SBTG Chapter 5

221 7 0
                                    

Chapter 5

hinatid ko lang ang Step Sister ko sa kanilang mansyon at mabilis na bumalik sa mall.

Katext ko ngayon si Yuhi at inalam kong nasaan siya ngayon. mabilis siyang nagreplay sa text ko.

From: Yuhi

[Dito sa seaside]

Nagpunta agad ako sa nasabing lugar. nakita ko si yuhi na nakatayo lang at may dalawang kasama di ko naman makita ang mukha ng mga to.

"Tss! Bagal mo"

"Loko! Pinalipad ko na nga yong kotse. Makabalik lang dito. Kawawa ng bago kong Fisker. Malalaspag ng maaga" Sarkatikong pagkakasabi ko.

"Nagcommute ka na lang sana kung ayaw mong malaspag ang kotse mo" Amputspa! Sumagot pa.

"Ngeta! Pasalamat nga binalikan pa kita. Ikaw ang magcocommute kung nagkataong di na ako bumalik dito" Pagtataas ko ng boses sakanya. Haha, ganyan lang talaga kaming magbestfriend. Ang sweet namin. Haha.

"Tssk! ayos lang. Sanay naman ako" Inirapan niya ko. Ang ibig sabihin non ayaw na niya makipagsagotan sakin. Halata naman kung balak pa niyang sumagot sagot, tataasan ka ng kilay at titigan ng nakakainsultong tingin.

"Oh! Sino ba ang mga to?" Pagiiba ko ng topic.

"Stalker daw" Walang ganang sagot ni Yuhi.

"Stalker kayong dalawa? Sinu inistalk niyo?" Tanong ko sa dalawang lalaking nasa harapan ko na ngayon.

"A-ahh. S-si Miss chloe ho" Haha, bat siya nauutal? Natatakot ba siya sakin? Mukha ba akong halimaw para katakutan nila.

"Stalker kayo ni chloe?" Taas kilay kong tanong sa dalawa.

"Oho." Sagot ng dalawa. Haha, ibang klase tong si Princess. Lakas makahatak ng charisma sa lalaki.

"Pwedi na ho ba k-kaming umalis?" Kabado tong isa.

"Aalis na kaagad kayo? Para kayong hindi lalaki. Bat ba kayo natatakot sakin" Sandali nga, baka may ginawang kasadistahan tong lokong bestfriend ko sakanila.

"Anong tinitingin tingin mo" Gago talaga to. Baka pinagbantaan niya tong dalawa kaya takot na takot.

Pumagitna ako sa dalawang lalaking katabi ko at pareho ko silang inakbayan. At bumulong.

"Pinagbantaan ba kayo ng kasama ko? Hwag kayong matakot, akong bahala"

"A-ah oho. Bubugbugin niya daw kami kapag di kami sumagot ng maayos sakanya" Loko talaga tong si Yuhi oo.

Bigla kong napansin ang I.D ng isa. Malapit lang ang school niya sa dati naming pinag aaralan sa stone university. Bigla akong napaisip don.

"Sige na. Makakaalis na kayo. Hwag niyo nang isstalk si princess este chloe pala" Sabay tapik tapik ko sa mga balikat nila. Para naman silang statue sa ginawa ko.

Kumaripas naman sila ng takbo pagtangal ko ng dalawa kong kamay sa mga balikat ng dalawa. Parang hinahabol lang ng aso ang itsura nila habang tumatakbo papalayo.

"Hatid mo na ko, kailangan ko pang kumita" Deriderecho lang siya sa paglalakad habang sinasabi yon.

"O-kay" Sabi ko at naglakad na rin.

(Chloe's POV)

Nakakainis! Di tuloy ako nakapasok kahapon. Major subject ko pa naman yon. Nakakainis kasi nawala sa isip ko na may pasok pala ko ng hapon na yon.

Where am i? nagjojogging lang naman ako kasama ang Samoyed dog kong si Potcholo. Papunta na kami ngayon sa favorite kong tambayan kung minsan. Sa 7/11

STUCK BETWEEN TWO GUYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon