*Hanny's POV*
Alam ko pagiging makasarili to ang ginagawa ko di ko inisip kung ano ang mangyayari kay Gab kung mawawala na ako. Hayss ngayong araw mag ddate daw kami hahaha baliw talaga pagtitinginan kmi ng mga tao. Iilang tao lng naman ang may mga third eye at since di ko na mabubulag ang mga third eye no choice ako kasi di ko matataguan si Gab.
Inisip ko na lng kung ano ang gusto kong suotin tapos napalitan na ang damit ko hahaha ito lng ata ang na enjoy ko sa pagiging multo eh pwede akong magmodel ng mga trending na damit ng libre iisipin ko lng masusuot ko na agad.
Pumunta na ako sa park at nakita ko si Gab na nakaupo sa swing pero paramg di mapakali."Hi." Bati ko sa kanya.
"Wow you look so gorgeous."
Hahaha nag blush naman daw ako kaso maputla ako kasi multo ako kaya walang blush na nakita si Gab XD
"Thanks."
"Tara na." Hinawakan nya ang kamay ko.
"Bkit ang lamig mo? Ang init ng panahon ang lamig ng kamay mo madaya ka anong lotion yan?"
"Baliw hahaha wala namang lotion na ganyan."
"Ang ginaw talaga kasi ng kamay mo hahaha pero ok lng yan hawak ka lng sakin para mainitan kamay mo hahaha."
"Gusto mo lng mag HHWW eh."
"Hahaha halata ba?"
Tumawa na lng ako tska nagpatuloy na kami sa paglalakad. Aware ako na pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin, ay si Gab lng pala ang tinitignan multo ako di ako nakikita ng mga tao :(
"Bat parang nalungkot ka?"
"Wala gab haha."
"Alam ko na may pupuntahan tayo."
Naglakad lng kmi hanggang sa makarating kami sa Ice Cream shop.
Pumasok kmi at pumunta sa mga gallon ng Ice Cream."Kakain tayo nito kasi mabilis mawawala ang lungkot mo kung kakain ka nito."
Tinignan ng tindero si Gab na parang baliw sya or ano.
"Ano gusto mong flavor?"
"Ah di ako pwede sa Ice Cream may allergy ako sa gatas. Pero ikaw na lng kumain para sakin."
Tumango na lng si Gab at kinuha yung chocolate flavor. Di pa rin maipinta ang mukha ng tindero pero tinanggap nya na lng ang bayad ni Gab.
Umupo kami sa isang sulok ng shop para kainin nya yung Ice Cream nya.
"Sorry ah first date natin to pero fail pa di mn lng muna ako nagtanong kung ano gusto mo."
"Ok lng yun Gab hahaha nakakaenjoy ka naman panuorin kumain ng Ice Cream."
Nakita kong may nagkalat na Ice Cream sa gilid ng bibig nya kaya agad kong pinunasan.
"Ano ba yan Gab sino na lng magpupunas sayo kung wala ako?"
"Edi wag kang mawala. Dito ka lng sa tabi ko para kung kakain ako ng Ice Cream pupunasan mo pa rin ako."
Napatigil ako sa pag punas sakanya dahil sa sinabi nya. Wala akong maisip na isasagot sa kanya.
"Bilisan mo na nga sa pag kain kung ano ano sinasabi mo dyan."
"Ikaw naman nag umpisa eh hahaha."
Tumahimik na kmi at sya naman nag focus sa pagkain nya na aawa ako sa kanya sya lng kasi kumakain ng isang gallon na Ice Cream.
"Oy kaya mo pa bang ubusin yan?"
"Oo naman hahaha pagnaubos ko ba to sasagutin mo na agad ako?"
"Hala ano nangyari sa 'Let me court you, atleast give me that chance' mo?" Nag quote pa ako gamit ang kamay ko para ipa alala sakanya sinabi nya sakin noong isang gabi.
"Biro lng po hahaha handa ako maghintay sayo kahit hanggang tumanda tayo hahabulin kita para ligawan."
Siguro kung hindi ako multo pulang pula na ng mukha ko mga ka sweetan nya di pa nauubos eh.
"Ay teka may dala akong camera pa picture tayo."
"Ha? Tek-"
"Manong pa picture naman po."
Di na ako nakapalag kasi agad namang kinuha ni manong yung camera.
[click]
Buti na lng handa ang beauty ko si manong kasi di man lng nagsasabi. Agad na lumabas ang pic polariod ata camera nya di nakuha ni manong kaya si Gab ang kumuha nahulog kasi pagkatapos ma print.
"Salamat manong." Pagkatapos magpasalamat ni Gab ngumi ft i na lng si manong at nilagay ang camera sa mesa.
"Ay ano ba yan wala na atang ink yung camera ko di ka masyadong kita."
"Hahaha ok lng yun next time na lng ulit tapos kna ba?"
"Ah oo tara last stop na lng may pupuntahan tayo."
Malapit nang lumubog ang araw pero sige last na lng daw hahaha
Lumabas kmi ng village at sumakay ng motor. Sakanya daw tong motor ginagamit nya pag may pupuntahan sya malapit sa labas ng village. Nakayakap ako sa kanya at iniisip ko na sana tumigil ang oras at makasama ko pa sya ng matagal.
A/N: hi guys so short story lng po itong gagawin ko pero ipagpapatuloy ko sila sa isang kong story ang Foolish Destiny BaekMi story. Dapat po kasi side story ito kaya lng mas na una ko syang natapos hahaha so guys please support me :)
VOTE, COMMENT, & BE MY FAN :)
BINABASA MO ANG
My Lovely Ghost [Short Story]
Teen FictionMy Lovely Ghost Summer na kaya madami ng araw ang magiging boring pero what if isang araw makakakilala ka ng isang babae na AKALA mo NORMAL pero yun pala ikaw lng nakakakita sa kanya dahil isa syang multo... Anong gagawin mo? Alamin kung ano ang gin...