Chapter 8: Innocent World

4.3K 110 1
                                    

Selene's POV

Hanggang nagyon ay hindi parin naalis sa isipan ko ang mga rules ng mga fallen angels. Bakit ganun napaka-unfair nila!

Okay, siguro ayos naman yung ibang rules pero ang hindi ko lang mataanggap eh bakit kailangan iwan ko ang mga taong mahalaga sakin?

"Selene, is there something wrong?" natauhan naman ako ng magsalita si Casper.

"Huh? W-wala naman" pagsisinungaling ko.

"May ginawa ba sayong masama yung mga Guardians?" nag-aalalang tanong nito.

"Hindi ah! Sa katunayan nga niyan ang babait nila sakin eh!"

"Are you sure?"

"Yeah, bakit mo naman naitanong?" I asked.

"Well, lately kasi parang wala ka sa sarili mo para bang may malaking bagay na gumugulo sa'yo. Alam mo namang nandito ako palagi para sa'yo diba?" napangiti naman ako sa sinabi ni Casper, ang swerte ko talaga sa kaibigan ko. "Nandito ako na kaibigan mo basta kapag may problema ka nandito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan"

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang 'yon. Hinding-hindi iiwan. Parang ang sakit namang isipin. "Wala 'to siguro naninibago lang ako"

Pinat naman niya ang ulo ko. "Wag ka ng masyadong ma-stress sige ka lalo ka niyang papanget" tinignan ko naman ito ng masama, pero tinawanan lang niya ako.

"Hey freak is true na new member ka ng Guardians" bigla naman kaming napatingin ni Casper sa babaeng nagsalita at sino pa ba? Si Shane lang naman.

"Uh Yeah"

Tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa. "Hahahaha! What a joke! I'm sure na kaya ka napasali na grupo nila ay dahil wala silang alalay!"

"Oo nga!" pagsang-ayon ni alipores 1.

"Hindi ka bagay maging Guardian mas bagay ka sa zoo!" sabi pa ni alipores 2.

"Tara na Selene, wag mo nalang silang pansinin" sabi sakin ni Casper at hinila na ako palayo sa kanila.

Habang naglalakad kami ay bigla itong nagsalita. "Selene, wag na wag mo akong kakalinutan ha"

Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. "Huh?"

"Well, to tell you the truth. Natatakot ako na balang araw makalimutan mo ako lalo na ngayon at isa ka na sa mga Guardians. Sino ba naman ako kumpara sa kanila, sinasamba sila dito sa school samantalang ako ito isang nerd na palaging bunibully. Basta ipangako mo sakin na kahit anong mangyari best friends parin tayo ha? Kahit na isa ka na sa kanila hinding-hindi mo ako kakalimutan at iiwan"

Para feeling ko tuloy maiiyak na ako. Bakit ba kailangan maging ganito? "O-oo naman! Hinding-hindi kita makakalimutan at hinding-hindi kita i-i-iiwanan"

"Talaga?" masayang tanong nito.

"Yup!" nakita ko namang natuwa ito sa sinabi ko. "Thanks Selene! Ikaw talaga ang best friend ko forever!" sabi nito at nakipag fist bump sakin.

*Krrriiinnnggg!*

Bigla namang tumunog yung bell. Ibig sabihin tapos na yung Lunch break. "Sige Selene, kita nalang tayo mamayang uwian" sabi nito bago umalis.

Nang masigurado kong wala na nga siya ay doon ko na nilabas ang kanina ko pang pinipigilan na luha. Kainis! Napakasama ko talagang kaibigan!

Pumunta ako sa may garden at doon muna nagpalipas ng oras. Wala akong ganang pumasok ngayon, gusto ko munang mailabas 'to.

"Bakit ba kasi kailangang mangyari sakin 'to?! Ang sakit-sakit isipin na kailangan kong iwan ang mga taong mahalaga sakin *sob*. Hindi ko kaya *sob*" pwede naman sigurong suwayin yung rules diba?

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may nalaglag mula sa puno na nasa tabi ko.

*Blag!*

"Ay kabayong pusa!" gulat na sigaw ko.

Bigla naman akong napalunok dahil si Aelius pala yung nahulog mula doon. Ang sama-sama ngayun ng tingin niya sakin.

"You look like an idiot!" he said.

Pinunsan ko naman agad ang mukha na puro luha at sa tingin ko may uhog din. Nakakahiya!!! "W-what are you doing here?" takang tanong ko.

Wait. Parang pamilyar ang lugar na 'to...

Tama! Ito nga yung lugar kung saan ko siya natagpuan na may sugat at dito din ang lugar kung saan nakita niya ang kapangyarihan ko.

"I should be the one asking that" he said.

"W-wala ka ng pake dun!" tinaasan naman ako nito ng kilay. "Tss! Ngayon lang ako nakakita ng isang nerd na nagc-cutting"

"So? Ano ngayon? Bakit ikaw lang ba ang may karapatang mag-cutting?"

"Tss! Whatever" tumalikod na ito sakin at umalis.

Ang sungit talaga nun. Dapat pala hindi ko na siya niligtas! Hay buhay, ewan ko ba kung ano na ang gagawin ko ngayon.

Tumayo na ako at umalis na sa lugar na 'yon nawalan na ako ng ganang magsenti. Panira kasi moment yung Aelius na 'yon.

"Selene!" nakita ko naman sila Avery at Savannah na palapit sakin ngayon.

"Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap" Savannah said.

"Akala namin kung napano ka na" sabi pa ni Avery.

"Sorry, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko eh"

"Wait, umiyak ka ba?" tanong ni Avery at tininigan ako maiigi.

"H-ha? Hindi ah! Ano, allergy lang 'to" pagsisinungaling ko.

"Weh? Maniwal sa'yo! Sabi kaya samin ni Aelius na umiiyak ka" sabi ni Savannah.

Ay chismosong palaka pala yun! Pinagkalat pa na umiiyak ako. Naku! Kung alam ko lang na hindi ako matutusta edi sana matagal ko na 'yun pinatapon sa ilog kung saan maraming buwaya!

"You know, if you need someone to talk to we're always here" Savannah said.

"After all sino pa ba ang magkakampi kundi tayo-tayo nalang" sabi pa ni Avery.

Napangiti naman ako sa sinabi nila. "Thanks"

"Tara cutting tayo!" aya ni Avery.

"Huh?"

"We know that you're not feeling well kaya tara mall tayo!" aya ni Savannah.

"M-mall? As in now?" di makapaniwalang tanong ko sa kanila.

"Yeah!" they said in chorus.

Hinatak naman nila ako papunta sa gate ng school. "Huy! Baka pagalitan tayo niyan! Atsaka isa pa hindi tayo papalabasin ng school" sabi ko sa kanila pero parang hindi sila nakikinig sakin.

Nang makarating kami sa gate ay hinarang kami ng isa sa mga guards. Sabi ko naman sa kanila na hindi kami papalabasin eh.

"Saan po kayo pupunta" the guard asked.

"Get my car may pupuntahan kami sa labas" utos ni Avery at pinakita yung ID niya.

Nakita ko namang nanlaki yung mata nung guard at nagmadaling buksan yung gate at may tinawagan sandali sa may telepono.

Maya-maya naman ay may dumating na kotse sa harapan namin. "Here's your car ma'am" sabi nung lalaking nag-drive nung kotse at binigay kay Avery yung susi.

"Hop in!" sabi ni Avery.

Hinila naman ako ni Savannah papasok ng kotse. "Wait do you know how to drive?" I asked.

"Of course!" sabi ni Avery at inistart na yung kotse.

Nang makarating kami sa mall ay dumaretso sila sa mga Boutique. "Aren't you gonna buy anything?" tanong ni Savannah ng mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanila.

"Nah! Hindi ko din naman kasi hobby ang magshopping eh" atsaka isa pa ang mamahal ng mga damit dito ang halaga ng isang damit ay parang baon ko na ng isang linggo.

"Well, ngayon lang kami naka-encounter ng babaeng ayaw sa shopping. Sige pumili ka na ng mga damit kami ng magbabayad" Savannah said.

"Wag na nakakahiya naman"

"Ano ka ba kaya nga tayo pumunta sa mall  ay para magbonding at para makalimot sa mga problema mo!" hinila naman ako ni Avery at pinapasok sa loob ng dressing room.

"Here try this alam kong babagay ito sa'yo" may inabot naman sakin si Savannah na isang white na dress.

"Pero baka hindi ito bumagay sakin" sabi ko at tinignan yung dress, hindi naman ako nagsusuot ng mga ganito eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Pero baka hindi ito bumagay sakin" sabi ko at tinignan yung dress, hindi naman ako nagsusuot ng mga ganito eh.

"Hindi 'yan sige na isukat mo na!" tinulak naman ako ni Savannah papasok sa loob.

*Sigh* May magagawa pa ba ako?

Isinukat ko na yung damit at pagkatapos non ay sumilip na ako sa may labas. "I don't think na bagay 'to sakin" sabi ko sa kanila.

"Paano mo naman nasabi? Hindi pa nga namin nakikita eh" lumapit naman sakin ni Savannah. "Lumabas ka na diyan sa dressing room patingin kami"

Nahihiya naman akong lumabas ng dressing room. "Wow! Bagay naman sa'yo ah! Alam mo Selene you got the looks naman eh, ang problema lang sa'yo ay mag-ayos ka lang ng kaunti" Avery said.

"We're gonna take this" sabi ni Savannah sa sales lady at tinuro yung dress na suot ko.

"Wag na nakakahiya naman"

"Ano ka ba Selene hayaan mo na kami ni Savannah atsaka parang friendship gift na rin namin 'yan sa'yo tutal naman magkakapareho din tayo ng tadhana" Avery said.

"Yah! At sino pa ba ang magtutulungan kung di tayo lang" Savannah said.

Nang natapos na kaming mamili ay pumunta kami sa may food court at doon kumain.

"Paano niyo nakayang iwan ang mga taong mahahalaga sa inyo?" I sunddenly asked.

"Well at first mahirap tanggapin as in sobra. Kasi mahirap talagang iwanan ang mga taong naging parte at bahagi na ng buhay at pagkatao mo. Pero kailangan eh" malungkot na sabi ni Avery.

"Bakit? Pwede naman sigurong hindi nalang sundin yung rule na 'yun di ba?"

"Kung pwede lang Selene. Pero nagawa ko na 'yun noon kaya ang nangyari ay namatay ang isa sa mga taong mahalaga sakin. Sa totoo lang niyan ay lahat ng mga Guardians ay nawalan ng minamahal dahil sa pagsuway sa rule na 'yon" napatigil naman ako sa sinabi ni Savannah.

"Lahat ng Guardians which means..."

"Yes, pati kami. Dati sinuway namin yung rule na 'yon kaya namatay ang mga taong mahalaga samin" Avery said.

"P-pero bakit? Bakit sila namamatay?" takang tanong ko.

"Mga Grim Reapers. Alam mo namang mainit tayo sa mga mata ng mga Grim Reapers diba? Minsan kapag napapalapit tayo sa isang tao napapahamak sila. Selene, simula ng maging ganito tayo wala na tayong ibang choice kundi tanggapin ito" sabi ni Avery.

"Hindi lang mga Grim Reapers ang may gustong patayin tayo, nandito rin ang mga normal na tao dahil pwede nila tayong gamitin dahil sa mga kapangyarihan natin" sabi pa ni Savannah.

"Pero sana mas mag-ingat ka sa mga gaya natin" Avery said with a serious tone.

"Huh? Bakit naman?" takang tanong ko.

Bigla nama silang nagkatinginan. "Selene, basta kapag may nakita at nakilala kang isang Fallen Angel na katulad natin ay wag ka agad magtitiwala at mas mabuti pang lumayo ka na sa kanila dahil mas nakakatok pang kalaban ang mga Fallen Angels" sabi ni Savannah.

"Bakit naman? It's not like they're going to kill me right?" pabiro kong sabi.

"Yes, dahil Fallen Angels tayo" seryosong sabi ni Avery.

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Weh? di nga?

"Ganun talaga Selene in order to survive we must kill" sabi pa ni Savannah.

"Always remember rule number 8 Don't trust anyone"

Natahimik naman ako sa sinabi nila.

"But don't worry you can trust us, after all we're friends na naman diba?" sabi ni Savannah.

"Yeah" friends? First time kong magkaroon ng mga kaibigan na babae.

"Iba ang mundo natin sa kanila Selene, we're not humans anymore. We need to fit in to this world and we need to stay strong" sabi ni Savannah.

"It's an innocent world. Kaunti lang tayong nakakaalam sa mga sikretong hindi alam at hindi dapat malaman ng iba" sabi pa ni Avery.
---

A/N:

Helloooo! \( ˆoˆ )/

Hahaha. Sorry sa late update, ayaw kasi akong tantanan ni katamaran eh. (ㅍ_ㅍ)

Mamaya magu-update pa ako ng tatlong chapters, si antok naman kasi ang nadalaw sakin ngayon. (T_T)

Anyway, please leave your Votes and Comments (๑º△º๑)

See you sa next Chapter (^O^)/

La Luna Academy [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon