MLGChapter 2

11 0 0
                                    

*Gab's POV*

Wala na masyadong tao na naglalakad sa foot walk hayss ilang taon na kmi dito pero wala naman akong kakilala dito.

"Lalalalala~ Lalalala~"

Nagulat ako kasi may biglang dumaan na babae sa tabi ko pero mas nagulat ako sa damit nya tama ba yun na puro puti tapos maputi din sya para tuloy syang multo. Sinundan ko lng sya hanggang sa makarating kmi sa park agad syang tumakbo at umupo sa swing. Umupo na din ako sa tabi nya agad naman syang napatingin sakin pero tumingin ulit sya sa lupa.

"/tingin sa langit/ sana makita naman nila ako. Nalulungkot na kasi ako. /yuko ulit/"

Hahaha nag drama pa sya ano kaya problema nito?

"Ah miss ano ba yung problema mo?"

Napatigil sya sa pag swing at gulat na tumingin sakin.

"Ako ba kausap mo?"

Baliw ba to?

"Syempre naman tayo lng naman ang tao dito. Wag mong sabihin na may nakikita kang multo takot ako dun."

"Ha? Ah wala naman."

"Ano palang ginagawa mo dito gabi na ah."

"Hmmm... Di ko alam hahaha kahit saan lng naman ako pumupunta eh."

"Ako nga pala si Gab /abot kamay para shake hands/ ikaw?"

"Ako si ..."

Bigla akong napatayo kaya sumunod na din sya sakin. Umulan kasi bigla kaya naman naghanap ako ng mapapasilungan namin.

*Ghost POV*

Di ko alam mararamdaman ko ngayon, malulungkot ba kasi may taning na ang pananatili ko dito o matutuwa kasi sa matagal na panahon na nilibot ko ang mundo ng nag iisa may tao ding naglakas loob na kausapin ako?

Itong lalaki na kasama ko ngayon di nya alam kung ano ako at sa tingin ko di ko na ipapaalam dahil sabi nya nga takot sya sa multo ayaw ko ipaalam kasi sa unang pagkakataon meron akong makakausap merong tao ang maari kong maging kasama sa mga konting oras na natitira sakin.

"Miss nabasa ka ba?" Gusto ko sanang sabihin na di naman nababasa ang multo eh.

"Ah hindi naman Gab :)"

Bigla na lang hinubad yung jacket nya at nilagay sa balikat ko at dahil di ko yun inaasahan nahulog lang yung jacket.

"Ay sorry Gab." Sinubukan kong pulutin ang jacket. Kailangan ko ng matinding konsentrasyon para makahawak ng bagay ng tao.

"Ako na." Pinulot nya ang jacket at ilalagay nya sana ulit sa balikat ko yung jacket.

"Wag na di ko naman kailangan yan ikaw na lng gumamit kasi basa yung damit mo eh."

"Ganun ba? Ok sige ano muna pangalan mo?"

Isa pa yun sa problema ko di ko alam ano pangalan ko natatandaan ko lng tunog H pilit ko pang inaalala ang mga nakaraan ko.

"Hanny na lng tawag mo sakin."

"Ay miss ang bilis mo naman di pa nga kita girlfriend gusto mo na agad na Honey tawag ko sayo."

"Hahaha oy Mister Gab H-A-N-N-Y po pangalan ko hindi HONEY!!! Ang assuming mo ah."

Napakamot na lng sya sa batok nya at tumawa ng nahihiya kaya napatawa na din ako.

"Saan ka ba nakatira? Hatid na kita ;)"

"Sus pakindat kindat ka pa dyan." Ano nga ba isasagot ko sa kanya?

"Eh san nga kasi?" Kita mo to parang bata. Gagawa muna ako ng ibang storya huhuhu alam ko masamang magsinungaling pero kailangan ko talaga.

"Ah kasi may amnesia ako galing ako sa doktor kanina tapos habang hinintay ko sundo ko di ko na alam kung saan ako hanggang sa napunta. /cross fingers/"

"Ah kaya pala kanina sabi mo sana makita ka nila."

Huh?

"Ah oo yun. Tama nga kaya ko nasabi yun."

Sana patawarin ako ni lord sa mga kasinungalingan na pinagsasabi ko dito kay Gab.

"Gusto mo pumunta sa police station?"

Hala naman ano ba to si Gab.

"Wag!!!"

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi... Kasi may masamang pulis dun na hinahanap ako at gusto nya akong patayin sya din ang dahilan kung bakit may amnesia ako."

Grabe na talaga huhuhu pang best actress na ako.

"Grabe naman parang nasa pelikula lng buhay mo. Eh san ka tutuloy nyan?"

"Ewan siguro lilibutin ko na lng ulit ang mundo."

"Ano?"

"Ah sabi ko wala kaya baka maglilibot na lng ako."

Napuno naman kmi ng katahimikan parang nag iisip sya.

"Eh pano kung sa bahay ka na lng namin pansamantala? Kami lng namn ng mama ko ang nandun eh."

WHAAAATTT???

A/N: VOTE, COMMENT, & BE MY FAN :)

My Lovely Ghost [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon