SBTG Chapter 6

199 5 0
                                    

Chapter 6

Sinundo na ako ni Kuya Ray sa School at pagkauwi ko sa kwarto agad ako dumeretcho at nahiga sa kama.

Nakatitig ako sa mataas na kisame ng aking kwarto ng Maalala ko yong guy kanina sa cafeteria. Bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko sakanya kahit parang napakamisteryoso niya.

Ilang minuto rin akong napaisip sakanya. Yong face kase niya parang familiar sakin.

"Arf Arf Arf"

Napaupo ako sa pagkakahiga ng marinig ang kahol ni Potcholo pero agad naman akong nakabalik sa pagkakahiga ko ng sunggaban ako nito at dilaan ang mukha ko.

"Hahaha, Tama na nga yan potchochu~ nakikiliti ako. hahaha" Sabi ko habang tawa ng tawa.

"Tss! Baliw!" Teka sino yon.

Bumangon ako at nasilip kong may dumaan dahil sa anino na nakita ko. Nakabukas pala kase ang pinto ng kwarto ko kaya pala nakapasok itong si potchochu. May sarili din kasi itong dog house.

Akala niya seguro di ko siya makikilala. Alam ko si Mr. Sungit yon halata naman sa expression ng pagkakasabi niya. Tumatawa lang baliw na? OA siya.

Oo nga pala, di ko nakita maghapon sa school yong si hunter parati naman seguro magkasama yang magbestfriend na yan. Teka! Teka nga chloe, bakit mo ba siya hinahanap? Ano naman kung di mo siya nakita sa school. Hay nako! Makababa nga muna.

Pagkababa ko dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinum. Gusto ko malamig na malamig na tubig kaya binuksan ko ang ref para kumuha ng tubig. After ko magsalin sa baso uminom ako at sinalinan ulit ang baso ng tubig.

Busy naman sa pagluluto ang dalawang cook namin sa mansyon.

"Matagal pa po ba yan yaya?" Tanong ko, nagugutom na kase ako at may Gimik pa kami. Gusto kong kumain muna ng dinner bago umalis.

"Malapit na po itong maluto ma'am chloe" Sagot ng isa naming cook.

"Ah sige ho" Sabay ngiti ko at tsaka naglakad na nagtungo ako sa may swimming pool dala dala ang baso na may lamang tubig.

"Psssst"

Hala! Ano yon? Baka naman Guni-guni ko lang seguro. Di ko nalang yon pinansin. At tumikhim ng kaonteng tubig at pinagmasdan ang pool.

"Pssst"

May narinig na naman akong sumitsit. Guni-guni ko lang ba yon? 'Seguro nga chloe guni guni mo lang' bulong ko sa sarili ko at uminom na naman ng tubig.

"Waaaah!"

Sigaw ko kasabay ng paghulog ng hawak kong baso sa sahig.

"hahahaha, Magugulatin ka pala" Tawa niya. Nakakainis siya.

"Sino ba naman kasi di magugulat sayo eh bigla bigla ka nalang sumusulpot sa harap ko" Inirapan ko siya at nagcross arm.

"Kanina pa kita sinisitsitan di ka naman lumilingon" Sabi pa niya ng nakatawa. "Sayang ng baso nabasag, Mukha pa namang mamahalin oh" Tumingin ako sa baso na ngayon ay nagkalat sa sahig.

"Ikaw naman ang may kasalanan, kung di mo ko ginulat hindi mababasag yan noh" Mataray kong sabi sakanya.

Napatingin ako sa mukha niya pati sa damit niya. Ano bang nangyari sakanya? Bakit ang dumi ng damit niya tapos may pasa ang mukha niya at konteng dugo malapit sa may kilay niya.

"Haha, hindi naman kita ginulat ah, ikaw lang ang gumulat sa sarili mo Princess" Bakit nakukuha pa niyang tumawa sa ganyang itsura.

"Ano bang nangyare dyan sa mukha mo?" Curious kong tanong sakanya.

STUCK BETWEEN TWO GUYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon