Chapter Seven
-Hyoyeon's POV-NAKAKAKILIG naman si Thehu— I mean, si Sehun! Hahaha! Namumula si maknae, eh!
Katatapos lang namin kumain lahat at ewan ko kung bakit pero kaniya-kaniya nang tumabi ang EXO sa‘min.
Well, ‘yung iba lang naman.
Ngayon, itong si Lay ang katabi ko pero hindi naman ako kinakausap.
Dapat ‘yung madaldal ‘yung katabi ko, eh! Kahit crush ko ‘to, hindi pwede ‘to. Mapapanis lang ang laway ko.
"Huy," mahinang tawag ko sa kaniya.
Gulat naman siyang napatingin sa‘kin saka tumingin-tingin sa paligid bago ibinalik ulit sa‘kin ang tingin niya.
"Ako?" tinuro niya pa ang sarili niya dahilan para matawa ako.
"Oo, ikaw nga. Ikaw lang naman ang katabi ko," natatawa ko pa ring sabi sa kaniya.
"Ah," tanging nasabi niya sabay kamot sa batok niya. "Bakit?" nagtataka niyang tanong.
Eh? Ba‘t parang ang hinhin naman nito.
"Sino bang maingay dito at ‘yon na lang ang kakausapin ko. Aigoo," natatawa kong sagot.
Medyo nagulat naman siya sa sinabi ko. "Ang gusto mo ba, madaldal?" naiilang pang tanong niya.
"Hindi naman. Ayaw ko lang ng tahimik,” sagot ko saka muling tumawa.
Napaka-masiyahin ko naman, jusko.
"Ah. Ano nga ulit kailangan mo?"
What?
I mentally face-palmed when I heard what he said.
May sira ba ‘to sa utak?
"Wala. Hahanap ako ng makakausap. Sige, bye," paalam ko sa kaniya sabay tayo at nagtangka ng umalis.
"T-Teka."
Napalingon naman ako kay Lay noong pigilan niya ako.
Mukha siyang inosente, bakit gano'n?
"Bakit?" nakangiti kong tanong.
Masiyahin nga kasi ako. Pft.
"Ako na lang daldalin mo."
Muli akong natawa noong marinig ko ang sinabi niya.
"Pffft~ HAHAHAHA! Eh, mukha ngang ayaw mong may kakausap sa‘yo, eh," sabi ko saka ako nagbalik sa pag-upo sa tabi niya.
"Hindi naman. Ano, may dance revo kami dito, gusto mo sayaw na lang tayo?" nakangiti niyang tanong.
Oh my goodness, ang gwapo!!
"Ah. Sige, sure. Hinahamon mo yata ako sa sayawan, ah."
"Mga noona at hyung! Maglalaban ng thayaw 'tong dalawa!" biglang sigaw ni Sehun habang nakaturo pa sa‘min kaya‘t napatingin kaming lahat sa kaniya.
BINABASA MO ANG
EXO Kidnapped Me (EXOSHIDAE FF)
FanfictionAphrodite, SNSD's best friend, woke up inside an unfamiliar room. She couldn't remember a single thing that happened to her the last night. She walked to the door and tried to get out but she realized she was locked inside. She started panicking and...