Chapter 13: The Sea

2.7K 92 0
                                    

Selene's POV

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nasa loob ako sa isang kwarto ng beach house. "Ouch!" daing ko at napahawak sa aking ulo. Ano bang nangyari?

"Selene, thank God at gising ka na!" lumapit naman sakin si Sav. "Are you okay?" nag-aaalalang tanong nito.

"Y-yeah, medyo nahihilo lang ako" I said. "Ano bang nagyari?"

Nagkatinginan naman sila. "Well, sinugod lang naman tayo ng mga Grim Reapers" Crismiel answered.

Bigla naman akong napa-upo nang maalala ko ang nangayari kanina. "Nasaan si Aelius?" bigla kong tanong. Diba nasaksak siya kanina ng isang Grim Reaper?

"He's okay na Selene. Kailangan lang niya munang magpahinga" Avery said at tinuro si Aelius na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kabilang kama sa may tabi ko.

Buti naman at ayos lang siya. "But wait! Where's the Grim Reapers?" I asked confusedly.

"Uhhmm... You kinda wipe them out" nagataka naman ako sa sinabi ni Gavin?

"What?" anong ibig niyang sabihin?

"Well, I think we already know your second powers" Avery said.

"Really? What is it?" I asked cofusedly.

"Water" she answered. "Water?" pano naman niya nasabi.

"Yes! You we're amazing Selene! I wish I have powers like yours and that killer wave was one of a hell! Your powers are awsome!" Crismiel said.

"Wait! Hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi niyo sakin, pwede niyo bang linawin?" litong-lito na talaga ako at hindi ko talaga alama ang mga pinag sasabi nila.

Umupo naman sa tabi ko si Avery at kinuwento sakin ang lahat. Mula sa pagligtas ko kila Aelius at sa malaking alon na ginawa ko para mawala ang mga Grim Reapers. "So... 'yun na nga. Sigurado na kami na water element ang second powers mo. Lumabas lang siguro ito dahil sa shock mo nung nasaksak si Aelius at kaya nga sa nangyaring iyon ay lumabas ang second powers mo pero hindi mo ito na control mabuti kaya ikaw ang nakontrol nito" paliwanag pa ni Avery.

Nakatulala naman ang sa mga narinig ko. *Sigh* Okay nakakagulat talaga ang lahat ng mga narinig ko. So, my second power is water?

"Ugh! N-no! Don't!" bigla naman kaming napatingin kay Aelius na para bang binabangungot.

"Aelius!" pilit naman siyang ginising nila Crismiel. "Hey! Wake up!"

Nang magising ito ay bigla ito napa-upo. "W-what happend?" tanong nito.

"Well binangungot ka lang naman" Gavin answered. Napahawak naman ito sa ulo niya. "Sh*t!*"

Nakita ko namang may bandage siya sa may bandang likuran niya, sa katunayan niyan ay ang lahat ng mga Guardians ay puro may mga bandages sa katawan nila. "I'll heal all of your wounds" sabi ko sa kanila.

"No Selene, okay lang kami atsaka isa pa kakagising mo palang at may mga sugat ka din tandaan mo" sabin ni Sav.

Ngayon ko lang napansin na may sugat din pala ako sa kanang braso ko. "Don't worry my wounds can heal on its own" I said. Tinignan ko naman ang sugat ko may braso at unti-unti na itong naglalaho.

"Wow! That's amazing!" manghang sabi ni Crismiel.

Tumayo na ako at isa-isa kong pinagaling ang sugat nila. "Thanks" sabi ng mga ito well, maliban dun sa sungit na 'yon na sinabihan na naman ako ng 'idiot'. "By the way nasaan na sila uncle Ronald?"

"Wala pa sila. Pero don't worry I'm sure na safe sila" Crismiel said.

"Okay"

*Beep* *Beep*

"I think it's them" Sav said.

Bumaba na ako at nakasalubong ko sila sa may kitchen. "Uncle Ronald! Casper!" lumapit naman ako sa kanila at niyakap ang mga ito. I'm happy that they're safe.

"What's wrong Selene?" takang tanong ni uncle Ronald.

"Oo nga naman Slene, para namang isang taon kami nawala" biro ni Casper.

"Ah haha. Akala ko kasi napano na kayo ang lakas kasi ng ulan kanina" palusot ko.

"Oo nga eh ang lakas ng ulan kanina kaya natraffic kami sa bayan" sabi ni uncle Ronald. "Kamusta naman kayo dito"

Napatigil naman ako sa tanong niya. "U-uhmm... O-okay lang naman po kami" pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? Sige magluluto lang muna ako ng dinner natin" paalam ni uncle Ronald.

"Sige po"

Pumunta naman ako sa labas para magpahangin. Grabe naman ang nagyari samin ngayon, nakakatakot naman pala ang mga Grim Reapers at higit sa lahat sayang dahil hindi ko maalala ang nangyari noong lumabas yung isa ko pang kapangyarihan.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng makita ko si Savannah na naka-upo sa swing at seryoso itong nakatitig sa dagat. Lumapit naman ako dito. "Pwede ba akong maki-upo?" I asked.

"Yeah, sure"

Umupo naman ako sa tabi niya. Tumingin din naman ako sa dagat, napakagnda nito at mas lalo itong naging misteryosong tignan. The stars and the moon are reflecting on it and it was simply breathtaking.

"Isn't it beautiful?" Savannah suddenly said.

"Huh?"

"The sea" she pointed.

"Ah, oo nga ang ganda-ganda ng dagat" sabi ko. Bigla ko namang naalala yung sinabi ni Aelius sakin kanina na sa tuwing nakikita niya yung dagat ay naaalala niya yung salitang reincarnation. "Sav, sa tuwing nakikita mo ang dagat ano ang naiisip mo?" bigla kong tanong dito.

Napaisip naman siya. "Sa tuwing nakakakita ako ng dagat ay naiinis ako" sabi nito.

"Bakit naman?" taka kong tanong.

"Because it reminds me how wonderful life is" she said with a sad look on her face.

"Is that bad?"

"For normal people it isn't but for us? Yes it is, cause it only reminds us that we're not normal and that we can no longer live peacefully into this world" Natahimik naman ako sa sinabi niya. Tama siya, hindi na kami makakapamuhay sa mundong ito kagaya ng dati.

"But you know what's more unfair?"

"What?" I asked.

"The fact that we aren't allowed to love but at the same time we are allowed to die"

---
A/N:

Hellloooo! (^O^)/

Sa tingin niyo bakit ba bawal magmahal ang mga Fallen Angels kagaya nila? (๑º△º๑)

Malalaman niyo 'yan sa next next chapter layo pa hahahaha (⁎˃ᴗ˂⁎)

Anyways, please leave your Votes and Comments \( ˆoˆ )/

See you all sa next chapie. /)  /)
                                                 (ฅ• . •ฅ)♥

La Luna Academy [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon