A/N:
Isusure ko lang kung putol ba o hindi. Nung binasa ko kasi sya in my library ay putol. Kaya inulit ko na lang yung part na dulo. Hope you understand. Please vote and comment guys. Thank you. :) idededicate ko lang sa dalawang sumusuporta sa story ko. Hahaha FriendIsEnough and KatlieMaryHernandez. Suportahan nyo din po ang story nilang dalawa. Thank you in advance. :)Small World.
"Oh sorry di pa pala ako nagpapakilala. Hahaha. My name is Carmela Janine Greese." What did she say? Greese?
"Greese? Who's your family here?" Agad na tanong ko. Hindi pwedeng siya. Ayokong mapalapit sa kanila.
"Ha? My Father died in Saudi. Galing ako dun Last year. But I found out that I have a Brother. He's Johann Carlo." The fvck. No way.
"Oh. Ok. I have to go. Bye." Sabi ko na lang. Paalis na ko nang hawakan nya ang kamay ko.
"Wait. Did you know Johann Carlo?" She asked. Well sasabihin ko na lang.
"Yes. My Latest Ex. At nag iisang ex ko. Tell him na tigilan na nya ako. And thank you nakilala kita. What a small world. Bye." I said at umalis na ng tuluyan. Ayokong mapalapit sa kahit kaninong relate sa kanya. Takte yan. Napakasmall ng mundo. Ang taong nagpaadvice pa eh ang kapatid nya. I can't believe it. Hays. Dalawang araw nang weird ang nangyayari sa araw ko. Sana panaginip lang to.Pumunta muna akong Coffee Shop para magrelax. Mamaya pa naman kasi ang gig ko. Umorder ako ng kung ano. Hindi naman kasi ako mahilig sa coffee. Tumungo muna ako para marelax naman ng kaunti ang ulo ko. Ang sakit sa ulo ng mga nangyayari. Hays.
Pupunta ako ngayon sa hindi ko alam na lugar kasama ang Greatest Johann Carlo. Hawak hawak nya ang kamay ko at hinihila papunta sa kung saan. Nakangiti syang tumitingin sa akin. At tumigil kami sa isang maliit na bahay. Pag pasok namin at nakita kong may tarpaulin na nakasulat ay "Welcome To The Family" nagtaka naman ako kaya dumeretso na ako. I saw his Father and Mother na nakaupo na sa hapag kainan. What is happening? At nakita ko naman si Carmela Janine na pababa ng hagdanan at binati ako.
"She's here! Welcome to the Family Ate Reen." Shock. Napatigil ang mundo ko sa sinabi nya. Is this real? No way. Hindi pwede. Hinding hindi. Tumakbo ako palabas ng bahay nila para tumakas sa lahat ng tao. Lumabas ako at andaming sasakyang nagkalat sa labas. Hindi ako makatawid. Dere-deretso na lang akong tumakbo at Boooooogggggsssssshhhhhh!!!Waaaahhhh ano yun! Takte kaya pala eh. Nahulog na yung ulo ko. Tae yan nakatulog na pala ako. Andito pa din sa coffee shop. Matignan nga kung anong oras na. Shit! 8:00 na! Takte late na ko. Dali dali akong lumabas ng coffee shop tumakbo papuntang resto. Pumasok agad sa loob. Patay di ako nakapagprepared. Bahala na yung boses ko. Nakita ko naman yung manager kong bakla.
"Sir sorry late ako. Nakatulog ako habang nag-aantay eh." Pag-eexplain ko. Bawal magsinungaling dito eh. Lalo na pag alam nya talaga. Madalas din kasi yan sa coffee shop. Minsan niyayaya nya ako.
"Oh it's ok. Meron pa namang nakasalang. Pang midnight ka na lang ok? Go na. Magprepared ka na." Sabi nya.Inayos ko na ang sarili ko. Nagmake-up. Nagcontact lense. Di ko na kailangang magpalit ng damit. Nice naman sya for me. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Ibang iba sa dating Reen. Ibang iba sa dating pagkatao ko. Ibang iba sa malungkot na ako. Make up can hide the past. Smile can hide the pain. But kung tatanungin ako, eto pa rin naman ako. Ang nerd na nasaktan. Ang nerd na iniwan. Ang nerd na walang kwenta. Lahat sila feeling nila nagbago ako. No. Never. Binago ko lang ang pananaw ko sa buhay. Pero di ko binago ang mga pangarap ko. Pangarap ko na maging isang musician. Maging isang guitarist sa isang sikat na banda. Ayokong ako ang singer. Pero tatapusin ko muna ang college. Para work na lang ng work.
Nagprepare na ko ng voice dahil malapit na rin naman mag12. First time kong malate sa trabaho in my entire life. Hays. Napakagulo naman kasi ng mundo. Ayoko na nga. Kinakabahan ako. Hindi dahil ako na ang isasalang. Dahil sa bumabalik na ang mga taong gumulo ng buhay ko. Ayoko nang mapalapit pa ulit sa kanila. Ayoko nang may lumapit pa ulit sa akin para lang lokohin ako. Hindi ko kailangan ng lovelife para lang sumaya. Kung lolokohin ka lang naman pala. Manhid na kung manhid dahil isang beses lang pwedeng masaktan. Hindi pwedeng paulit ulit. Magmumukha ka nang tanga kakapatawad. Kakapatawad sa mga taong di naman deserve ang kapatawaran.

BINABASA MO ANG
Someday.
RomanceLahat tayo may winish gamit ang someday. But this is so different from what we wishing literally.