33: Tears

62 4 0
                                        

[Double update. YAY! Pambawi para sa mahabang semi-hiatus. lol]


Kyungsoo


Pumunta agad ako sa ospital nang sabihin sa akin ni Baekhyun. Sana maayos ka lang. Please. Kaya mo yan.


Bakit ba kasi ang torpe ko? Dapat pala sinabi ko na noon pa. Sorry kasi iniwan kita noon at ayokong sayangin ang chance na makasama ka ulit. Kaya mo yan. Sana okay ka lang.


Paulit-ulit lang na ganon ang nasa isip ko. Hindi ako mapakali.


Nang makarating ako sa room ni Hyeseul. Nakita ko siya. Nakita ko ang doktor kausap ang nanay niya. Nang maka-alis ang doktor. Nakita ko ang paghagulgol ni Mrs. Eun habang pinapatahan siya ni Mr. Eun. Habang ako nasa gilid lang patuloy ko pa ring sini-sink in sa utak ko ang mga pangyayari.


"E-excuse me po. Ano pong ngayari kay Hyes-seul?" nang magkraoon ako ng lakas na loob, nagtanong ako. Nakakapanghina kasi na makita ko ang babaeng mahal ko na nasa kama ng ospital. "O-okay lang po ba siya?"


"Ijo, hinihintay na lang namin siyang magising, stable na ang lagay niya." Pag umpisa ng tatay ni Hyeseul habang nagpupunas ng luha ang nanay niya. "Ang ikinababahal namin, may posibilidad siyang magkaroon ng brain tumor dahil sa aksidente."


Para akong na-frozen sa kinatatayuan ko. "Po? Brain T-tumor?"


"Oo, ijo. H-hindi talaga namin alam na noong bata siya, nagkaroon pala siya ng selective amnesia na side-effect din ng aksidente noong bata pa siya. Pero mayroong malaking posibilidad na bumalik ang mga nawala niyang ala-ala." Pagpapaliwanag ni Mrs. Eun. "Ang selective amnesia raw ay side effect matapos ang isang aksidente makalipas ang dalawa o tatlong buwan nagsimula ng mabura ang ala-ala niya. Kaya wala kaming ka-alam alam dahil kilala niya kaming lahat. Lahat kami ay natatandaan niya. Hindi siya nagpakita ng senyales na nawawalan na siya ng ala-ala."


"Selective amnesia? K-kaya pala..." hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa sitwasyon namin. Kaya pala hindi niya ako kilala.


"Ano ang ibig mong sabihin, Ijo?" nagtatakag tanong ni Mrs. Eun sakin.


"Ako po ang bestfriend ng anak niyo, 9 years ago. Siguro ito rin po ang dahilan kung bakit hindi niya ako kilala. Lahat po ata ng ala-ala niya kasama ako ay nawala po dahil sa nagkaroon siya ng selective amnesia."


Gulat at lungkot ang pinakita nila sa akin. Lumapit si Mrs. eun sa akin at niyakap. Kasabay ng pag himas sa likod ko ni Mr. Eun. Doon rin tumulo ang luha ko.


"S-sorry talaga. Sorry, Kyungsoo. Kami ang dahilan kung bakit nangyari to sa inyo ni Hyeseul. Sana ay naipagamot agad namin ang amnesia niya dati pa."


"Wala ho kayong kasalanan. Naniniwala po akong naka-tadhana po ang mga pangyayaring ito at lahat ng ito ay may dahilan." nginitian ko sila ng malungkot at hinintay naming magising si Hyeseul.


Please, sana magising ka na. Lumaban ka, Eun Hyeseul.

erased chapters • d.ksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon