Chapter 27: Labyrinth

2.1K 66 3
                                    

Selene's POV

It's been one month simula nang iwan ko ang mga taong mahalaga sakin.

Kung tatanungin niyo ako kung kamusta na ako. Well, so far so good, medyo nakakapag-adjust narin ako sa mansion atsaka isa pa hindi ko na nararamdaman na napag-iiwanan ako ng iba.

At isa pa...

“Hello Miss Selene!”

“My gosh! Ang ganda niya!”

“Oo nga! How I wish na maging ako siya”

“Good morning Miss Selene. You're beautiful as ever”

Bati sakin ng mga estudyanteng nadadaanan ko.

Yeah, tinatrato na din ako ng mga students ng La Luna Academy as one of the members of the Guardians. Alam niyo kung bakit?

Well, tinanggal lang naman ni Ryan ang mga ala-ala nila tungkol sa dating Selene at pinaltan ng bago dahil kailangan daw ‘yun para hindi maghinala yung ibang nakakakilala sakin.

Grabe nga eh, dun ko lang nalaman ang powers ni Ryan. He can control a persons mind and erase their memories.

Pero hindi halata sa kanya, ang nakakasakit lang talaga sa ulo ay yung tinuturo niyang Math.

“Miss Silvestre, can you help me bring this papers to the faculty?” nakasalubong ko naman si Miss Janine sa may corridor na may dala-dalang test papers.

“Sige po Ma'am” tinulungan ko naman siya.

Ang ganda talaga ni Miss Janine para siyang bampira na hindi tumatanda. Nakakainggit siya.

Nang makarating kami sa faculty room ay kaming dalawa lang ang tao doon ngayon. “Paki lagay nalang sa table ko” utos nito at pumunta saglit sa may comfort room ng faculty.

Inilagay ko naman ang mga test paper sa may table niya.

Nang mailagay ko na ito ay may isang papel naman mula roon ang pumukaw sa aking atensiyon. “What's this?” kinuha ko naman ito.

It's a picture of us Guardians at ang mas nakakapagtaka ay may bilog ng red ballpen ang picture ko at ni Aelius. “Ano kaya ito? At bakit may ganito si Miss Janine?” weird, bigla tuloy akong kinilabutan.

“Miss Silvestre?” napalundag naman ako sa gulat ng biglang may humawak sa balikat ko.

“M-miss Janine” nakakagulat naman siya bigla-bigla nalang nasulpot sa kung saan.

“Oh bakit? Para kang nakakita ng multo” natatawa nitong sabi at biglang napatingin sa hawak kong papel. “What's that?” tanong nito.

“Ah, uhm... Nakita ko po sa table niyo” inabot ko naman sa kanya yung papel. “Ano po ba yan?” I asked.

Tinignan naman niya kung ano ito. “Ah ito ba? Ako kasi ang incharge sa paggu-groupings niyo sa field trip” sagot nito.

“Field trip?” Taka kong tanong. Hindi naman ata ako na-inform na may field trip pala kami.

“Yes, may feild trip kayo this Friday. Hindi mo ba nabasa sa bulletin board?”

“Hindi pa po eh” hindi pa kasi ako nakakadaan doon.

“Oh, kaya pala. Sige you may go na para makibalita sa mga kaibigan mo, kailangan ko na kasing matapos ang groupings niyo. Thank you nga pala ulit sa pagtulong”

“You're welcome po. Sige po mauna na ako” sabi ko dito bago lumabas ng faculty.

Dumaretsyo naman ako sa classroom namin para makibalita. “Guys may field trip daw tayo?” tanong ko nang makapasok ako sa loob ng classroom.

“Oo nabasa namin kanina sa bulletin board na may field trip tayo sa Friday” sabi ni Gavin.

“My gosh! I'm so excited!” masayang sabi ni Sav.

“Tss!” sabi nung sungit na katabi ko. Hmp! Makalipas ang isang buwan masungit parin siya at ang mas malala ngayon ay palagi ako nitong pinagt-tripan.

“Pero sabi nila may kaunting twist daw ngayong taon” Cris said.

“Ano namang twist?” tanong ko.

“Dunno, pero malalaman natin mamaya” sagot ni Avery.

Ano kayang twist ang mangyayari? Last year kasi noong field trip namin by section atsaka magkahiwalay yung Guardians sa mga ordinary students.

Pumasok naman si Max sa loob ng classroom. “Guardians, pumunta na kayo sa gym” utos nito.

“Anong gagawin namin doon?” tanong ni Cris.

“Ia-announce na daw yung groupings sa field trip” sagot nito.

Pumunta naman kami sa may gym at pagkapasok namin sa loob ay biglang nagsigawan at tilian ang mga estudyante sa loob.

“Oh my! The Guardians are here!”

“My gosh! What are they doing here?”

“Makakasama ba natin sila sa field trip natin?”

Mga bulungan or should I say sigawan ng mga estudyante sa loob ng gym.

“Quiet everyone!” saway ni miss Janine na nasa stage ngayon, tumahimik naman silang lahat. “Since everyone is here, I will now announce the groupings for your fieild trip” pagsisimula nito.

“Gusto ko sanang malaman niyo na may twist ang field trip niyo ngayon. Mahahati ang kayong lahat sa anim na grupo” bigla namang nagbulung-bulungan ang mga estudyan sa gym. Anim na grupo? Nung field trip namin dati apat na grupo lang kasi apat lang naman ang section namin kada year level.

“At ang magiging leader niyo sa mga grupo niyo ay...” ay? Sino?! “Ang Guardians!”

Nagulat naman kami sa sinabi ni Miss Janine. “What?!”

“Sa group 1 ang leader niyo si Aelius Martinez, Group 2: Gavin Strauss, Group 3: Avery Hudson, Group 4: Crismiel Tan, Group 5: Savannah  Valdez and sa Group 6 is Miss Selene Silvestre” paliwanag pa ni Miss Janine. “Guardians, pwede ba kayong pumunta dito sa harapan?”

Nagkatinginan naman kami ng mga Guardians bago pumunta sa harapan. Ako magiging leader? Nung leader nga ako dati sa cleaners walang sumusunod sakin, leader pa kaya sa field trip.

Nang makarating kami sa harapan ay muling nagsalita si miss Janine. “Okay, ang tatawagin ko ngayong mga pangalan ay ang mga members ng group 1, kapag narinig niyo ang pangalan niyo ay pumunta na agad kayo sa grupo ni Mr. Aelius Martinez” sinimulan nang magtawag ni Miss Janine ng mga pangalan. Kawawa naman ang mga kagrupo ni Aelius.

“Uwaaahh! Selene! Hindi tayo magkagrupo sa field trip!” lumapit naman sakin si Sav at niyakap ako nito.

“Oo nga! Hindi na tayo kakapag-bonding niyan at makakapag-shopping ng magkasama” malungkot na sabi ni Avery.

“Don't worry magkikita-kita parin naman tayo pagdating doon” I said.

“Sana nga” nag-pout naman si Avery.

“Sus! Avery magtigil ka nga diyan! If I know malungkot ka lang dahil hindi mo makakasama si Gavin my labs mo!” sabat ni Sav. Kinurot naman ito ni Avery sa tagiliran. “Aray naman! Para saan 'yon?!” reklamo ni Sav.

“Ikaw kasi! Ang ingay mo baka mamaya marinig tayo!” pinanlakihan naman siya ni Avery ng mata.

Natawa nalang ako sa kabaliwan nitong dalawa. *Sigh* sayang gusto ko rin sanang makasama sila sa field trip, sila nalang kasi ang mga natitira kong kaibigan lalo pa ngayo't wala ng maalala si Casper tungkol sakin.

Hay naku! Wag mo na ngang isipin ‘yun Selene lalo mo lang pinapalungkot ang sarili mo eh!

Patuloy lang si miss Janine sa pagtawag ng mga pangalan hanggang sa turn ko na. “Para naman sa group ni Miss Selene Silvestre, blah blah blah blah” nagsilapitan naman sakin yung mga kagrupo ko.

“Hi Miss Selene!” bati sakin nung isang babae.

“Uh, hi!” nginitian ko naman ito.
“My gosh! She smiled at me!” masaya nito sabi. Ermmm... hindi ako sanay na ganito ang trato nila sakin.

“And last but not the least Casper Scott” bigla naman akong napatigil nang tawagin ni Miss Janine ang pangalan ni Casper. S-si Casper? Ka-grupo ko si Casper?

Nakita ko naman si Casper na palapit sakin. “Hi Miss Selene, please take care of me” nakangiti nitong sabi.

“Uhmmm... Y-yeah I will” nauutal kong sabi.

Tignan mo nga naman ang tadhana. Maging okay pa kaya ang field trip na ito?

---

A/N:

Hello (⁎˃ᴗ˂⁎)

Yan muna sa ngayon. Bahala na kung kailan ang next update, busy kasi sa school.(´°‐°`)

Anyways, thanks for reading. VOTES and COMMENTS  are highly appreciated (๑• ₃ -๑)*✧

See you all sa  next chapter (*˘˘*).。.:*♡

La Luna Academy [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon