Chapter 12: Grim Reapers

2.8K 90 1
                                    

Selene's POV

Nang makabalik kami sa beach house  ay pinapunta ni Aelius ang ibang Guardians sa isang kwarto.

"So what are we doing here?" bored na tanong ni Crismiel.

"Oo nga naman, panira ka talaga ng kasiyahan Aelius" sabi ni Avery.

"Make sure na importante ang sasabihin mo. Mas importante pa sa pags-swimming namin" sabi pa ni Sav.

"They're here" napatigil naman sila sa sinabi ni Aelius.

Sino daw? "Uhhmm... Sino?" I asked confusedly.

"Kanina muntik na nilang makuha ang Idiot na 'yan" tinuro naman ako ni Aelius.

"Gosh! Are alright Selene?" nag-aalalang tanong ni Avery at lumapit sakin.

"Anong nangyari Selene?" tanong ni Sav.

"Wait! Sino ba sila?" takang tanong ko.

Bigla naman silang nagkatinginan.

"Reapers" seryosong sabi ni Crismiel.

"Reapers? you mean yung black na butterfly kanina?"

"Selene, ang mga Grim Reapers ay pwedeng may disguise bilang isang butterfly, isang itim na ibon at minsan anino ng isang tao" bigla naman akong kinilabutan sa sinabi ni Gavin.

So, Grim Reaper pala yung butterfly kanina?

"Kailangan nating mag-ingat dahil sigurado akong nandito lang ang Reaper na 'yon sa paligid" seryosong sabi ni Sav.

"Savannah's right we need to be more careful. The right thing to do now is to stay with your partners para maprotektahan niyo ang isa't-isa" Gavin said.

*Tok* *Tok*

"Selene, are you there? Hinahanap ka ni uncle Ronald" rinig kong sab ni Casper.

"S-sige sususnod na ako!" sigaw ko sa kanya mula sa labas.

Nang masigurado kong nakaalis na si Casper ay may tinatong ako sa kanila. "Paano sila Casper at uncle Ronald?" baka kasi mamaya sila yung puntiryahin ng Reapers.

"Kami ng bahala sa kanila Selene" sabi sakin ni Crismiel.

"That's right! Nandito kami hindi namin sila pababayaan" sabi pa ni Gavin.

Napangiti naman ako sa sinabi nila. "Thanks"

Nang makalabas kami ay pumunta ako kila uncle Ronald na ngayon ay nag-iihaw ng barbecue. "Let's eat, luto na 'tong mga BBQ"

Umupo na kaming lahat sa may lamesa at sinimulang kumain.

"Aelius, I challenge you!" Crismiel said all of a sudden.

"What?" kunot noong tanong ni Aelius.

"Tignan natin ngayon kung marunong kang lumangoy. Paunahan tayo papunta doon sa batong 'yon!" tinuro naman ni Crismiel yung malaking bato sa dagat sa di kalayuan. "So, ano tinatanggap mo ba?"

"Yeah whatever!"

"Selene, alis lang muna kami ni uncle Ronald. Pupunta lang kaming palengke" paalam sakin ni Casper.

"Sige, mag-ingat kayo" sabi ko sa kanila.

***
Third Person's POV

Pumunta naman si Selene sa pwesto ng mga Guardians kung saan nagkakasiyahan ang mga ito.

"Go! Aelius!" cheer sa kanya nila Sav at Avery.

"Galingan mo Cris! Sa'yo ako nakapusta!" sigaw naman ni Gavin kay Crismiel.

La Luna Academy [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon