Andito padin yung mahal kita

32 2 0
                                    

Andito padin yung mahal kita
by a.dg

Andito padin yung mahal kita kahit ika'y naglaho na. Kinasawaan ang mga sigawan at awayan na hindi mo na kaya pang pagpasensyahan.

Andito padin yung mahal kita kahit ika'y masaya na. Ngumiti ng hindi dahil sa nakaraan dahil mayroon ng pumalit sa pwesto kong nagpapasaya sa madilim mong mundo.

Andito padin naman yung ako, na hindi magsasawang iparamdam sayo na hindi kita kayang pagsawaan tulad ng naramdaman mo. Andito padin ako, umaasang hahabolin mo kahit unti unti na akong naglalakad papalayo sayo.

Natatandaan mo ba ang mga pangakong iyong sinabi noong mga araw na sinabi mong "Mahal na mahal padin kita." Pero ngayon, asan na yung ikaw, na mahal na mahal padin ako?

Gaano man katagal o ilang buwan man ang lumipas ay andito parin naman ako, nakakulong sa dati at sa kung anong pwedeng mangyari.

Ang dami kong gustong sabihin at itanong sayo kaso hindi ko alam kung pano ipaiintindi sa'yo. Ayoko naman maging perwisyo na sa buhay mong okay na ng walang ako.

Andon parin yung ako na gusto kang makitang masaya kahit nasa piling na ng iba.

Andon parin yung ako na handang mag sakripisyo para lang sa isang tulad mo.

Higit sa lahat,

Andito parin naman yung mahal kita.
Pero wala na yung tayo
Ang andon lang ay yung ikaw at yung ako—magkalayo at umaasang balikan mo muli ako.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon