AkalaBuong akala ko na ikaw ang may kasalanan. Na ako yung nasaktan at hindi ikaw. Na ikaw yung nagpaasa at ako yung umasa.
Pero yung totoo,
Hindi ka naman nagpaasa. Nagbulag bulagan lang ako kaya ako'y umasa na tayo'y may chansa.
Hindi mo naman ako pinakawalan. Una palang, ang kamay ko'y hindi mo naman hinawakan.
Hindi mo naman ako pinagpalit. Naging tayo ba? Hindi naman.
Hindi mo naman ako niloko kasi sino ba naman ako? Kaibigan mo nga lang ako e.
Hindi mo naman ako minahal. Hindi naman talaga at yun ay ang aking akala lamang.

BINABASA MO ANG
Tula
Puisi"Ang tula ay isang paraan para maipahayag ko ang tunay kong nararamdaman." // Compilation of filipino poems made by princesabangs