Lima

53 3 0
                                        

Lumipas ang natitirang dalawang araw ng exam at ngayon ay sabihan na ng results or pagpapasa samin ng mga exam. Tulog kain daldal lang naman ako sa klase kaya nafefeel ko nang bagsak ako sa exams. 

"Uy, Ysa!" Napalingon ako sa kung sino man ang tumawag sakin. Si Jeline pala. Namimiss ko si Jeline dahil todo aral sya. Wala nang time samin huhu TT^TT pero syempre, pag aaral naman ay hindi talaga pinapabayaan, right? right? Kaya ako na wattpad lang ng wattpad, lagot ako sa pag aaral ko :c

"JEL! JEL ILABYU JEL!" Yinakap ko sya kasi mahal ko sya <3 nag landian pa kame sa may hallway at pumasok na kami. 

Ngayon ko lang naramdaman na nawawala si Gabs.. Yun pala, nandyan lang HAHAHA OKAY AAMININ KO, Di ko na ganoong napapansin si Gabs kasi nga si Ethan.. Nagiging sweet at mas close sakin kesa dati.. ERMERGHERD sorry Gabs TT^TT Kaya kinausap ko na sya dahil nakokonsensya na rin ako.. Kasi sya yung nandyan nng inapi ako ni Deseree. Tas magiging snob ako sakanya. Ang sama ko TT^TT Kaya gumawa muna ako ng letter.. Matagal pa naman bago mag klase si sir. Madami bang churvaloo yon.

Dearest Gabs,

Sorry kasi medyo snob ako, Gabs. Patawarin mo sana ako. Bestfriends, hayaan mo, babawi ako. Ililibre kita mamaya, tapos gagala tayo mamaya. Sorry na Gabs kung may galit ka man sakin, please smile again. Lol ang drama ko, para namang tayo HAHAHA OK awkward. Pero please, ngiti po ulit. Mukha ka kasing sad lately. 

Sincerely yours,

Bel

Okay, finold ko na ang intermediate paper at binigay sakanya. Bumalik ako sa upuan ko at sumandal sa may table ng armchair ko para matulog kuno. Pero nagulat ako nang may pumisil sa cute kong pisngi (lmao self praise :c) At.. At.. Si Gabs yun. Okay medyo nadismaya ako ng bahagya kasi akala ko si Ethan, pero okay lang huhuhu Bestfriend ko naman yang si Gabs e. 

"Libre mo?" Tanong nya sakin. Ngumiti ako dahil yeeey gagala kami mamaya woot! Hahaha. Naging okay naman kami at nagkuwekuwentuhan na nang may nagtakip sa mata ko.

BROWNOUT?

ERMERGHERD Tanga ko lang, tinakpan lang yung mata ko anubey.

"Sino to? Gabs sino yung nagtakip?" Tanong ko at kinapa kapa ko ang kamay na yun. Lalaki ang may ari ng kamay na nakatakip sakin kasi malaki tsaka ano.. Malambot naman pero yung manly na lambot.

Parang nayamot si Gabs sa sagot nya, "Ewan ko. Bel, mamaya ha. Walang talkshit." Tapos ayun di na ko sumagot kasi baka galit nanaman yan sakin. Magsosorry nalang ako mamaya pag may nakita na kong liwanag. 

"Patrick? Vince? Lawrence? Timothy? Dave? John? Drielle? William? Notnot? Pikoy? SINO TO?"

Nakakita narin ako ng liwanag sa wakas at kinilig ako ng bahagya dahil si Ethan yun! Ermergherd. Medyo nadismaya yung mukha nya kasi nga di ko nahulaan, hahaha. Pero ang cute nya hihihi :">

"Seatmate naman. Ysa naman. Merced naman." Sabi nya tapos nag aact syang nag mamaktol. Ang cute nya lang pero ayun nga. Pipigilan ko 'tong kilig na 'to dahil kailangan!

"Ethan naman. dela Cruz naman. HAHAHA GE NA HAHAHA" Tapos binatukan ko sya then binatukan nya ko and so on and so forth. In short nag batukan kaming dalawa habang wala pa si sir. Tapos ayun linuwa na ng pintuan si sir. At nagsimula na ang kaboringan.

~FAST FORWARD, UWIAN~

Hinahanap ko si Gabs dahil nga gagala kami ngayon. Tutal, half day naman bukas kasi may Event eklabu sa school bukas. Yung parang ano, may mga pupuntang taga ibang school tas titignan yung school. Open house daw yun pero di naman house ang bibisitahin nila, school naman. Pero sabi naman our school is our second home so tahanan din yon at ang tahanan ay bahay at ang bahay ay house. Ay ewan bahala sila.

CrushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon