Chapter 3

36 0 0
                                    

Chapter Three
-Taeyeon's POV-

"ANO, girls? May nabalitaan na ba kayo tungkol kay Aphrodite?" tanong ko pagdating ko sa dorm namin.

They all sadly shook their heads as response.

Nasaan na kaya 'yon? Nako! 'Pag nalaman ko lang na gumagala lang 'yung babaeng 'yon ay babatukan ko talaga siya! Pinag-aalala niya kami masiyado.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinagmasdan ang mga kasama ko. Napakunot naman ang noo ko nang makitang wala pa pala si Tiffany.

"Si Panyang?" tanong ko.

Umikot naman ang paningin nila sa buong dorm.

"Hindi pa siya dumarating, eonnie," si maknae na ang sumagot.

Nasaan naman 'yon?

Maya-maya lang ay may nag-door bell kaya naman tumayo na ako't naglakad papunta sa pinto. Napansin ko rin namang nagsunuran ang members sa'kin.

For sure katulad ko ay iniisip rin nila na si Aphrodite 'to.

Binuksan ko na nga ang pinto at nagulat sa nasaksihan ng dalawang mata ko. Alam kong hindi lang ako ang nagulat kundi pati 'yung mga nasa likod ko.

"Annyeonghaseyo!" bati ng kasama ni Tiffany na si Suho sabay bow. "Have a good day, sunbaedeul! Hinatid ko lang si Tiffany." [*Hello! *Seniors!]

"Ah, annyeonghaseyo," natutulirong bati naman namin saka nagbow rin sa kaniya. [*Hello.]

"Aalis na rin ako. Annyeonghigyeseyo," nakangiting paalam rin niya at muling nagbow saka nginitian si Tiffany at tuluyan nang umalis. [*Goodbye.]

"Bye, josimhae~!" paalam pa ni Panyang at kumaway pa sa kaninang kasama niya. [*Take care~!]

Nakangiti naman niya kaming nilingon at nilagpasan saka pumasok sa loob ng dorm. Sinarado ko naman ang pinto at sumunod na sa kanila sa sala.

"Bakit mo siya kasama?" hindi na napigilang tanong ni Yuri.

Naunahan ako magtanong.

"Well, nakipag-kaibigan ako sa kaniya. Sinamahan niya rin ako hanapin si Aphrodite kaso wala pa rin kaming nahanap," sagot niya.

I saw the shock on my members' face. Alam ko rin namang gano'n din ang makikita sa mukha ko.

"You're friends with him?" hindi ko na rin napigilang magtanong.

Nakangiti naman siyang tumango.

"I know, girls, what you're all thinking about. Tama naman ang sinabi ni Suho sa'kin kanina. Labas na tayo doon sa past ni Chanyeol at Aphrodite. Isa pa, if ever Aphrodite knows this, sasabihan niya rin tayong makipag-kaibigan sa kanila."

We all exchanged glances and heaved a deep sigh. Ilang saglit lang ay naiiling na kaming natawa.

"Okay, hindi ka naman namin pinipigilan, ah? Maka-explain ka naman," natatawang pambubuyo ni Sooyoung.

EXO Kidnapped Me (EXOSHIDAE FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon