Chapter 10

29 0 0
                                    

Chapter Ten
-Aphrodite’s POV-

AGAD ko namang ni-lock ang pinto ng kuwarto ko pagkatapos kong umalis ng kusina.

Jusko, Aphrodite, medyo nakakahiya ‘yung inakto mo.

I shook my head abruptly to shove away my thoughts.

Agad akong humiga sa kama ngunit hindi ko naiwasang maalala ‘yung kagabi. My cheeks quickly heated up when the scene last night registered on my mind. Madali naman akong lumabas muli ng kuwarto at nagtungo sa living room.

No. Hindi ako mags-stay sa kuwarto. Maaalala ko lang nang maaalala ‘yung nangyari.

I focused my attention to the television the moment I sat down the couch. Lumipas nga ang mahabang minuto na gano’n lang ang ginagawa ko.

“Aphi, aalis na muna kami,” dinig kong paalam nina Suho.

“Okay, ingat,” tanging sagot ko na lang nang hindi pa rin ibinabaling ang atensiyon sa kanila.

Nakarinig naman ako ng pag-lock ng pinto kaya nakahinga ako ng maluwag at napasandal sa couch.

Mabuti naman at umalis na sila.

“Relaxed?”

“WHAT THE HELL?!” malakas na sigaw ko na napatayo pa sa matinding gulat.

Agad naman akong tumingin sa likod ko at natagpuan si Chanyeol na naglalakad na papunta sa couch.

Umupo naman siya roon at hinila akong maupo sa tabi niya.

Ito na naman ‘tong puso ko. Nakakainis!

“Bakit nandito ka pa?” nagtatakang tanong ko pero hindi siya tinignan.

“Magpapatulong lang muna sana ako,” he answered chuckling but I still did not look at him.

Hindi puwede dahil baka bigla na lang kitang yaka— jusko naman, Aphrodite. Hindi puwede ‘yan!

“Hey.”

“Tungkol saan naman?” I quickly responded.

“Dahil tinulungan mo ang mga kaibigan ko na mapalapit sa best friends mo, baka puwede mo naman akong tulungan mapalapit sa‘yo?”

What?

Hindi ko na napigilang lumingon sa kaniya kaya naabutan ko na naman ‘yung maganda niyang ngiti.

Ano ba ‘to, jusko.

“A-Ano ka ba,” nasabi ko na lang bilang pananaway sa kaniya. “Hindi ka ba pupuntang company? Lagot ka kay Uncle,” dagdag ko at iniwas na ang tingin.

I heard him chuckle. “Mukhang ayaw mo akong tulungan, ah... Okay, mamaya na lang. Take care here, Yejin,” he said then stood up.

Akala ko ay lalakad na siya paalis pero bago pa man niya gawin iyon ay nagulat ako noong bigla siyang yumuko.. saka hinalikan ako sa noo.

EXO Kidnapped Me (EXOSHIDAE FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon