Sana ako nalang siya

220 6 2
                                    

Sana ako nalang siya

Yung paguusap niyong sobrang sweet ang dahilan kung bakit ko hinihiling na "Sana ako nalang siya"

* * *

Yung mga tinginan niyong parang wala ng iba pa ang makakapagpigil sainyo ang dahilan kung bakit hinihiling ko na "Sana ako nalang siya"

* * *

Yung mga araw na nakikita kong ang saya saya mo kasama siya na parang wala ng bakas sa mukha mo ang pagsisising iniwan mo ako ang dahilan kung bakit hinihiling ko na "Sana ako nalang siya"

* * *

Yung pagmamahal, oras, effort, at attensyon na kaya mong ibigay sakanya ay ang dahilan kung bakit hinihiling ko na "Sana ako nalang siya."

* * *

Yung mga "I love you" at "I miss you" mo sakanya palagi ang dahilan kung bakit hinihiling ko na "Sana ako nalang siya"

* * *

Sana ako nalang siya, pero hanggang sana nalang ba talaga ako?

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon