SBTG Chapter 8

400 12 2
                                    

Chapter 8

Maaga akong pumasok ng School kasi excited akong makipag kwentuhan kay Kent. Ewan ko ba kung bakit, Feeling ko kasi marami syang dapat na ikwento sakin. Di ko nga namalayan at napansin na nasa harapan na ko ng room na papasukan ko ngayong araw eh. Haha.

"Hi Chloe" Bati sa akin ng Classmates ko. Nginitian ko sila at binati rin.

Naupo ako at nagbuklat ng Notes. May naupo sa tabi ko at alam kong si Kent na yon. Masaya kong binati sya.

"Hi, Good morn-"

"Oh! bakit ang asim na ng mukha mo? haha, ang saya mo palang kanina ah" Nawala yong ngiti ko at napangiwe. Akala ko pa naman si Kent na.

"Bakit dyan ka naupo? Di mo naman seat yan" Sabi ko sakanya ng di nakatingin.

"Bawal bang maupo dito? Wala pa naman si Prof eh" Di ko sya pinansin at nagkunwari akong nagbabasa ng notes.

"Sipag mag aral ah" Di ko pa rin siya pinansin. "Pacopy ko ng notes mo" Sabi pa niya.

"Maganda pala hand writing mo" Tinitigan ko ang note ko. "Ikaw nalang magsulat para sa akin para may note din ako" Kahit naiinis na ko deadma ko lang siya.

"Baka maperfect mo na ang quizzes at exams niyan. Haha!" Sabay gulo niya sa buhok ko.

"Argh! Ano ba" Reklamo ko at tinanggal ang kamay niya sa panggugulo ng buhok ko.

"Tss!" Narinig ko yon sa may bandang likoran ko. Sanay na ko kaya di ko na pinansin.

Tumayo siya at naupo na sa seat niya. Andyan na pala kasi ang Professor namin buti nalang pala maagang pumasok si Prof. Pagpasok ni Prof saka naman dumating si Kent. Di na kami nakapag usap or nakapag kwentuhan man lang nagsimula kaagad kasi ang klase.

_♡_

Pagkatapos ng klase nag ayos agad ako ng gamit ko.

"Kent sabay ka sakin sa Cafeteria. ipapakilala kita sa mga friends ko" Yaya ko sakanya pagkatayo ko.

"Nakakahiya Joey" Tinatangihan ba niya ko?

"Ayaw mo? Okay lang. Di kita pipilitin" May next time pa naman kung ayaw niya. Baka nahihiya pa siya.

Saglit siyang nagisip. "Sige" Sabay tayo niya. "Pero di ako mag tatagal may gagawin pa kasi ako" Ako naman ang napaisip ngayon.

May gagawin siya? May projects ba kami? Assignments or Long quiz?

"Joey" Tawag niya.

"Ahm, Tara na" Sabi ko at hinila na siya.

Pagkarating namin ng cafeteria. Saktong sakto nadoon yong tatlo. Lumapit kaagad kami at ipinakilala si Kent sakanila.

"Girls, May ipakikilala ko sainyo. Childhood Friend ko nga pala si Kent" Pakilala ko sakanila. "Ahm Kent sila nga pala si Gail, Mickey and Kelsi, Friends ko" itinuro ko sila isa isa.

"Hi, Nice to meet you" Sabi ni Kent.

"Nice to meet you too Kent. You look so cute naman" Sabi ni Kelsi at nakipagshake hands pa.

"Alam mo madalas kitang nakikitang pumapasok sa Computer room" Sabi ni Gail Sabay sumubo ng Chips.

"Ah oo, Madalas nga nandon ako para magresearch at magincode" Sabi naman ni Kent napatingin siya sa may gawi ni Mickey at napalunok.

Teka! Ako lang ba nakakita sa ginawa niya. Nahihiya ba siya kay mickey.

"May grado ba yang glass mo?" Tanong ni Mickey dito habang nakaturo pa yong kamay sa salamin nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STUCK BETWEEN TWO GUYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon