NTM 2

4.9K 178 7
                                        

NTM 2

NAGISING SI Akira sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.Humihikab itong bumangon at kinuha sa ilalim ng kanyang unan ang kanyang cellphone.Tiningnan niya ito at napagtanto na alas otcho na pala ng umaga.

Tumayo na siya at bago siya dumeretso sa banyo ay inayos muna niya ang higaan.Pagkatapos ng paghihilamos ay lumabas na ito upang makapaghanda na ng almusal.

Ngunit laking gulat niya nalang na may nakita siyang kape at pandesal na nakahanda.At naroon si Kiko na nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning po ate!"Bati nito sa kanya at muling binalik ang tingin nito sa binabasa.

"Good morning din,Ang aga mo atang nagising?"Tanong ni Akira at umupo ito.

"Ehh..Akala ko po kasi kanina may pasok ako.Sabado po pala ngayon.."Napakamot ito sa ulo niya na ikinatawa niya.Ganito kasi palagi si Kiko lalo na pag sabado maaga itong nagigising sa pag aakalang may pasok.

"Oo nga pala,iiwan muna ulit kita kina Aaliyah mamaya.H'wag masyadong maglikot ha?Para di ka sumpungin ng asthma.."Aniya kay Kiko na abala sa pagsawsaw ng pandesal sa kape.

"Opo ate..Promise,hindi po ako maglilikot."Sagot ni Kiko na ikinangiti niya.

"SIGE NA Akira ako na ang bahala kay Kiko sana matanggap ka sa trabaho.."Ani Aaliyah sa kanya at sinuklian niya ito ng tango.Nagpaalam na si Akira at umalis na.

NAPATINGALA siya sa sobrang taas ng building na nakikita niya.Talagang mayaman ang pag aaplyan niya ng trabaho kaya labis labis ang dasal niya na sana ay matanggap siya.

Pumasok na siya sa loob at di niya napigilang mamangha dahil kung anong ikaganda sa labas ay ganun din sa loob.Pumasok na siya sa elevator na nakita niya at pinindot ang 15th floor.Yun kasi ang nakalagay sa card na binigay ni Aaliyah.Nakasaad na dito ang address kung paano ito puntahan.

Habang naghihintay na bumukas ang elavator hindi niya mapigilang mapaisip kung ano ang itsura ng magiging amo niya kung sakaling matanggap siya.Siguro gurang na yun.

Bumukas na ang elevator at lumabas na siya.Dumeretso siya agad sa secretary's desk kung saan tumambad sa kanya ang isang babaeng ngumunguya ng bubble gum.Yung secretary.

"Uhm..Hi,nandiyan po ba si Mr. Castillion?"Tanong niya.Napansin niya ang pagtaas ng kaliwang kilay nito at mataman siyang tiningnan.

"Bakit?May appointment ka ba sakanya?"Mataray na tanong nito sa kanya.Lihim siyang napamura dahil sa inakto nito.Akala mo kung sinong maganda!Hipon!

"Mag-aaply sanang nanny ng anak niya.Ito yung card oh.."Pilit niyang kinalma ang sarili at inabot ang card na binigay ni Aaliyah.Kinuha ito ng secretary at may tinawagan.

"Sir,there is this certain girl na mag-aaply bilang nanny ng anak niyo...Yes Sir...Okay Sir,bye."

Hindi niya mapigilang hindi mapakunot sa inakto ng babae.Paano'y may halong paglalandi ang boses nito.Tss.Humarap ito sa kanya habang nginunguya ang bubble gum.

"Pasok ka na."Bored nitong sabi at pinalobo ang nguya nguyang bubble gum.Err..

Pumasok na siya sa loob at hindi niya mapigilang hindi kabahan.This is the moment of the truth!Do your best Akira!

"Good morning,Sir."Bati niya.Nakatalikod itong nakaupo sa kanya kaya't hindi pa niya nakikita ang mukha nito.Malamang tinitingnan nito ang tanawin mula sa baba.

"Please take a seat."Utos nito na kaagad naman niyang sinunod.Humarap na si Mr. Castillion sa kanya at hindi niya mapigilang hindi mapasinghap.Shems!Ang gwapo.Agad niyang pinagsisihan na inisip niyang gurang ang magiging amo niya.Ang judgemental mo kasi Akira!Sorry kasi!

Nakita naman niyang napatigil ito ng makita siya.May mga emosyon mabilis na dumaan sa kanyang mga mata ngunit agad ding nawala.

"Hand me your resume."Inabot niya kaagad ang hawak niyang resume.

Lumipas ang ilang minuto at hindi mapakali si Akira sa kinauupuan nito dahil sa sobrang katahimikan sa opisina ni Mr.Castillion dahil abala ito sa pagbasa ng kanyang resume.Di niya mapigilang pasadahan ito ng tingin.Hindi niya maipagkakaila na sobrang gwapo nito at hindi mo mahahalata na may anak na ito.Siguro na sa 30's ito isip niya.Paano'y naguumaapaw ang hotness ng lalaking nasa harapan niya.Lalo pa't wala itong asawa at single dad lang ito.

Napakagat-labi nalang siya,siguro ang anak nito ay napakaganda rin.Sabi kasi ni Aaliyah na babae ang aalagaan niya kung sakali mang matanggap siya sa trabaho.Kanina pa rin niya pinapanalangin na matanggap siya dahil kailangan niya ng pera para may mabili siyang gamot para sa kapatid niyang si Kiko.

Napapitlag siya ng magsalita ito.

"So you're Akira Mayi Dimaguiba,right?"Tanong nito na may pagkabaritong boses.

"Yes Sir!"Magiliw nitong sagot.

"You know,hindi madaling alagaan ang anak ko because she hate Nannies.Pero as a father I want her to be safe kaya gusto kong may magbantay sa kanya bawat oras.."Paliwanag nito at pinagsiklop ang kanyang mga kamay.

"Sir,don't worry!Mahilig po ako sa mga bata I assure you na maaalagan ko pong mabuti ang anak niyo."Tumango tango naman ang lalaki.
"Ok,let's give it a try.Pero I have to warn you hindi siya madaling alagaan.Gagawa't gagawa ng paraan 'yon para hindi magtagal ang Nannies niya.."Sabi niya at tiningnan ng mataman si Akira.Halos lumundag siya sa sobrang saya dahil natanggap siya sa trabaho.Kaya abot hanggang tenga ang kanyang ngiti.

"Thank you Sir!Aalagaan at babantayan ko pong mabuti ang anak niyo."Sagot niya.

"You better be.Tomorrow you will start yo-"Naputol ang kanyang sasabihin ng makarinig sila ng isang matinis na sigaw na nagmumula sa labas ng opisina.

"DADDY!!!!!"

Humahangos na pumasok ang isang maliit na batang babae.Tantya niya nasa edad 6 or 7 ito.So ito ang anak ni Mr.Castillion hindi maipagkakaila na anak nga niya ito dahil kahawig niya ito lalo na't napakaganda.

Hindi man lang siya tinapunan ng tingin at dire-diretso itong lumapit sa kanyang ama at umupo sa kandungan nito.

"Daddy is it true?Yaya Linda said that you will hire another Nanny?Please daddy I don't want Nanny!I want Mommy!Please daddy please!"Pagtatantrums ng bata habang inaalog ang balikat ng ama niya.

"Baby,we already talk about it,right?"Paliwanag ni Mr.Castillion sa anak niya ngunit umiyak lalo ang bata.Naku po!Ito ba ang maaalagaan niya?Mukhang mahihirapan siya sa pag-aalaga nito base narin sa kilos ng bata.

"NO!I don't want Nanny!I want Mommy!"Pilit pa rin ng bata.Napa buntong-hininga na lamang ang ama ng bata.

"Baby,wag makulit.Anyway,meet your new Nanny."Sabi ng lalaki at tinuro si Akira.Ngumiti naman ng matamis si Akira.

"I said I don't wa-"Naputol ang sasabihin ng bata ng tuluyan na niyang nakita ang bago niyang Nanny.Mula sa pagsimangot napalitan ito ng isang ngiti.

"She's not a Nanny!She's Mommy!"Tili nito at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya at yumakap ng mahigpit.

"Mommy!"Napatanga si Akira sa kanyang narinig.Ano daw?Tinawag siya nitong Mommy?Naku po!

~•••~

Hello?It's me..I was wondering if --joke lang.Haha.

May nagbabasa pa ba nito?

Wanted:Nanny To Mommy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon