NTM 4
"TOTOO sinabi niya yon?"Hindi makapaniwalang tanong ni Aaliyah sa kanya.Naroon sila sa sala ng bahay ni Akira at pinag uusapan nila ang nangyari kanina sa opisina.
"Oo,napagkamalan pa akong nanay pero ang importante ay natanggap ako sa trabaho."Masayang sabi niya at ininom ang juice na hawak niya.
"Baka naman anak mo yun Akira ha!Hindi ka naman siguro tatawaging mommy nun kung hindi mo siya anak."Nabilaukan siya sa narinig.Hinagod naman ni Aaliyah ang likod niya habang ubo siya ng ubo.Umayos siya ng upo at tiningnan niya ito.
"Gaga!Paanong magiging anak ko yun eh 100% virgin pa ako!Ikaw talaga oh!Kung anu-ano ang pumapasok sa isip mo."Sermon niya sa kaibigan niya.Tumingin naman sa kanya si Aaliyah na tila may iniisip.
"May point ka naman..Anyway,kamusta yung boss mo?Pogi ba sa personal?"Tanong nito kanya habang ang dalawang kilay nito ay nagtataas baba.Agad naman siyang namula sa tanong nito.Her boss is freaking handsome and oozing with sex appeal!
"O-oo."
"Ay!Ang swerte mo day!Tsaka tiningnan ko narin sa internet ang itsura nung Mr. Castillion na iyon."Humagikgik ito."..at masasabi kong makalaglag panty yung kagwapuhan nun!"Dugtong pa nito.
Tinampal niya ang kaibigan."Ikaw talaga Aaliyah oh!"Suway niya rito na binigyan lang siya ng isang ngiting nang aasar.
"Aysus!If I know crush mo na niyan si Mr. Castillion eh!Dapat sa tuwing makikita mo siya dapat mahigpit yang garter ng panty mo baka bigla nalang malaglag yan pag nakita mo siya."Pang-aasar nito sa kanya na ikinapula ng mukha niya.Kahit kailan talaga yung bibig ng kaibigan niya ay hindi mo mapipigilan.
"Heh!Umuwi ka na nga!Gabi na oh baka ma dis-oras ako bukas!Shoopi!"Pagtataboy niya sa kaibigan.Tinawanan lang siya nito at nagpaalam naring umalis.
Bago siya dumeretso sa kwarto ay pinuntahan muna niya ang kapatid sa silid nito upang silipin.Nakita niya itong nagbabasa ng libro habang nakaupo sa kama.Napangiti siya sa nakita kahit bakasyon na ay walang inatupag si Kiko kundi pagbabasa ng mga libro.
Linapitan niya ito at hinawakan ang ulo."Ininom mo ba ang gamot mo kanina?"Tanong niya.
"Opo ate."Sinarado nito ang binabasa nitong libro at bingyan siya ng isang matamis na ngiti.
"Osiya,gabi na't matulog ka na.Bawal magpuyat,remember?"Tumango ito at humiga sa kama.Bago siya umalis ay hinalikan muna niya ang noo nito.
KINABUKASAN ay dumertso na siya sa isang subdivision.Yun kasi ang nakalagay sa address card.
Naglalalakad siya papasok ng pinigilan ito ng isang security guard."Miss,bawal pong pumasok dito kailangan may pahintulot ka sa pupuntahan mo para makapasok ka sa loob.."Paliwanag nito.
"Ahm,pakisabi nalang po kay Mr. Castillion na nandito na po yung bagong nanny ng anak niya.."Sabi niya rito.
"Kayo po ba si Ms. Akira Mayi Dimaguiba?"Tanong nito.
"Ako nga po."Pinakita niya ang kanyang I.D para malaman nitong totoo ang sinasabi niya.
Binasa itong mabuti ni manong guard at napakamot sa batok."Pasok na po kayo ma'am,pasensya na rin po sa inasal ko kanina."
"Ok lang po manong,sige po."Ngumiti siya dito at pumasok na sa loob ng subdivision.
Hindi rin siya nahirapan sa paghahanap ng bahay ni Sir Yvo dahil ang sabi ng guard yung pinakamalaki na bahay ang bahay nila Sir Yvo.Nasa harap na siya mg malaking bahay at ngayo'y nakatingala.
"Parang palasyo.."Bulong niya habang nakatingin sa harap ng bahay.Huminga muna siya ng malalim at pinindot ang doorbell.
Di rin nagtagal bukas na yung gate at naroon si Sir Yvo.Napalunok ako sa nakikita ko.Naka-black sleeveless lang siya at white striped pajama.Yung biceps niyang pumuputok,yung pawisan niyang leeg,yung gulo-gulo niyang buhok.All in all he still looks hot as hell.
"Thank God you're here.."Parang nabunutan ng tinik yung lalaki ng makita siya.Napano kaya?
"G-good morning po pal--"
"Let's go inside."Hinila siya nito papasok sa loob.Wow!Kung ano ang kinaganda ng labas ganun din sa loob.Napakunot siya ng may marinig siyang batang sumisigaw.
"Sir Yvo-I mean Yvo ano yun?"Takang tanong siya habang papalapit sila dun sa may sumisigaw.
"It's Ailee my daughter.Kahapon pa siya nagtantrums pagkagising niya hanggang ngayon.She needs you and she wants to see you."Paliwanag nito ng makalapit sila sa kusina kung saan naroon ang bata at may kasama siyang may edad na babae.
"Ailee naman eat na..H'wag na pahirapan si Yaya."
"No yaya!I want mommy!Here!Now!"
"Baby wala si mommy mo sige ka baka magalit daddy mo.."
"Please Yaya I want to see mommy!"
Napabuntong hininga si Yvo at humarap sa kanya."Kanina pa ako nahihirapan kung paano siya patahanin.So do your job now."Sabi nito at marahang tinulak papalapit sa dalawa.
Huminga siya ng malalim at tumikhim para makuha ang atensyon nila.Nagtagumpay naman siya dahil napatingin sila sa kanya.Nakita niya kung paano napalitan ng saya ang mukha ni Ailee.Patakbo itong lumapit sa kanya at yinakap ng mahigpit.
"Mommy!You're back!"Magiliw nitong bati sa kanya.
"Syempre naman babalik ako para sayo baby.."Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa bata.
"Tumahan din sa wakas.."Narinig niyang bulong ni Yvo.Napatawa siya ng kaunti,mukhang nahirapan sila kung paano patahanin si Ailee.
Napabaling siya sa matandang babae upang batiin.Kaso yung mukha nito ay halatang nagulat ng makita siya.
"Uhm hello po ako nga po pala si A--"
"Dyusmiyo!Ikaw ba talaga yan Amanda!?Akala ko--"Naputol ang sasabihin ng matanda ng sumabat si Yvo.
"Nanay Linda she's not her,okay?Anyway,her name is Akira bagong nanny ni Ailee."Paliwanag ni Yvo.Tumahimik nalang si Nanay Linda habang mataman na nakamasid kay Akira.
"Mommy let's go to my room!I want you to see all of my toys there!Come!"Hinila ng bata si Akira paakyat habang natira nalang sa kusina ay si Yvo at ang matanda.
"Yvo sigurado ka bang hindi siya iyon?Kahawig niya talaga si Amanda.."Sabi ng matanda.Sumandal si Yvo sa counter at tumingin sa matandang babae.
"I'm very sure Nay Linda."Sagot ni Yvo.
~•••~
Hi!Please vote and comment kung nagustuhan!Salamat poooo~
![](https://img.wattpad.com/cover/29519637-288-k78155.jpg)
BINABASA MO ANG
Wanted:Nanny To Mommy?
RomansaAkira Mayi Dimaguiba is just an ordinary woman.Mabait,makulit at may tiyaga.Laki sa hirap ngunit may pagsisikap.Ang pangarap niya sa buhay ay ang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.Kaya ng rinekomenda ng kanyang kaibigan na mag-apply siya bilang N...