Forgiveness
REEN'S POV
Gumising na ako at umaga na. Wala na ang masamang pakiramdam ko. Napansin ko namang medyo mabigat sa kaliwa ko. Tinignan ko kung ano yun at si Johann pa din pala. Pero may hawak na syang bulaklak. White Rose na lagi nyang binibigay sa akin noon pa man. Napangiti ako dahil binantayan nya talaga ako sa pagtulog. Kailangan na nga talaga itong patawarin. Para na din sa ikawawala ng galit sa puso ko. Tumayo ako para makaalis sa kinahihigaan ko. Medyo gumalaw sya kaya ginising ko na.
"Johann, humiga ka muna sa higaan ko. Alam kong pagod ka." tumayo naman sya at humiga na. halata mo sa kanyang mukha ang malungkot at pagod na mukha. Ayst kasalanan ko kasi to eh. Bumaba muna ko para puntahan si Yaya. At sa kasamaang palad di ko sya makita. dumeretso na lang ako sa kusina para gumawa ng sandwich ko for breakfast. Tinatamad ako magluto eh. Nang papunta na ko sa may sala para manuod sana ng TV nang nakita ko yung Rosas. Apat na sya. Tapos may isa pa syang hawak sa kamay nya. Kelan nya pa nilagay ang tatlong bulaklak? Nilapitan ko ito at hinawakan. ang bango bango nya. Kakaiba ang amoy. May naririnig naman akong parang may naglalakad sa likod kaya lumingon na ako.
" Hija gising ka na pala. Bakit di mo man lang ako ginising?" sabi ni yaya habang papuntang kusina.
"Ok lang po. alam ko namang pagod kayo eh." sabi ko at paupo na sana sa sala. Kaso ngayon ko lang napansin na nandito si Carmela. Buti di ko naupuan. Umupo na lang ako sa lapag at binuksan ang TV. Hininaan ko naman para hindi magising si Carmela. Pero no use ang paghina ko ng volume dahil nagising pa din sya. Lakas ng pandinig eh. Napaupo naman sya dahil nakita nya ako.
"Ate dito ka na umupo. Sorry dito na ko natulog. Nakakatakot kasi umakyat kagabi sa taas eh. Masyado nang madilim baka malaglag ako."sabi nya habang kinukuskos ang mata. Natawa naman ako.
"Naku. Anong oras ka na ba kasi umuwi at inabutan ka ng dilim dito sa bahay?"pagtatanong ko.
"Mga ala una na po ako nakauwi kasi nagtraffic sa pinuntahan ko. Nasiraan din po kami nung medyo malapit lapit na buti na lang po naayos agad. Pero nakakotse naman po kami ng mga friends ko kaya nagpahatid na po ako. Nakakatakot na po kasing maglakad lakad sa labas ng mga ganung oras."pageexplain nya. Buti naman at safe syang nakauwi.
"Basta wag kang mahihiya dito sa bahay na to ah. Kainin mo lang lahat ng gusto mo. Gawin mo lahat. Kasi bahay mo na rin to ok?" sabi ko. The best way to move on on the past.
"Ok po ate. Pero teka lang ate, sure ka ba talaga sa sinasabi mo? Di pa din kasi ako makapaniwla eh. Tsaka diba magkaaway kayo ni kuya? Diba ayaw mo sya patawarin dahil sa past?" curious nyang tanong.
"Past can't make you live happy. Pag hindi mo pinakawalan yang past na yan, hindi hindi mababalik ang dating saya sayo. Kailangan mong mag move forward to Live happier and longer."explain ko. Mas magiging malaya ako kung papatawarin at papakawalan ko ang masamang nakaraan.
"Forgiving is the best way to forget the past and move on. Maybe the past can change you. On what you are now. Pero ang past ang magdedepende kung magiging masaya ka in future. At kung hindi, that's your decision. At ikaw ang pumili nun."pagpapatuloy ko.
Nakikinig lang sya sa akin at ninanamnam ang mga word na sinasabi ko. tumango tango sya ng marealize na tama ang mga sinabi ko.
"Edi ibig sabihin ba nyan bati na kayo ni Kuya?"tanong nya. Bati na nga ba? Pero hindi nya pa alam.
"Shh ka lang ha. Hindi nya pa alam na bati kami eh."sabi ko na medyo natatwa tawa pa.
"hala pwede ba yun ate? tanong nya. Halata mo sa kanyang isip bata pa sya kahit nagkaboyfriend na.
BINABASA MO ANG
Someday.
RomanceLahat tayo may winish gamit ang someday. But this is so different from what we wishing literally.