SBTG Chapter 4

222 6 0
                                    

Chapter 4

Medyo malayo layo layo din ang nilakad nila habang pasan ako ni hunter hanggang sa makalabas kami ng subdivision bago niya ako ibinaba. Naglakad pa kami para pumara daw ng jeep.

Nakakainis nga dahil pangatlong beses na namin tong sasakay ng jeep ang hirap makipagsisikan, Kung nagtaxi sana kami edi nakarating na kaagad kami sa pupuntahan namin.

"Bilisan mo ngang maglakad. Tssk! Babagal bagal" Sarap batokan ng pouch tong masungit na to. Ang sakit na kaya ng paa ko sa kakalakad namin rito.

Sa inis ko kay Yuhi di ko napansing huminto sa paglalakad tong si hunter kaya nabangga ko ang likod niya.

"Pagod ka na agad princess? Nahihilo ka ba? Haha! Di ka sanay, ano?" Nagtanong pa siya. Pinapahirapan ba ko ng mga to? Boset!

"Ano pa ba sa tingin mo?" Pagtataray ko sakanya at nagcross arm pa.

"Oh may jeep na, Tara na!" Sabay hila ni hunter sa wrist ko. Muntikan pa akong matapilok paakyat ng jeep buti napahawak ako sa may tuntongan ng jeep na to. Nauna siyang umakyat at nakahawak pa rin sakin nasa likoran ko naman si Yuhi nang tignan ko.

Waaah!

*pak*

Na carried away ako at pinalo ko ang kamay niya dahil nakahawak siya sa balakang ko. Nagsitinginan naman ang mga nakasakay sa jeep. Buti na lang pala nagskinny jeans ako ano nalang kaya kung nag dress ako? Ayst!

"Tss! Tatanga tanga kasi" Napatingin ako sa sinabi ni Yuhi. Parang umusok yong tenga ko sa narinig ko sakanya.

"Sasakay ba kayo o hindi?" Naiinis na tanong ng babae sa tabi ni Yuhi na sasakay din ata.

"Hoy Princess! Umakayat ka na nga" Batok sa akin ni Hunter sabay hila niya sa akin. Ano bang mga to. Ano ba akala nila sa akin puppet o robot na walang pakiramdam?

Naupo ako at nasa pagitan nila akong dalawa. Siksikan na naman ang init pa pinagpapawisan na ko rito yong pawis ko sa tumutulo na. Buti nalang di pawisin tong kilikili ko. May bumaba at may sumakay na naman. Ipit na ipit na ko rito kaya ayoko sa lahat ang mag commute, Nakakapagod na nakakastess pa.

Honestly, Di ako masyadong marunong mag commute. Sanay akong hatid sundo ng driver ko. Pero syempre may kotse din naman ako isang ferrari 458, bihira ko nga lang gamitin.

Tsaka, Saan ba kasi niya balak bumili ng kotse? May mga branch na ng kotse kaming nadaanan ah. Bat di nalang doon siya bumili. Ayst!

Pumara na si Hunter at bumaba na rin kami sa wakas. Nakakahilo na talaga, Di ako sanay sumakay ng Jeep sobrang init. Di ko nga alam kong haggard na itsura ko sa palipat lipat ng sakay ng jeep. Pagkababa namin lumakad na naman kami at pumasok kami sa isang toyota.

"Good Morning Ma'am and Sir" sabi ng guard. Naupo agad ako sa may couch malapit sa information desk at pinaypay ko ang kamay ko. Thanks god, air conditioning tong Toyota.

Pumipili na ng kotse si hunter samantalang si Yuhi nakatayo lang at nagmamasid. Ipinatong ko ang ulo ko sa sandalan ng couch. Nakakapagod talagang magcommute.

Pinikit ko muna saglit yong mata ko at nagbuga ng mahabang buntong hininga. Magpapahinga muna ako sandali habang sinusuri at pumipili yong mokong na yon ng kotse niya.

"Princess, Nakapili na ko" Gulat sa akin ni Hunter. Idinilat ko namang kaagad ang mga mata ko at umayos ng upo.

"Osige, babayaran ko na" Tumayo na ako at binayaran ang kotse gamit ang isa sa mga Card ko.

Nice choice. Fisker karma na kulay Grey ang napili niyang kotse. Ibinigay na sakanya yong susi.

"Oh ano, Tara na?" Nakangiting tugon nito. Mukhang masaya siyang nagkaroon ng kotse ah.

STUCK BETWEEN TWO GUYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon