NTM 7
"Cheerios or Corn Flakes?" Tanong niya sa mag-ama habang hawak ang dalawang magkaibang kahon ng cereals. Nasa loob na sila ng grocery store at namimili na ng mga stocks ng pagkain.
"Corn Flakes."
Mabilis na sagot ng dalawa. Hindi niya maiwasan hindi mapangiti sa kanilang dalawa. Ang cute kasi nilang tingnan. Magkahawak kamay kasi ang dalawa habang siya naman ay hinahanap niya yung mga dapat nilang bilhin na nasa listahan. They look like a family having a bonding time together pero ang totoo hindi naman.
Naglagay siya ng tatlong kahon ng Corn Flakes sa push cart at nagpatuloy sa pamimili. Ganito lang ang ginawa nila mula kanina nagtatanong siya kung alin ang gusto ng mag-ama at ilalagay niya iyon sa push cart. Mukhang masaya rin si Ailee dahil tumutulong din ito sa pagpili. Habang tinutulak ni Yvo ang push cart siya naman ay naglalagay ng mga canned goods hanggang sa napatigil sila sa frozen meat section.
"Daddy, can we eat at the Jollibee after this? I'm a bit hungry na po eh." Nakatingalang sabi ni Ailee kay Yvo. Ngumiti si Yvo at tumango.
"As long as my little princess wants to, then we'll go." Ngumiti nang napakalapad si Ailee at niyakap si Yvo sa beywang.
Kasalukuyan silang namimili ng karne nang biglang nag-ring ang cellphone ni Yvo. Nagpaalam ito at umalis saglit at naiwan silang dalawa ni Ailee. Pansin din ni Akira ang walang sawang pag ngiti ni Ailee.
"You look very happy.." Ginulo ni Akira ang buhok ng bata at narinig niya ang paghagikgik nito.
"Of course I am, Mommy. Madalang ko lang pong makasama ng ganito si Daddy eh because he is always busy on his works tsaka po nandito po kayo kasama namin. I never experienced this kind of things before." Nakaramdam siya ng lungkot dahil sa narinig niya. Poor little girl. Kulang si Ailee ng atensyon ng isang pamilya at gusto niyang punan iyon ng pagmamahal. Masakit para sa kanya kapag nakikita niyang nalulungkot ang bata. Kahit sa maikling panahon palang niya itong nakasama ay minahal niya na ito.
"Don't worry, we will do this always kasama si Daddy mo okay?" Paninigurado niya dito. Napapaisip din siya sa sitwasyon nila ni Yvo kasi sa paningin at paniniwala ni Ailee ay mag-asawa sila pero ang totoo ay hindi. Si Yvo na rin kasi mismo ang nagsabi na 'Go with the flow' nalang para sa kapakanan ng bata.
"Talaga po?" Tumango siya at hinawakan ito sa kamay. Dederetso na kasi sila sa counter para magbayad. Bago kasi sila umalis ng bahay ay binigay na ni Nay Linda yung budget money.
Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na si Yvo at sa itsura nito ay mukha itong nagmamadali.
"I have to go, Akira. Ikaw na muna ang bahala kay Ailee ipapasundo ko nalang kayo kay Mang Berto, okay?" Paalam nito.
"H-huh? Ano bang nangyari?" Takang tanong niya pati ang bata ay nagtataka rin.
"Why daddy? I thought this day is our bonding time?" Tanong din ni Ailee.
"I know baby but I really have to go because there's an emergency in the office and they need me there." Paliwanag ni Yvo sa bata.
"I also need you, Daddy." Malungkot na sabi ng bata at yumuko. Napabuntong- hininga si Yvo at lumuhod.
"I'm sorry,baby. Next time nalang okay? Promise, babawi ako." Hinalikan niya ito sa noo at tumayo.
"Take care of her, okay?" Bilin nito kay Akira. Mabilis naman siyang tumango. Bago umalis si Yvo ay binayaran na nito ang pinamili nila at iniwan sila.
Ramdam ni Akira ang pananahimik ng bata at alam niya kung ano ang dahilan non. Nalulungkot siya para dito. Sino ba naman ang hindi? Akala nung bata ay magkakabonding time sila kasama ang daddy nito ngunit hindi iyon nangyari.
"Diba gusto mong pumunta sa Jollibee? Let's go there." Sinubukan niyang pasayahin si Ailee pero nakita niya nag pag-iling nito.
"No need na po, let's just go home nalang po mommy." Mahinang sabi nito. Nanikip ang dibdib ni Akira sa narinig halata kasi ang pagkalungkot at pagtatampo nito.
Nang makalabas sila sa Grocery store ay nakita nila si Mang Berto na nakaabang malapit sa may parking lot. Lumapit ito sa kanila upang tulungan sa pagbitbit ng pinamili nila.
Hanggang sa loob ng sasakyan ay tahimik pa rin si Ailee at hindi nagugustuhan ni Akira na nakikitang ganoon ang bata. Kaya't inakbayan niya ito at pinasandal niya ito gilid niya.
"Don't be sad, baby.. May next time naman eh diba nagpromise si Daddy mo? Babawi yun for sure."
"Ayoko pong umasa, lagi siyang nagp-promise pero di po niya tinutupad. He always prioritize his work more than me.." Sabi nito at yumakap sa kanya.
"That's not true, may kinailangan lang siyang gawin. Love na love ka kaya ni Daddy mo.." Paliwanag nito at hinaplos-haplos niya ang malambot nitong buhok. Nakaramdam din siya ng konting inis kay Yvo dahil sa ginawa nito.
Hindi niya namalayan na sa ginawa niyang paghahaplos sa buhok ng bata ay nakatulog na ito. Tiningnan niyang maiigi ang maamo nitong mukha at napangiti. For no such reason, magaan talaga ang pakiramdam niya sa bata. Dahil na siguro na mahilig siya sa mga bata kaya ganun ang nararamdaman niya.

BINABASA MO ANG
Wanted:Nanny To Mommy?
RomansaAkira Mayi Dimaguiba is just an ordinary woman.Mabait,makulit at may tiyaga.Laki sa hirap ngunit may pagsisikap.Ang pangarap niya sa buhay ay ang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.Kaya ng rinekomenda ng kanyang kaibigan na mag-apply siya bilang N...