Anim

40 2 1
                                    

[Point of view ni Jeline Belen]

Nag text ako sa truepa na gumala bukas. Tutal, half day lang. Para naman quality time kami hihi.

To: Truepa (Gaelle, Nee, Yunee, Ysa)

Oy gala bukas dala pera yung sobrang rami

-truepa

Sent.

Ibang iba ang simoy ng hangin.. Sobrang lamig. Kaya nakatulog ako.

KINABUKASAN

"Jeline! Jeline gising na! Anak naman ng teteng oo, malelate ka na! Malelate na tayo!" Narinig kong sigaw ni Ate Jaica mula sa sala. Syet, malelate? Nako! Naligo na ako at nagbihis, ng mabilisan.

"Jusko naman oo Jel. Wag mong hintaying magsisisigaw kami dito sa bahay." Sabi sakin ni ate Jenine, ang isa ko pang ate. Tumango nalang ako at inimbitahan na silan pumasok sa kotse. Malipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa school. Oo nga, late kami.

"Sorry sir, nalate po ako ng gising." Yun ang sinabi ko sa sir ko dahil nagdidiscuss na sya at kakapasok ko lang. Tumango nalang sya at tinuloy na ulit ang discussion. Buti nalang 30minutes ang lahat g subect ngayon, kasi nga minimum day.

Nang sumapit na ang recess, saka kami nagkwentuhan ng truepa.

"Uyy Jel! Why you late today?" Unang tanong sakin ni Ysa. Bakit nga ba ako late? Ah, oo. Malamig kasi kagabi. Ang sarap ng tulog ko.

"Oo nga," Si Yunee, na parang.. Parang natatae? Sumagot na ko kasi baka mag sabi pa ng 'oo nga' sila Nee at Gaelle.

"Kasi ang lamig kagabi, ang sarap ng tulog ko." Pagpapaliwanag ko. Iniinterrogate pa nila ko pero nakakatamad kasi sumagot kaya nag yaya ako bumaba para kumain at yun nga bumaba kami. Sa pag pila namin sa canteen pero ang totoo ay sumisingit lang kami, napansin kong mukha paring natatae si Yunee kaya di ko napigilang mag tanong.

"Bakit parang natatae ka, Yunee?" Pagka banggit na pagka banggit ko sa tanong ko, lumingon silang lahat sakin. Ermergherd. Ermergherd. Anong meron?

"Ysa! Ysa! Ysa! Ysa! Pansinin mo 'ko! Huy! HINATID KO SI YSA KAGABI KASI KAMI NA!" Okay.. What was that? Ermergherd. Si Ethan? Iz thiz true? Okay jejemon sorry :x Joke lang. Is this true? Na drive yung utak ko kay Ysa, pati na rin sila Nee, Yunee, at Gaelle. At.. Pati narin ang buong sambayanan sa canteen! Malaking skandalo 'to! Bobo ni Ethan ang sarap sipain papuntang Mindoro!

Lumingon na si Ysa kay Ethan at kitang kita mo kay Ysa ang pagka inis at halong pagka kilig; in short, mukha rin syang natatae. Nagulat ang lahat sa sumunod na eksena. Pesteng Ethan! Pustahan iiyak si Ysa! Mukha lang matapang yan pero nasasaktan din yan. Humanda sya sakin -- I mean samin! Saming magtotruepa!

"Hoy, Ysa! San tayo pupunta? Ysa!" Sigaw ni Ethan. Sino ba ang hindi magtatanong at hindi sisigaw pag hinila ka palabas sa kwelyo? Sino? Odiba.

"Anyare dun?" Tanong ko kila Gaelle.

"Edi ayun, nagalit at kinikilig. Ano pa ba? Ysa yan e." Sabi ni Gaelle. Nagulat kami dahil pagkatapos nyang banggitin 'yun ay nawala sya. Yes, nawala sya. Nagliwaliw ang mga mata ko at bingo! Ayun, kinakausap si Damien.

"Tara na. Jel, tara na, rescue-hin na si Ysa." Sabi ni Nee samin. Si Gaelle, tinatawag namin pero 'di naman nakikinig kaya hinayaan na namin. Karakarakang pumunta kami sa room at ayun, nakita  namin sila Ethan at Ysa. Hindi muna kami pumasok, dahil mukhang may sasabihing makabuluhan si Ysa kay Ethan. Pasalamat sila, walang tao sa room ngayon.

CrushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon