PROLOGUE:

7.2K 195 10
                                        


Prologue:


Hindi mapakali si Akira sa kinauupuan nito dahil sa sobrang katahimikan sa opisina ni Mr.Castillion dahil abala ito sa pagbasa ng kanyang resume.Di niya mapigilang pasadahan ito ng tingin.Hindi niya maipagkakaila na sobrang gwapo nito at hindi mo mahahalata na may anak na ito.Siguro na sa 30's ito isip niya.Paano'y naguumaapaw ang hotness ng lalaking nasa harapan niya.Lalo pa't wala itong asawa at single dad lang ito.



Napakagat-labi nalang siya,siguro ang anak nito ay napakaganda rin.Sabi kasi ng kanyang kaibagan na si Aaliyah na babae ang aalagaan niya kung sakali mang matanggap siya sa trabaho.Kanina pa rin niya pinapanalangin na matanggap siya dahil kailangan niya ng pera para may mabili siyang gamot para sa kapatid niyang si Kiko.



Napapitlag siya ng magsalita ito.



"So you're Akira Mayi Dimaguiba,right?"Tanong nito na may pagkabaritong boses.



"Yes Sir!"Magiliw nitong sagot.



"You know,hindi madaling alagaan ang anak ko because she hate Nannies.Pero as a father I want her to be safe kaya gusto kong may magbantay sa kanya bawat oras.."Paliwanag nito at pinagsiklop ang kanyang mga kamay.



"Sir,don't worry!Mahilig po ako sa mga bata I assure you na maaalagan ko pong mabuti ang anak niyo."Tumango tango naman ang lalaki.



"Ok,let's give it a try.Pero I have to warn you hindi siya madaling alagaan.Gagawa't gagawa ng paraan 'yon para hindi magtagal ang Nannies niya.."Sabi niya at tiningnan ng mataman si Akira.Halos lumundag siya sa sobrang saya dahil natanggap siya sa trabaho.Kaya abot hanggang tenga ang kanyang ngiti.



"Thank you Sir!Aalagaan at babantayan ko pong mabuti ang anak niyo."Sagot niya.



"You better be.Tomorrow you will start yo-"Naputol ang kanyang sasabihin ng makarinig sila ng isang matinis na sigaw na nagmumula sa labas ng opisina.



"DADDY!!!!!"



Humahangos na pumasok ang isang maliit na batang babae.Tantya niya nasa edad 6 or 7 ito.So ito ang anak ni Mr.Castillion hindi maipagkakaila na anak nga niya ito dahil kahawig niya ito lalo na't napakaganda.



Hindi man lang siya tinapunan ng tingin at dire-diretso itong lumapit sa kanyang ama at umupo sa kandungan nito.



"Daddy is it true?Yaya Linda said that you will hire another Nanny?Please daddy I don't want Nanny!I want Mommy!Please daddy please!"Pagtatantrums ng bata habang inaalog ang balikat ng ama niya.



"Baby,we already talk about it,right?"Paliwanag ni Mr.Castillion sa anak niya ngunit umiyak lalo ang bata.Naku po!Ito ba ang maaalagaan niya?Mukhang mahihirapan siya sa pag-aalaga nito base narin sa kilos ng bata.



"NO!I don't want Nanny!I want Mommy!"Pilit pa rin ng bata.Napa buntong-hininga na lamang ang ama ng bata.



"Baby,wag makulit.Anyway,meet your new Nanny."Sabi ng lalaki at tinuro si Akira.Ngumiti naman ng matamis si Akira.



"I said I don't wa-"Naputol ang sasabihin ng bata ng tuluyan na niyang nakita ang bago niyang Nanny.Mula sa pagsimangot napalitan ito ng isang ngiti.



"She's not a Nanny!She's Mommy!"Tili nito at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya at yumakap ng mahigpit.



"Mommy!"Napatanga si Akira sa kanyang narinig.Ano daw?Tinawag siya nitong Mommy?Naku po!



——————————————————————————


A/N:Prologue is now posted!*clap*clap*What ya think guys?And Sorry for the typos!Tuloy ko pa ba?


Don't forget to Vote & Comment!


-GB25

Wanted:Nanny To Mommy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon