NTM 1
LAGLAG ANG balikat ni Akira habang palabas siya sa Coffee shop na pinagtatrabahuan niya.Paano'y sinisante siya ng kanyang boss dahil lamang sa di sinasadyang matamaan niya ang isang mamahalin daw na vase.Hindi niya kasalanan kung mapatid siya bigla paano ba nama'y nakaharang sa dinadaan niya ang isang laruan na manika.Hindi nga niya alam kung saan lupalop ba galing ang manikang iyon.Siguro nahulog yun ng may-ari ng manika.
"Kainis na manika!Nang dahil doon nasisante ako.Oh Lordie!Saan na niyan ako makakukuha ng trabaho?Huhuhu.."
Sinubukan naman niyang magpaliwanag pero may pagkamakitid ang utak ng boss niya.Konting pagkakamali lang sisante na agad.Sa panahon pa naman ngayon mahirap mag-apply ng trabaho.
Pasakay na sana siya ng tricycle ng biglang nagring ang kanyang lumang cellphone.Mukhang malapit na rin atang mag give up ang cellphone niya dahil naghihingalo na ito sa kalumaan.Anyway,sinagot na niya ang tawag ng malaman niya na ang kaibagan pala niyang si Aaliyah ang tumatawag.
"Hello?"
[A-akira..]Napakunot ang noo niya ng marinig niya ang boses ng kaibigan.
"Bakit?May problema ba?"
[Si K-kiko..Nasa hospital siya ngayon..]Para siyang tinulos sa lugar na kanyang tinatayuan ng marinig niyang nasa hospital ang kapatid niya.Nabalot ng kaba at pag-aalala ang kanyang nararamdaman.
"P-paanong?Nasaan kayo?Pupuntahan ko kayo diyan."
[Nandito kami sa Health Hospital ngayon.Akira,bilisan mong pumunta dito dahil paniguradong hahanapin ka ni Kiko kapag nagising siya.]
"Osige,hintayin niyo ako diyan.Papunta na ako."Yun lang at binaba na nito ang tawag.Dali-dali siyang tumawag ng tricycle at mabilis sumakay.
"Manong,sa Health Hospital po.Kung maaari pakibilisan nalang po."
Tumango naman ang driver at binilisan ang pag-andar ng tricycle.Wala pang twenty minutes ng makarating sila sa hospital.Nagbayad muna siya bago mabilis pumasok sa loob ng hospital.Halos magkanda tapilok na siya sa bilis ng pagtakbo niya.Mabuti nalamang nakita niya agad ang kanyang kaibigan na mukhang hinihintay siya.
Humahangos na linapitan niya ito.

BINABASA MO ANG
Wanted:Nanny To Mommy?
RomanceAkira Mayi Dimaguiba is just an ordinary woman.Mabait,makulit at may tiyaga.Laki sa hirap ngunit may pagsisikap.Ang pangarap niya sa buhay ay ang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.Kaya ng rinekomenda ng kanyang kaibigan na mag-apply siya bilang N...