Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
—
Ang hirap na oras ang kalaban mo kasi kahit gaano ko gusto gawin lahat para ihinto ito, patuloy at patuloy siyang tumaktabo na parang ikaw lang sa isip ko.
Ang hirap mag mahal ng tao kapag hindi tugma ang oras sa nararamdaman niyo. Parang kalaban mo ang buong mundo na tila mag-isa kang gulong gulo. . .
Dahil ano ba talaga ang pwedeng gawin ko?
Paano ko nga ba pakikiusapan ang Diyos na itigil ang oras upang ika'y makasama ko ng kahit sandali dahil kung ako ay papipiliin, mas gustong kong sa'yo manatili.
Maaari bang pumunta sa oras kung saan tayo'y masaya? Para hindi ko na kailangan pag daanan ang sakit at hirap sa kakaisip na bakit ngayon pa? Bakit ngayon ka pa kailangang umalis?
Ang sakit isipin na kaya ko ng bilangin sa aking daliri ang mga natitirang sandali na kaya kitang masilip. Parang nais ko nalang makalimot na mayroong mga araw na isa-isang dumadalaw sa bawat pag gising.
Ang hirap kapag ang oras ang kalaban mo. Tila walang kakampi sa'yo dahil kahit anong gawin ko, darating at darating ang araw na aalis ka na. Aalis na ang taong mahal na mahal ko at mas masakit isipin na wala man lang akong magawa para itigil ito.
Isang sandali lang naman na kasama ka ang gusto kong makuha. Hindi man ito magtatagal pero sa mga oras na ika'y kasama, masasabi kong iyon ay sapat na.
—
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.