NTM 5
"Say aahhh.."
"aahhh"Sinubo nito ang kutsarang may laman ng pagkain sa bibig ng bata.Naroon sila sa kusina dahil napag alaman niya na hindi pa ito kumakain ng almusal.
"Baby,bad yung nagpapalipas ng gutom.Sa susunod wag mo ng uulitin yun ha?"Tumango tango naman ang bata habang nginunguya ang pagkain."I'm shorry mommy.."Dagdag pa nito habang may laman ang bibig.
"And bad din yung nagsasalita ng may laman na pagkain ang bibig.Diba may kasabihan na Don't talk when your mouth is full?"Turo niya dito.Nakita naman niyang nilunok muna ni Ailee ang pagkain bago nagsalita."Ehh mommy my mouth is not full kaya.."Nakapout nitong sabi.
Pinisil niya ang pisngi ng bata at nginitian."Kahit na,basta pag may laman ang bibig wag munang magsasalita."
"Ok po mommy."
"Osiya say aahhh ulit.."Akmang isusubo na niya ang kutsara sa bata nv makita niya itong umiiling."Mommy my tummy is full na."Tinapik tapik pa nito ang tiyan.
"Sige na,drink your milk na pagkatapos mo diyan papaliguan na kita ha?"Inilapit pa niya ang ilong sa leeg ng bata at sininghot."You smell so maasim na."Dugtong pa nito.
Humagikgik ang bata."I'm not maasim kaya.."At ininom na nito ang gatas.
KAKATAPOS lang niya ayusin ang kwarto ni Ailee dahil sa nagkalat nitong laruan na ipinakita nito sa kanya kanina.Si Yvo naman ay kanina pa umalis dahil may meeting daw siyang pupuntahan.
Lumabas na rin siya at bumaba nadatnan niya si Ailee na naglalaro ng mga barbie sa sala.Napangiti siya habang nakitingin sa masayang naglalaro na bata.
Hindi niya aakalain na magiging instant mommy siya nito dahil hindi na ito tumigil sa kakatawag ng mommy sa kanya.Ganoon siguro kagusto ng bata na magkaroon ng isang ina.
"Nandyan ka pala hija.."Napapitlag siya sa nagsalita.Liningon niya ito at nakita niya si Nay Linda.Simula kasi kanina ay ngayon lang niya ito makakausap.Ngunit nagtataka rin siya kung bakit siya nito tinawag na Amanda.
"Kayo ho pala Nay Linda.."Bati niya rito at ngumiti.Sinuklian din naman siya ng ngiti ng matanda at hinawakang ang kanang kamay niya.
"Pagpasensyahan mo pala ako sa ginawa ko kanina.Sadyang nagulat lang talaga ako kasi kahawig mo si Amanda.."Hinging paumanhin nito.Amanda?
"Sino ho si Amanda?"Tanong niya.
"Si Amanda ang a--"
"Hi mommy!"Narinig nilang sigaw ni Ailee sa sala.Ngumiti naman si Akira at kinawayan niya ito.Bumalik narin sa paglalaro si Ailee kaya binalingan niya ulit ang matanda.
"Alam mo bang ngayon ko lang nakita na ganyan kasaya si Ailee?Lagi kasi siyang nakasimangot o kaya'y nanahimik lang sa isang tabi."Sabi ni Nay Linda habang nakatingin kay Ailee na masayang naglalaro.
"Ganon ho ba?Sana tuloy tuloy na po ang pagiging masayahin niya.."Sabi niya.
"Salamat at dumating ka sa buhay nila."Nakangiting sabi ng matanda."Osiya,aalis muna ako para mamalengke.Ikaw na bahala kay Ailee ha?Alagaan mong mabuti."Paalam rin nito.
"Opo aalagaan ko pong mabuti si Ailee.Ingat rin po kayo Nay Linda."Sabi niya.Tumango naman ang matanda at naglakad na paalis.Huminga ng malalim si Akira at nilapitan si Ailee.Umupo siya sa tabi ng bata.
"Gusto mo bang manood ng cartoons?"Tanong niya rito na kaagad naman tumango ang bata.
"But wag po Dora ha?Cuz I hate her."Nakacrossed arm nitong sabi.
"At bakit ayaw mo sa kanya?Mabait naman si Dora eh."Takang tanong niya habang sinisindi ang malaking flat screen TV.
"She is stupid mommy,she keeps on asking where is the mountain or whatsoever pero nasa likod lang niya.Nakakasawa po."Nagpout pa ito.Linapitan niya ito at pinisil niya ang tungki ng ilong ng bata.
"Yun kasi ang way niya para turuan ang mga kids na tulad mo.Don't call her stupid okay?bad yon."Paliwanag niya rito.Tumango tango naman ang bata.
"Sorry po mommy."Napangiti siya.Mabait na bata si Ailee at maswerte siya at nakilala niya ito.
~•••~
Surprise?hehehehe.Nag ud ako kasi nakakatuwa yung mga feedbacks niyo about sa story.Maraming salamat po!

BINABASA MO ANG
Wanted:Nanny To Mommy?
RomanceAkira Mayi Dimaguiba is just an ordinary woman.Mabait,makulit at may tiyaga.Laki sa hirap ngunit may pagsisikap.Ang pangarap niya sa buhay ay ang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.Kaya ng rinekomenda ng kanyang kaibigan na mag-apply siya bilang N...