NTM 6
Isang linggo na ang nakalip as mula ng matanggap siya sa trabaho at masasabi niyang masaya siya sa kanyang ginagawa. So far so good. At sa pamamahay pa siya ng Castillion nakatira kasi nga ayaw siyang payagan ng bata na umalis. Okay lang naman sa kanya tutal naroon si Kiko sa probinsya ng kaibigan niyang si Aaliyah.
Sinama kasi ng lola ng kaibigan niya si Kiko at pumayag naman siya.Hindi niya kasi maasikaso ng maayos si Kiko habang nagtatrabaho siya. Kaya ang gagawin nalang niya ay magpapadala nalang siya ng pera doon. Laking pasasalamat nga niya ay naisipan ni Lola Imelda,lola ni Aaliyah,na isama si Kiko pauwi sa probinsya nila sa Cebu.
Ala-una na ng hapon at kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga plato ng makarinig siya ng tikhim. Muntik pa niyang mabitawan ang platong hawak niya dahil sa gulat. Nilingon niya kung saan nanggaling iyon at nakita niyang nakaupo sa stool si Yvo habang mataman na nakatingin sa kanya.
"N-nandyan po pala kayo Sir Yvo.."
"Just Yvo please,drop the Sir."Sabi nito at tiningnan siyang muli. Umayos siya ng tayo at napalunok. Hindi siya sanay sa ibinibigay na tingin ni Yvo masyadong malalim at anumang oras pwede siyang malunod sa sobrang lalim.
"Uhm..Y-yvo,bakit nandito kayo?Wala ka bang pasok sa trabaho ngayon?"Takang tanong niya. Sa pagkakaalam niya, araw-araw itong pumapasok sa trabaho at halos gabi na kung umuwi. Tumayo si Yvo at tinukod ang dalawang palad sa lamesa at ngumisi.
"Well,I'm the owner of the company.It can still function without me and of course it's Sunday today,I want to have a bonding time with my daughter.."Paliwanag nito na ikinatango niya.
"Okay po,uhm pupuntahan ko lang si Ailee para painumin siya ng vitamins.."Paalam niya.Hanggang sa pag-alis ni Akira ay hindi maalis ang tingin ni Yvo sa kanya at dahil doon ay hindi niya maiwasang mapaisip kung mayroon ba siyang dumi sa mukha.
Pagka-akyat ni Akira sa ikalawang palapag ay kaagad niyang tinungo ang kwarto ni Ailee na nasa bandang dulo. Kinatok niya muna ang pinto bago pumasok at nadatnan niyang naglalaro ito ng manika sa higaan.
"Hello mommy.."Bati sa kanya ng bata at bumaba para halikan siya sa pisngi. Napakalambing na bata ni Ailee at masuwerte siya at nakilala niya ito.
"Baby, kanina ka pa naglalaro kailangan mo ng uminom ng vitamins.." Aniya habang lumapit sa bedside table upang kunin ang vitamins doon. Tumingin siya kay Ailee at nakita niya ang pag-iling nito.
"No mommy, I don't need vitamins! I am healthy, strong and of course pretty na!" Tumayo pa ang bata at itinaas ang dalawang braso. Ngumiti naman si Akira at ginulo ang buhok nito. Ang cute talaga ng batang 'to.
"Na-uh, iinumin mo pa rin 'to okay? No buts." Nakita niyang ang pagsimangot nito at mahina naman siyang natawa.
"PLEASE please mommy! Sama po ako pleaseeee!" Pagpupumilit ni Ailee habang tinitingnan ni Akira ang listahan na bibilhin niya sa grocery store. Kanina pa siya nito kinukulit na sumama sa grocery store. Gusto man niya itong isama ngunit mas mabuting sa mansiyon nalang ang bata baka hindi niya mabantayan ng mabuti si Ailee kung isasama pa niya ito.
Lumuhod si Akira upang magpantay sila ng bata. "Ailee, stay ka nalang dito ha? Saglit lang naman ako doon sa grocery store eh. May gusto ka bang ipabili? Chocolates?"
"I wanna go with you to the store that's all I want. Promise, behave lang po ako!" Napabuntong-hininga nalang si Akira. No choice siya kaya isasama nalang niya ang bata. Magpapaalam nalang siya kay Sir Yvo kung pwede niyang isama si Ailee sa grocery store.
"Okay, pero magpapaalam muna tayo kay daddy mo ha?" Paliwanag niya at hinaplos ang pisngi ni Ailee. Kaagad naman itong ngumiti at mabilis na tumango.
"No need to ask for permission. The three of us will go to the grocery store." Kaagad na napatayo si Akira at napatingin kay Yvo na ilang hakbang lang ang layo niya sa kanila. Nakasuot ito ng white v-neck shirt at black ripped jeans. Kung tutuusin, simple lang ang suot nito pero napaka-gwapo nitong tingnan. Napakagat-labi siya. Kapit lang panty, kumapit ka sa akin.
"Sasama ka, Y-yvo?" Gulat na tanong niya. Tipid na ngumiti si Yvo at tiningnan si Ailee.
"Of course, I'll grab this chance to be with my daughter. Right baby? its bonding time." Hinawakan nito ang kamay ng bata at hinalikan ang ulo nito.
"Yehey! Bonding time with mommy and daddy!"
Masaya siya para sa bata dahil nakikita niya sa mata nito ang pagkasabik. Ngunit hindi pa siya sanay na tawagin siya nitong mommy sa harap ni Yvo. Oo't okay lang sa kanya ang pagtawag ng mommy sa kanya pero hindi siya sanay kapag sa harap na ng tatay ng bata. Isa rin ito sa napag-usapan nila ni Yvo na okay lang dito na tawagin siyang mommy ng anak niya dahil mismong si Yvo ay pabor sa ganitong sitwasyon.
Okay lang naman ang ganitong sitwasyon basta't huwag lang niyang hahayaan ang puso niya na tuluyan nang mahulog sa mag-ama.
***
Hi? First of all I am very sorry to all of my readers because it took me a year to update this story again. To be honest, I have reasons why I haven't updated my stories. Una po, busy sa buhay si otor. Also, I lost my inspiration to write stories. Nawalan po ako ng gana sa pagsulat dahil wala po akong bilib sa sarili ko especially in my stories. But now I'm back and trying to be myself again in watty world. I'll try my best to update my stories and be optimistic. Yun lang po. I hope you understand my reasons.
Thank you po sa mga nagbabasa pa nitong story ko. Alam ko pong magulo pero I am trying my best. God bless po sa inyong lahat.
Ciao.
![](https://img.wattpad.com/cover/29519637-288-k78155.jpg)
BINABASA MO ANG
Wanted:Nanny To Mommy?
RomansaAkira Mayi Dimaguiba is just an ordinary woman.Mabait,makulit at may tiyaga.Laki sa hirap ngunit may pagsisikap.Ang pangarap niya sa buhay ay ang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.Kaya ng rinekomenda ng kanyang kaibigan na mag-apply siya bilang N...