Hinahayaan ko nalang lahat kasi ikaw. Nagpapakatanga na ako kasi ikaw. Masakit pero tinitiis ko kasi ikaw. Pagod na ako pero kinakaya ko kasi ikaw. Mahal kita kasi ikaw. Ang sakit sakit na... kasi ikaw.Oo, ikaw. Sa dinami daming tao sa mundo na pwede kong ibigin— ikaw. Ikaw yung taong nahulog ako ng husto at lalo pa ngayon. Mahal, ang sakit pero andito parin ako, nakatayo sa harap mo kahit alam kong nasasaktan lang ako lalo. Maraming salamat sa mga pangakong inaasahan kong pinapako mo. Maraming salamat sa sakit na tiniis ko kasi alam mong mahal kita. Maraming maraming salamat kasi dumating na yung taong akala ko ay papasayahin ako pero yun pala ay pinapaiyak lang ako.
Mahal na mahal kita kasi ikaw. Kahit na sobrang pagod na pagod na ako kakaintindi, asa ng asa sa mga pangako, hintay ng hintay na dumating yung araw na mawala lahat ng sakit na to. Mahal kita sinta, kasi ikaw.
Kaya patawad mahal kung ako'y ganoon nalang nasaktan ng sirain mo nanaman ang pangakong aking inasahan. Kasi sa buong buhay ko, wala akong ginawa kung hindi paniwalaan ka. Kaya ang sakit sakit kasi ikaw.
Kaya nagmamakaawa ako, sana'y sa pangako mong mamahalin mo ako ay hindi ako mabigo. Na sana'y ngayon ay hindi na ako uuwing luhain kasi mahal mo na ako at mahal rin kita kasi ikaw yan. Wala ng iba.
BINABASA MO ANG
Tula
Poetry"Ang tula ay isang paraan para maipahayag ko ang tunay kong nararamdaman." // Compilation of filipino poems made by princesabangs