SBTG Chapter 7

210 7 0
                                    

Chapter 7

"Class dismiss" Rinig kong sabi ng aming Professor. Medyo lutang lang ako ngayon sa klase. Major subject ko pa naman to. Inaantok pa kIase ako di tuloy ako makasabay sa lesson.

Kasalukuyan na akong naglalakad at balak ng magpunta sa Studio Apartment gusto kong matulog muna saglit. Pero nakaramdam ako ng gutom kaya sa cafeteria nalang ako nagpunta. Agad akong nagorder at naupo sa may sulok. Favorite ko talagang dito maupo sa may sulok. Kitang kita kase dito lahat ng studyanteng nagdaraan at kumakain dito sa cafe.

Habang busy ako sa pagkain nakita ko si Hunter at Yuhi na dumaan na parang may hinahanap. Nagpapacute yong ibang studyante sakanila at kinikilig naman yong iba. Pero di naman nila pinansin yon. Patuloy lang sila sa paglalakad na parang may hinahanap.

Sino bang hinahanap nila? Napakamot nalang ako. 'Hay nako chloe hwag mo silang pansinin, bat di ka nalang kumain dyan mabubusog ka pa keysa isipin kung sino hinahanap nila' Bulong ko sa sarili at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain nagpunta muna ako sa CR para umihi. Habang nasa may cubicle ako may narinig akong nagchichismisan papasok ng CR.

"Kawawa naman si my love Hunter. Sino kaya nagbugbog sakanya, nakita niyo ba yong pasa niya sa mukha. Nakakaawa siya diba?"

"Pati nga si baby Yuhi mayroon din. Seguro inggit lang yong nagbugbog sakanila kase pogi sila"

"Karmahin sana ang gumawa sakanila non"

"Tama ka sis karmahin sana"

Kahit tapos na akong umihi di muna ako lumabas ng cubicle at nakinig lang sa usapan ng ka schoolmates ko hanggang sa makalabas ang mga to.

Napaisip ako sa narinig ko. Ang pagkakaalala ko may pasa si Hunter ng umuwi sa mansyon may sugat pa nga siya sa may kilay niya. At ganon din si Yuhi nakita ko na may sugat siya sa lower lip niya nong nasa club ako.

Hay nako! Ang hilig palang makipag away ng magbestfriend na yon. nako! nako! Dapat umiwas ako sa dalawang yon. Pareho ata silang basagulero eh.

Pailing iling akong lumabas ng CR. Ako naman si tanga di tumitingin sa dinaraan kaya ayon may nakabangga ako. Muntikan pa kong matumba. Buti nalang naagapan agad ako nitong bumangga sakin.

"Ayos ka lang miss?" Agad niyang tanong sakin. Nakahawak siya sa balikat ko. At napatingin ako don.

"Oo, Ayos lang" Sagot ko naman at tinignan siya. Teka! Siya yong lalaking nerd na tumabi sa akin sa cafeteria.

Ngumiti siya kaya nginitian ko din siya pabalik. Tinitigan ko siya, Ewan ko pero magaan ang loob ko sakanya. Mukha naman kase siyang mabait.

*ring*ring*

"Sayo ata yong phone na nagriring?" Sabi ko sakanya pero nakatitig pa rin ako sakanya.

"Ah oo, hehe. Ahm sige chloe, Iwan na kita sorry nga pala kung nabangga kita. Nagmamadali kase ako" Sabi niya at dinukot yong phone niya sa bulsa ng pants niya "sorry ulit ha" Pahabol niya bago tuluyang umalis at tumakbo.

Naiwan naman akong tulala. Sino nga ba siya? Familiar talaga siya sakin eh. Tsaka habang nakatitig ako sakanya may nakita akong galos sa noo niya natatakpan kase yong ng buhok niya kaya di halata. Pero kung tititigan makikita talaga.

"Hey Chloe" Gulat sakin ni Kelsi.

"Tulala ka ata dyan Chloe" Takang tanong ni Gail ng lingonin ko.

"Haha. Hindi naman ah" Deny ko.

"Tara, sa cafeteria tayo. Halika na chloe sumama ka samin" Hila sakin ni mickey. Sumama naman ako sakanila.

Kumain sila pero ako softdrinks lang binili ko at isang potato chips. Kumain na kase ako at busog pa ko.

STUCK BETWEEN TWO GUYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon