A/n: Pov na po ni Ysa. :)
Naamoy ko.. Ang. Amoy ng soup. Mushroom soup ito. Okay nagutom ako. Nagugutom na 'ko. Kaya napagdesisyunan kong bumangon na.
Puting kisame nanaman? Hay nako..
"Preng? Preng! Preeeeeeeeeng! Gising ka na din sa wakas preeeeng!" Amber? Bakit sya nandito? Wala ba syang pasok? Ano ba talaga ang nangyari? Di ako updated. Nakakaloka.
"Preeeng. Wala kang pasok? Penge soup." Gutom na kasi ko e. Feeling ko dalawang buwan akong di kumain. Sa pag abot nya sakin ng soup, sinagot nya ang aking tanong.
"Sabado na. Isang linggo ka nang naka confine dito sa ospital. Preng, di ko na kaya 'to." Huwat? Isang linggo? Bakit ang tagal? Ano ba kasi talaga ang nangyari? Unbelibabels. Nawalan na ako ng gana dahil sa nalaman ko.
"Preng, pwede mo ba ako ilabas?" Pagtatanong ko sakanya. Nakakalungkot. Minsan na nga lang kami magkita netong bespreng ko, sa ospital pa ang venue namin. Disabled pa 'ko. Ajuju. Lenchak naman, ano ba kasing meron sakin at nagkakaganito ako? Ang dami kong tanong sa isip ko pero dalawa palang ang nasagot ni Preng.
"Sige. Tara, sakay ka dito sa wheelchair." Bumangon na ako at sumakay na nga sa wheelchair. Linipat ni Preng doon ang aking dexrose at iniwan na ang room. Pumunta kami sa garden ng ospital upang magpahangin mag kuwentuhan. Nag kwentuhan kami tungkol sa studies namin, sa pagkain.. Sa K-pop, sa mga pelikula.. At syempre, sa crush.
Matapos naming mag liwaliw sa labas, ay bumalik na rin kami sa room. Umalis na rin si Preng dahil may pupuntahan ang family nila. Ayoko pa sanang umalis sya, pero baka mahawa lang sya sakin; kung ano man ang meron ako. Nakakabagot dito sa ospital. Wala sila mama't papa. Wala si kuya Ezekiel. Iniwan na 'ko ni preng. Sila Gaelle, Jel, Nee, at Yunee naman ewan ko kung nasan. Si Gabs, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sakanya. Si Ethan.. Ewan.
Sa panunod ko ng Spongebob sa TV, ay naistorbo ako sa isang katok. Isinigaw ko nalang ang "pasok" at ilinuwa ng pintuan si Ethan. Oh great. Really? Tumalikod nalang ako at gumawi sa kabilang gilid ng kama ko.
"Walang pasyente, patay na." Matamlay kong sabi. Narinig ko ang pag buntong hining ni Ethan. Ramdam ko ang lungkot nya --- pero bakit sya nalulungkot?
"Ysa.. Ysa, sorry. Patawarin mo 'ko." Patawarin? Ano yun? Haay. Liningon ko na sya dahil ayaw ko namang maging bastos sa bumisita sakin.
"Ethan, sana di mo nalang sinabi. Ang bobo mo." Dere dretso kong sabi. Sabihin mo nang salbahe ako at taklesa, pero yun sya e.
"Ysa, patawarin mo na 'ko please?" Pag mamaka awa ni Ethan. Bakas sakanyang mukha ang pagmamakaawa. Para syang nangungulilang bata. Pero hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang patawarin sya. Sinabihan ko syang umalis at umalis na nga sya. Ayan. Si spongebob nanaman ang karamay ko. Peste kasi yang Ethan na yan, masyado nang marami ang sugat na natamo ko sakanya.
Gabi na bago nakarating dito sina mama't papa. Nakita kong alalang alala sila sakin, pero nakita ko rin na naginhawaan sila-- siguro dahil sa wakas ay nag mulat na 'ko. Habang kumakain kami ng mga dalang pagkain ni Papa, agad kong tinanong sakanila,
"Ma, Pa, ano po ba yung sakit ko?" Parang tumigil ang oras. Tumigil din sila mama. Bakit ba ayaw nila akong sagutin? Nakaka asar naman. Sana nandito si kuya Ezekiel. Hindi na umuuwi. Nasa Manila na nag dodorm. Naghintay pa ako ng sagot nila mama, pero wala silang sinabi.
"Anak, matulog ka na." Banggit ni mama. Owwwkay. Nagtoothbrush na ko't naghanda. Bago akong tuluyang natulog, may pinainom muna sila saaking gamot. Hindi ko alam kung para saan yon, kasi capsule nalang basta yung binigay sakin e.
BINABASA MO ANG
Crushed
Humor[currently editing] Yun nga yung masakit e, yung alam mong wala kang magagawa kasi alam mong wala kang pag asa.