[Isang bonggang flashback]
"Ysa! Tara sa court manhunt!" Sigaw sakin ni ate Ivanna. Ano ba yung manhunt? Ayokong sumama pero nagtataka ako dun sa 'manhunt' na sinasabi nya. Hay nako. Mga dalaga talaga.
"Ate Ivanna, ano yung manhunt?" Tanong ko sakanya habang nag lalakad kami patungong court. Napatingin sya sakin at nginitian ako, "Ay oo nga pala grade three ka palang. Hahaha pag dalaga ka na malalaman mo rin yun." Tumango nalang ako at nag muni muni habang wala pa kami sa court.
Pag dating namin ay may mga naglalaro na, pero hindi ako nag tagal dun para sa mga nag lalaro ng basketball at para dun sa 'manhunt' na sinasabi ni ate Ivanna. Nakita ko yung lalaking may hawak na psp sa dulo ng upuan na mahaba. Linapitan ko 'to at nakita kong nag lalaro sya ng Tekken. Hindi ko napigilan, tinanong ko sya nung nag lalaro sya.
"Uy may God of war ka ba dyan?" Nagulat sya sa tanong ko kasi para akong mushroom. Bigla nalang ako mag sasalita, bigla nalang ako mawawala. Si kuya, tinago ang psp at lumayo sa'kin. Linapitan ko sya at tinanong ko ulit, "Uy kuya, may loco roco ka ba dyan? Palaro naman!" Inaagaw ko yung psp at bigla nyang hinawakan yung kamay ko. First time kong narinig yung boses nya.
"Feeling ka, bata." Syempre, bata naman talaga ako at oo nga feeler nga ako. Kaya 'di ko napigilang umiyak at sumabog sa sobrang pamumula ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa, 'di na 'ko makahinga. Wala na 'kong makita. In short; nahimatay ako.
~~
"Ma, ma.. Mama!" Sigaw ko pag gising na pag gising ko palang. Anong nangyari? Si ate Ivanna nasan na? Bakit wala na yung kuya na may psp? Ang dami kong tanong. Pero ang lahat ng tanong ko nasagot lang nung nag grade six ako.
"Ysa, anak! Bumaba ka dito andito si ate Ivanna mo." Sigaw ni mama mula sa baba. Nalaman ko na rin yung sinasabi ni ate Ivanna na 'manhunt' sa wakas. Pagkatapos ng araw na 'yun ay lagi na akong pumupunta ng court, di ko man kasama si ate Ivanna ayos lang. Hinahanap ko kasi si kuya psp. Ako na ang nagyaya kay ate Ivanna na pumunta sa court at lucky charm ko ata si ate Ivanna. Nakita ko si kuya psp. Gaya ng dati, nag p-psp parin sya. Lumapit ako at tinanong ko siya,
"Uy, ako yung pinaiyak mo noon." Mushroom nga kasi ako. Sumusulpot, nawawala.
Nakita kong hindi na sya ganung nagulat sa'kin at first time kong makita ang ngiti nya..
"Jude. Jude Chua. First year." Mushroom rin sya. Sumusulpot, nawawala.
Pero 'di na sya mawala wala sa puso't isipan ko.
Pagkatapos nun, nakita ako ni ate Ivanna sa side na yun at linapitan ako, "Love at first sight?" Tanong ni ate Ivanna.
"Ate Ivanna, 'love at first sight'."
[End of flashback]
"Ysa? Uy! San ka pupunta? Samahan na kita!" Pagkatapos akong pakawalan ni kuya Jude ay bumaba na kami. Sinamahan nya nga ako sa clinic. To be honest, si kuya Jude ay.. Crush ko dati. Ermergherd. Love at first sight nga e. Hanggang sa, sinabi ko sakanya na may crush ako sakanya, na nalove at first sight ako.. Tapos, nung first year ako at nung second year sya naging.. Mutual yung understanding namin sa isa't isa. Hanggang sa 'mang liligaw' daw sya.. Tapos, mushroom nga. Biglang nawala. Masakit. Pero mushroom nga kami e, edi nawala din yung feelings ko sakanya.
Sinamahan nya nga ako at kung anu-ano ang pinagtatatanong sakin. Hindi nalang ako sumagot dahil sa maagang pa-imbyerna ni Deseree.
"Ah sige, kuya Jude. Alis ka na." Sabi ko nang nakarating na kami sa clinic. Pipihitin ko na sana ang door knob pero hinawakan nya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Crushed
Humor[currently editing] Yun nga yung masakit e, yung alam mong wala kang magagawa kasi alam mong wala kang pag asa.