Para sayo

48 2 0
                                    

Ika'y ang taong nagustuhan ko noon
Kapag ako ba ay nadapa, ikaw ba ay tutulong sa aking pagbangon?
Hindi ko mapigilan ang puso kong parang tumatalon,
Na hanapin ka kung nasaan ka man naroroon.

Sana'y dati pa kita sinumulan mahalin
Kaya ngayon, ako'y nagsisisi
Dapat sa simula palang ika'y aking pinansin
At sa mga araw na ika'y nangungulit

Paano ko ba maipapaliwanag ang aking nararamdaman?
Maari bang ika'y aking alagaan?
O kaya naman aking ipahayag ang aking damdamin?

Sa tuwing ika'y aking nakikita,
Para akong isang batang sobrang sigla.
Sa tuwing ika'y malungkot,
Para akong isang bulaklak na nalalanta.
Sa tuwing ika'y natawa,
Alam kong hindi ako ang rason dahil sa iyong mga mata.

Eto ang mga salitang gusto kong masabi dati
at yung kaisipan na "Tayo" na hindi naman mangyayari.

Noong ako'y nahulog sayo,
ikaw naman ang itong sumuko.
Noong ako'y naghabol,
Ang aking nagawa lamang ay humagulgol.
Noong ako'y may gusto pa sayo,
Bakit hindi ko naramdaman ang nararamdaman mo?
Noong ako'y nagmamahal na sayo,
Bakit ngayo'y ako na ang may gusto, ikaw naman ngayon ang sumuko.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon