SBTG Chapter 2

392 6 0
                                    

CHAPTER 2

*kriiiiiing*

Agad kong iniabot ang alarm clock at mabilis na inoff.

Waaah!

Napabangon ako bigla ng maalala ko yong.... yong.... Teka nga, Nagpalinga linga ako at Waaah! Nasa room ako? Seriously? Diba nasa cinema room ako at.... at....

Ayst! Paano ako napunta dito sa room ko? Ano ba yan. Panaginip lang ba yong nangyare kagabi? Yong lips ko. Patalon akong bumaba ng kama at patakbo akong humarap ng salamin.

(-_-)7

Nananaginip lang siguro ako non. Hay nako! Makapaligo na nga lang. Kung ano anu pa tong iniisip ko. Baka ma-late pa ko sa first subject ko sa school.

Pagbaba ko ready to eat na ako kaso bigla akong nawalan ng gana ng makita yong dalawa na naupo.

Kumuha ako ng bacon at sausage at kinain yon tapos uminom ng gatas. Tapos!

Tahimik lang akong tumayo. Ayokong masira ang araw ko kaya di ako tumitingin sa dalawa yon. tama! Ganito nalang palagi ang gagawin ko. kunwari di ko sila kasama or di ko sila nakikita. Di ko sila papansinin kahit sa school ganoon din ang dapat kong gawain. Haha, ang galing ko noh?

"Tara na ho kuya." Tawag ko sa Personal driver ko. At pumasok na ako sa Limousine at maayos na naupo.

"Kuya Ray, tara na ho. Sino pa ba hinihintay niyo?" Antagal kasi ni kuyang paandarin ang sasakyan.

"Ah ma'am, hinihintay ko pa po yong dalawa para dito na din sila sumakay."

"No kuya ray. Ayoko silang makasabay. Mauna na tayo." Utos ko sa driver. Agad naman siyang sumunod sa akin at pinaandar ang sasakyan.

Pagkarating sa school. Derederetso lang ako sa paglalakad.

"Kyaaah! Ayan na si Princess"

"Ang ganda niya talaga"

"Ang cute cute niya inlove na ko sakanya tol!"

"napaka elegant niya. Nakakainggit"

"chloe gusto kita maging gf"

Ito ang ayaw ko rito ang dumaan sa Corridor. Huhu! Palagi nalang nila akong pinaguusapan. Pero di ko nalang pinapansin. Sanay na rin naman ako eh.

Maayos akong naupo sa seat ko. At hinintay na dumating ang prof ko.

"Andyan na si prof!" Sigaw ng kaklase kong lalaki. Nagsi ayos at nagsibalikan na sila sa kani kanilang seats. Pumasok ang prof namin na may kasamang dalawang lalaki.

Huwaaat?!!

"Ahm class. Sila ang magiging bago niyong classmates sa mga minor subjects. from Stone University sila at na transfer dito sa Asian university" Stone university? Di ko kilala ang school na yon ah. San ba yon?

"Hi, Hunter Moran at your service"

"Kyaaah!" Aba! Kailangan ba talagang pagtilian?

"I'm Yuhi Sato" Parang napipilitan lang magpakilala to.

"Kyaaaah!"

"Ang gwapo nila sis noh?" Siko sa akin ng seatmate ko. Gwapo? Okay, Aaminin ko gwapo sila. Pero mag sisisi kayo kapag nalaman niyo ang ugali ng mga yan.

"Ang Hot ni Yuhi"

"At ang cool naman ni Hunter"

"Crush ko na sila. Kyaaaah!"

Crush Agad agad? Hay nako. Oh sige sila na. Sila na ang malakas ang sex appeal.

Bago sila naupo narinig kong nagsmirk ng malakas si hunter. Nakapangalumbaba lang ako. At di ko sila pinansin.

STUCK BETWEEN TWO GUYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon