Pinagtagpo

104 2 0
                                    




Madalas akong napapaisip kung bakit ka hinayaan ng tadhana pumasok nalang ng basta basta sa buhay kong hindi ko maintindihan kung saan papunta

Ikaw ang nag bigay ng direksyon kung saan dapat ako patungo at dinamayan ako sa lahat ng saya't lungkot

Pero bakit kahit ganon ay nawala ka nalang sa isang iglap

Na kung kahit anong gawin ko ay hindi padin kita mahanap

Para kang isang hangin, alam kong andyan ka lamang pero hindi kita makita. Yung oras na ika'y aking kailangan ay kung kailan ika'y wala at nagsilbi kang isang alaala nalang

Gusto kong itanong sa tadhana,

Bakit mo kami pinagtagpo kung siya'y pagtapos ay iyong ilalayo?

Para saan pa yung mga oras na kami ay masaya at lalo na ang mga oras na kami ay nakatingin sa mata ng isa't isa at napapaisip nalang, "Ano bang nagawa ko at dumating ka sa buhay ko't pinasaya mo na muli ako?"

Mayroon akong narinig noon na sinabi ng kaibigan ko, "Tamang oras pero maling tao." Ngayo'y wala na ang pinapahalagahan ko, gusto kong malaman, ikaw ba ang tinutukoy noon?

Hindi ko pa din matanggap na kung bakit bigla bigla nalang nawala. Parang isang bituin na alam mong andyan pero kinabukasan ay hindi ko na mahanap.

Pero tadhana, bakit mo nga ba talaga kami pinagtapo at ngayon ako'y gulong gulo.

Ano yung rason kung bakit siya'y dumating sa buhay ko?

Hindi ko man to maintindihan pero tanggap ko na sa simula pa lamang ay hindi talaga kami aabot hanggang huli at kami'y hanggang panandalian lamang pero Tadhana, bakit hindi kami, hanggang huli?

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon