Tatlo

87 6 5
                                    

"Anak! Ysa! Bilisan mo! Nako talaga malelate ka nanaman! Lagot ka nanaman sa teacher mo!" Narinig ko ang sigaw  ni mama at napatikwas ako't bumangon na. Hindi ko talaga feel pumasok ngayon dahil umuulan at parang may sakit ako. Hinayaan ko nalang at naligo't nag bihis na.

"Ma, *achoooouoooo!* Alis na ko." sabi ko kay mama, medyo napansin rin niyang matamlay ako, pero inunahan ko na siyang mag sabi ng "Okay lang ako, ma." 

"Sigurado ka ba diyan? Wag ka na kaya pumasok. Umuulan pati oh." Sabi ni mama. Kahit ganyan yan si mama na masungit at laging high blood, mahal ko parin yan at laging maalalahanin samin yan. .

"Oo ma, sige na po. Sobrang late na 'ko." Lumarga na 'ko at nag hintay na ng bus. Harujusko. Eto nanaman tayo. Tayuan nanaman ang nakita kong bus. Pero eto na. Bahala na. 

Pag dating ko sa subdivision ay wala pa ang shuttle. Kaya tinakbo ko muli papuntang school. Ang lakas ng ulan. Basa na 'ko. Walang kwenta naman kasi tong payong na 'to biglang bumigay. Tss. 

As usual, same routine. Yung wakwentang guard nanaman ang makakasalubong ko at yung bungangerang guidance nanaman. Dumadakdak nanaman. Di na ko nakinig ng maayos at tumakbo na ko papuntang room namin. Pabagal ng pabagal ang aking pagtakbo, at sa bawat hakbang ay napapapikit ang mga mata ko. Nang napihit ko ang pintuan namin, bigla nalang akong bumaksak at wala na akong natandaan.

~~

"Ysa! Ysa! Gising ka na sa wakas!" Sabi ni Yunee.

"Oo nga Ysa! Akala ko talaga ma-co-comma ka na!"

"Bruha! Tumigil ka nga dyan Jeline pinapalala mo yung kalagayan ng truepa naten e!" Sabi naman ni Gaelle.

"Mga ulol! Pag salitain nyo kaya muna si Ysa! Mungago kayo!" Sabi ni Nee.

"Ulol ka Nee! Ysa, magsalita ka na nga nakakaloka naman kasi no!" Tinapos na ni Jeline ang bangayan nila para naman makapag salita ako no.

"Nakakaloka kayong truepa. Ano pala ang nangyari?" Tanong ko. Kasi pag gising ko, ang una kong nakita e puting kisame. 

"Ah eh Ysa, Nasa ospital ka. Nahimatay ka kasi nung pagpasok mo sa room." Panimula ni Yunee.

"Oo, tapos nagulat si sir at pinabuhat ka kay--" 'Di na natuloy ang sinasabi ni Gaelle dahil umeksena na si Nee.

"BINUHAT KA NI ETHAAAAN! OWMAYPUTANGINETCH TALAGA DI KO NAPIGILAN YUNG KILIG KO!! KAHIT ALAM KONG NAGDUDUSA KA KANINA KINIKILIG PARIN TALAGA AKO! ERMERGHEEEEEERD ITU NA ITU TEH! MAGPAKASAL NA PO KAYO PLEZ" 

OKAY. AAMININ KO. KINIKILIG ANG BALUNBALUNAN KO NGAYON. ERMERGHEEEERD! Pero rest muna. next week ko na;ang siguro ilalabas 'tong klig na 'to. 

"Kayo talaga mga bruhilda kayo. Eh ba't kayo nandito? Diba may klase pa?" Tanong ko. Aba't cutting tong apat na 'to ah.

"Ganto kasi yun beks, sabi ni sir kung sino daw yung close niya. Edi ano pa ba ang ginawa namin edi nag raise kami ng kamay then sabi namin aalagaan ka namin and the ganto and the ganyan. Para masaya diba!" Sabi ni Yunee.

"Oo nga, di ka naman namin kayang iwan no." Sabi naman ni Nee. Aww.How sweet. :"""">

"Tsaka nakakboring sa klase, huehuehuhe" Sabi ni Nee. Ulol talaga to oo.

"Oo na oo na! Tinawagan niyo ba si mama?" Tanong ko.

"Oo tinawagan ko, nasa office na daw siya e kaya kami daw muna ang mag babantay sayo." Sabi ni Gaelle. Si Gaelle, mas dati ko pa yang kilala kaya kilala niya si mader. Kilala di naman ng iba si mama pero siya talaga ang nauna, kaya meron nga siyang number ni mama.

CrushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon