SBTG Chapter 3

267 8 0
                                    

Chapter 3

"Ano ba!" Sabay tanggal ko sa kamay niya sa braso ko. Baka balian pa ko ng buto nito ang lakas makakapit. Di na naawa sa mala purselana kong skin.

Sa gulat ko, napahalukipkip ako ng makita ko ang mukha ng lalaki na nasa harap ko ngayon ng lingonin ko ito. Ano bang kailangan niya at kailangan pa talaga niyang hilain ako?

"Bat ka ba nanghihila? Gusto mo bang mabalian ako ng buto noh" kumunot lang ang noo niya at tinitigan ako ng nakakatakot na titig. Ano bang kasalanan ko sakanya at ganyan siya makatingin?

"TSK!!"

Yon lang narinig ko sakanya umiwas siya ng tingin sa akin. Napatingin ako sa may lower lip niya may sugat ito. Seguro nakuha niya yan sa pakipagaway nila kay bren. Pero di ko naman siya kanina nakitang nakikipagsuntukan don eh. Perting nakaupo lang siya sa bleacher kanina.

Baka nauna lang siyang nakipagsapakan bago si hunter at saktong katatapos palang nilang magbugbugan ng parating na kami. Seguro ganon nga ang nanyari at don niya nakuha yan.

"Ano tinitingin tingin mo?!" Ang suplado naman nito. Pagkatapos niya kong hilain tatanongin niya ko kung ano tinitingin tingin ko?

"Ano bang kailangan mo Mr. SU-NGIT." Mataray kong tanong sakanya. Kumunot na naman ang ng noo niya.

"Anong sabi mo?!" Hala! Bingi ba to? Di niya ba ko narinig para magtanong siya kung anong sinasabi ko? Tsaka bat niya ba ko pinagtataasan ng boses.

"Ang sabi ko ano bang kailangan mo-"

"Tinawag mo kong Mr. Sungit?!" Narinig naman pala niya nagtatanong pa.

"Oo, bakit di mo ba naintindihan? Gusto mo bang ulitin ko pa para sayo?" Pinagtaasan ko din siya ng boses. "Mr- ajkljhgfdaap" Tinakpan niya bibig ko kaya di ko nasabi yong dapat kong sabihin.

"Tumahimik ka nga! Pwede?! Nakakabanas ka na!" Gigil niyang pagkakasabi sa akin. Tinanggal na rin niya yong kamay niya sa bibig ko at ipinasok iyon sa bulsa ng pants niya. humakbang siya paatras at sumandal sa dingding. "Kung maaari ayokong malaman ng mga studyate dito, Na sainyo kami nakatira"

Napatingin lang ako sakanya. Yon lang naman pala ang kailangan niya hinila pa niya ko ng malakas. kamuntikan pa kong mabalian sa ginawa niyang yon. Masakit kaya pagkakahawak niya sa braso ko kanina ng hatakin niya ko kahit nga ngayon dama ko parin yong sakit sa braso ko.

Di ko pala namamalayang nasa harapan ko na pala siya. Ang bilis naman niyang nakapunta sa may harapan ko. Naka ninja mode ata to. Kumunot ang noo niya.

"Hoy!!"

*pitik-sa-noo*

"Aray!"

Napasapo ako sa noo ko sa ginawa niyang yon. Ano bang problema niya bakit ba namimitik siya sa noo? Bat hindi nalang noo niya ang pagtripan niyang pitikin ng maramdaman niya kung gaano kasakit ang pitik niya.

"Narinig mo ba sinabi ko kanina?!" Ang sungit talaga ng lalaking to. Ganyan ba talaga siya makipag usapa parang walang modo.

"Oo, narinig kita. Tsaka hwag mo ngang pinipitik ang noo ko. Masakit kaya, Gusto mo bag pitikin din kita diyan sa noo mo" Singhal ko sakanya. Nakakainis na kasi siya ang sungit niya.

"Tsk! Ayaw mo sa noo?! Eh san mo gusto? Sa Eyeball mo?!" Waaah! pipitikin niya eyeball ko? Ayoko nga.

Lumayo kaagad ako sakanya. Balak niya atang mamitik ng eyeball. Buti nakaiwas ako sakanya. Di ko alam na sadista rin pala to. Siya kaya pitikin ko sa eyeball.

"Yong sinabi ko! Tandaan mo! Kung hindi, YARI KA SAKIN! May atraso kapa nga sakin! Tsk!" Tinaasan lang niya ko ng kilay saka ako iniwan. Ang Sungit niya talaga nakakainis siya! Tsaka ano bang Atraso ang pinagsasabi niya? Grabe siya ah. Di niya rin hilig ang magbanta ano? Yayariin niya ba ko kapag di ko siya sinunod, Ganoon?

STUCK BETWEEN TWO GUYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon