6

19 3 1
                                    

A/N:

Thank you sa mga naghintay sa update ko. :) Sorry kung may makikita kayong typos. May sugat si Author sa Thumb and nakaphone lang ako nagaupdate. At may sakit si author.And sorry kasi di ko natupad yung pangako kong linggo magupdate. Kakauwi lang kasi ni Author galing simba and somewhere. Hope you'll understand.

Vote, comment and Share. :)

White Rose

Johann POV

Bumaba na ako para magsabi kay yaya na magluto ng lugaw for Reen. Lumapit ako kay Yaya na nasa kusina.

"Yaya, lugaw naman for Reen oh. Pinatulog ko muna. Para makapagpahinga na. Baka lagnatin ulit eh." Sabi ko kay Yaya habang inaasikaso ang mga ingredients na gagamitin nya sa lugaw.

"Tama yan anak. Sya na. Magpahinga ka muna dyan sa sala. At ako nang bahala dito sa lugaw." Sabi nya hbang naghihiwa. Sumunod na lang ako. Natatakot ako sa mangyayari kay Reen. Di sya pwedeng mawala. Ayoko at hindi pwede. Buti na lang dumating ako kundi baka wala na sya. Binuksan ko ang TV nyang Flatscreen para naman malibang. Habang nanunuod ay napansin ko ang white Rose sa tabi nito. Nilapitan ko ito. Eto yung binigay ko sa kanya ha. Tinabi nya pala at inalagaan. Nandun pa din ang sulat ko na nakalagay sa Flower. Napangiti ako at nawala ang pagod ng makita ang bulaklak. Sabi na nga ba hindi ako matitiis nito eh. Lumapit ako kay Yaya at pinanuod na lang syang magluto. Nagkwentuhan kami ng kung ano-anong nangyari ng mawala ako dito sa Pilipinas. Grabe din pala yung hirap na dinanas ni Reen. Lalo akong nagiguilty sa ginawa ko. Isang malaking katangahan naman kasi talaga at kagaguhan ang ginawa ko. Ang gago ko kasi mas pinili ko ang taong di ko na pala makikita sa taong dapat ay inalagaan ko. Tinext ko si Carmela na pumunta dito sa bahay ni Reen. Alam kong alam nya to dahil kasama ko sya sa panahong binabantay ko si Reen nang bumalik na kami dito. Sinabihan ko din na bumili ng tatlong White Rose for Reen. Para I Love You. Mga isang oras ay dumating na sya. Inabot sa akin ang white rose pero di ko binigay kay Reen. Nilagay ko na lang sa tabi ng unang Rosas na binigay ko. Nagtaka naman si Carmela.

"Kuya kala ko ba kay Ate Reen? Bat di mo ibibigay? Edi sana nagpagawa ako ng pangflower vase na bouquet lang diba." Sabi nya. Nakakatawa lang.

"Para kay Reen naman talaga to eh. Pinagsama sama ko lang lahat ng flowers na binigay ko." Tinaasan naman nya ako ng kilay.

"So sayo yung isang white rose dyan? Edi hindi na I love you yan. Apat na eh." Napangiti ako kasi ang kulit nya talaga. Broken hearted pa yan sa lagay na yan ah.

Inayos ko na lang yung bulaklak para pag magaling na si Reen eh makita nya. Nakita ko naman si Yaya na nagpeprepared na ng pagkain ni Reen kaya lumapit na ako at tinulungan sya. Sinabi ko na rin na ako na magdadala para makapagpahinga naman sya dahil kakauwi nya lang galing probinsya. Sobrang pasasalamat ko kay Yaya kasi nagstay pa rin sya sa tabi ni Reen kahit na nawala na ako. Umakyat na ko para ihatid kay Reen ang pagkain. Binuksan ang pinto at nakitang tulog na tulog. Inilapag ko sa side table ang pagkain nya. Ang sarap titigan ng mukha nya. Hindi nakakasawa. Umupo ako sa gilid ng kama nya at tinitigan lang sya. Hay. Heaven na heaven ang mukha. Naalala ko yung panahong masaya kami. Pero halata mo sa mukha nyang may lungkot pa din. Sising sisi ako sa lahat ng ginawa ko. Hindi ko alam anong lakas ng loob ko bat ko yun ginawa sa kanya. Nagising si Reen na ikinagulat ko.

BOOOGGGSSSSHHHH.

"Aray." Sabi ko habang hawak hawak ang ulo ko. Napatumbling ako sa pagkalaglag sa upuan. Napabangon namang bigla si Reen.

"Ok ka lang Johann?" Tanong nya sa sobrang pag-aalala. Naks nag-alala. Tumayo na ko at umupo ulit sa dating kinauupuan ko.

"Ano ba nangyari sayo bat ka tumambling?" Sabi nya habang natatawa tawa. Halatang nagpipigil ng tawa.

Someday.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon