Memories
Habang nagshoshower ay hindi ko alam kung bakit ako natutulala. Ewan. Yung bigla na lang may magfflashback sa utak mo na dapat limot mo na.
Flashback.
Umuulan noon at magkasama kaming dalawa. Nasa loob lang kami ng bahay. Gustong gusto nyang maligo sa ulan. Ayaw na ayaw kong maligo ng ulan dagil nagkakasakit ako. Pero hinila nya ako palabas ng bahay. Galit na galit ako sa kanya nun. Pero ang ginawa nya lang ay Ngumiti at niyakap ako. Hinalikan ang noo ko at ngumiti ulit. Hinila nya ko papunta sa may bahang parte. Nagtatatalon sya na parang bata lang. Nakakatuwa dahil may boyfriend akong Baliw. Tumigil sya sa pagtalon at tumingin sa akin. Ngumiti at sinabing "Join me". I said no pero hinila nya ako. Binuhat at pinaikot ikot. Naghabulan kami habang umuulan. Masaya kaming dalawa. Masayang naglalaro sa ulan. Masayang magkasama. First time kong matuwa sa ulan. Ayaw na ayaw ko ang ulan dahil lagi na lang akong nagkakasakit. Nang matapos ang ulan ay nag-umpisa na ang sipon ko. Bigla na lang sumakit ang ulo ko. Dinner na pero nawalan na ako ng gana. Hinawakan nya ang noo ko at nagulat sya. Binuhat nya ako papuntang kwarto ko. Pumapalag ako dahil kaya ko naman. Ang OA nya lang. Pagkalapag nya sa akin ay tumakbo agad sya sa labas at inutusan si Yaya na kumuha ng Towel, at malamig na tubig. Ipapahid nya daw sa akin. Sobrang init ko daw kasi. Natutuwa ako sa reaksyon nya. Nang dumating na si yaya ay nagrequest pa sya na magluto ng lugaw for everyone. Lalo na daw sa akin. Todo punas sya sa katawan ko para mabilis nawala ang lagnat. "I told you bawal ako maligo sa ulan." Sabi ko habang pinupunasan nya ako ng towel. "Malay ko bang agad agad ka magkakasakit. Sorry na." "Ok lang. Nag-enjoy naman ako. Thank you for being there for me. First time may mag-alaga sa akin ng ganito ka OA. Hahaha. Lagi kasing si Yaya ang nasa tabi ko." "It's ok. I love you and I'm always here for you. Kahit wala ka pang sakit. Andito lang ako." "Tama na nga ang drama. Nakakaiyak na eh." Ngumiti lang sya at tumabi sa paghiga ko. "Baka magkasakit ka nyan. Mahawa ka." "Ok lang. Atleast pareho tayo." Tumawa sya at todo yakap sa akin. Binatukan ko nga. Gusto pang magkasakit eh.
~End of the flashback
Hays. Parang tanga lang noh. Imbis na kalimutan na eh inaalala pa. Kaya ayoko na sa ulan eh. Dahil sa Ulan din ako nasaktan.
Flashback
Araw na sinusundan ko sya kung saan sya pupunta. Sinusundan para suyuin. Ilang beses na kong nagtry. Pero ayaw nya pa rin ako kausapin. Ni hindi ko alam kung bakit. Hinahabol ko sya dahil pumunta sya sa isang madilim na lugar.
"Johann? Kausapin mo na kasi ako." Sabi ko. Nage-echo ang boses ko. May biglang humawak sa likod ko. Napatili ako at bigla nyang hinawakan ang bibig ko.
"Bat ka pa sumunod?! Sinabi ko nang umuwi ka na diba!" Mahinang sigaw nya. Ano bang meron dito. Lumabas kami at saktong umuulan.
"Diba sinabi ko na sayong umuwi ka na? Ang kulit mo naman eh." Sabi nya at naiinis na.
"Paano ako uuwi kung umuulan?" Tanong ko. Bumulong sya pero dinig ko din naman.
"Sunod pa kasi ng sunod eh. Tsk. Edi sumugod ka sa ulan. Maligo ka sa ulan. Wala namang problema dun." "Eh diba nga nagkakasakit ako agad. Samahan mo na ko. Uwi na tayo." Sabi ko at hinihila na sya pauwi. Nababasa na ko ng ulan. "Umuwi ka. Itext mo na lang ako." Sabi nya na ikinainis ko. "Ano ba kasing meron sa Letcheng Loob na yan ha! Bat ayaw mo pa umuwi!" "Wala ka nang pake dun!" "May pake ako kasi girlfriend mo ko!" "Girlfriend lang kita di kita nanay o asawa!" Natahimik ako sa sinabi nya. Iniwan na nya ako at pumasok na sya sa loob. Napaupo ako sa lupa dahil sa sinabi nya. Napaiyak ako sa mga sinabi nya. Ni kahit kelan di nya pa ko sinigawan. Ngayon lang. Umuwi ako nang bahay Mag-isa. Basang basa. Nilakad pauwi dahil wala nang masakyan. Papasok na ko ng bahay. Lamig na lamig ako. Hinimatay ako at nakita ako ni Yaya. Sobrang taas na pala ng lagnat ko. Bago kasi pumasok kanina ng maaga ay masakit na ang ulo ko at sinipon. Dinala ako ni Yaya sa hospital dahil hindi na nya kaya ang taas ng lagnat ko. At wala ang isang JOHANN CARLO sa tabi ko. Walang JOHANN CARLO na nagbabantay sa tabi ko. Walang JOHANN CARLO na nag-aalaga sa akin. Naconfine ako ng ilang araw. Pero walang JOHANN CARLO na sumilip man lang. Walang JOHANN CARLO na nag-alala man lang sa kalagayan ko...
BINABASA MO ANG
Someday.
RomanceLahat tayo may winish gamit ang someday. But this is so different from what we wishing literally.