29: Confession

73 5 1
                                    


HELLO, May dinagdag nga pala ako doon sa previous chapter, okay lang kung di na basahin. Yung song lang naman yon. Labyohhh.


--


Faith's POV


Minulat ko na ang mga mata ko. Nasaan ba ako? Nasa ospital pala ako. Tsk. Naalala kong nasagasaan pala ako.


Tinignan ko yung nagbabantay sa akin, naka yuko siya kaya di ko makita yung mukha.


Tumingala naman yung lalake. "Faith?! Gising ka na?!"


Si Kyungsoo lang pala. Bigla ko tuloy naalala yung panaginip ko. Ngayon alam ko na ang lahat nung nasa panaginip ko or should I say sa mga memorya ko na nawawala. Pero may iba pa ding mga memorya na hindi pa bumabalik.


"Sino ka? Nasaan ako? Kilala ba kita?" I have a plan. Pangganti lang don sa pag-kiss niya sa babae. -_-


"W-wala kang maalala?" gulat na gulat niyang sabi. Yasss.


"Obvious ba?" #EvilFaith


"F-faith! Ang pangalan mo ay Faith! ikaw si Eun Hyeseul!" siya nga pala ang nag-pangalan sa akin ng 'Faith' sa pagkakatanda ko. Nakita ko naman na parang kinakabahan siya siguro na takot akala niya talaga may amnesia na ako.


"Faith? eww. Ang corny naman. Sino ba nag-pangalan niyan?"


"A-ako." sabi niya ng naka-yuko. aww. ang kyot niya parin. (pero juk lang, broken-hearted pa ako noh)


"Kaya naman pala."


Puro katahimikan lang. Nasobrahan yata ako. Tsk. Lalabas na sana siya ng tawagin ko siya. "Hoy."


Napalingon naman siya sa akin. "Bakit? May kailangan ka? Tatawagin ko lang yung mga doktor at bibili ng pag-kain. Tatlong araw kang tulog, paniguradong gutom ka."


Napa-nganga naman ako sa sinabi niya. 3 days?! WTF. Hindi ko namalayan na lumabas na pala siya at maya-maya lang dumating na yung mga doktor.


"Ija, wala ka ba talagang naalala? Sa mga test kasi, imposible na magka aamnesia ka." sabi nung doktor.


"Ahehehe. Doc, sorry po. Nagjo-joke lang ako dun sa lalaki kanina. Pasensya na. Pero sana po wag niyo muna sabihin sa kanya, ha?" sabi ko habang kumakamot sa batok ko.


"Ah. kaya naman pala. Sige." At pagkatapos non, chineck-up na nila ako.


--


Kaaalis lang nung mga doktor nung dumating si Kyungsoo na may dala-dalang pagkain. Mukha parin siyang malungkot.

erased chapters • d.ksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon