Chapter Five: Bad Decisions
-Audrey-
Alas sais pa lang nang umaga ay naisipan na agad ni Daddy na bulabugin ako. Ni-hindi pa ako nakakabangon sa kama ay sira na agad ang araw ko.
"Did you talk to your mother-in-law, Audrey?" Bungad nito sa akin sa telepono. Napabusangot ako.
"Yes, and he'll be there at your office. Thank you very much." Inis na sagot ko. Tuluyan na akong bumangon at dumeretso sa banyo.
"Good. I'll see you later." Sabi nito sabay tinapos ang tawag.
"Good morning to you too, Daddy." Sarkastikong bulong ko sa sarili. He's such a ray of sunshine.
I decided to shower and everything, pagkatapos ay naghanda na ako paalis. Seven thirty na nang lumabas ako ng unit ko. I'm at the parking lot when my phone rang again. Agad ko naman iyong sinagot and it's Christopher.
"Wanna grab some breakfast?" Tanong nito. Napairap naman ako sa tanong niya. Patuloy naman ako sa paglalakad papunta sa kotse ko.
"I know what you're doing, Christopher. Checking up on me from time to time because you're thinking I'm going to break down anytime soon just because he's back? Well guess what, I will not." Walang habas na sagot ko sa kanya. Imbes na mga-offend ang gago ay tinawanan lang ako.
"You're always bitching, babe. Come on, I'm just concerned. So the breakfast?" Pangungulit nito. I unlocked my car and got in.
"Fine. Meet me at Bo's Coffee. And you're paying." Sagot ko then I hung up.
**
Sabay kaming pumasok ng building ni Christopher, bitbit niya ang mga pagkain na binili namin. He's pouting dahil siya ang pinagbayad ko. It cost him seven hundred pesos.
"Mamumulubi ako sayo kung ako parati ang pagbabayarin mo. Seven hundred just for breakfast? Let me remind you, Auds, I'm not so rich."Sermon nito. Nilingon ko naman siya.
"Then stop inviting me, duh." Tawa ko. Napailing lang siya. Papasok na kami ng elevator nang makita kong papalapit sa akin ang mother-in-law ko. Bigla naman akong siniko ni Christopher. Pumasok naman siya sa loob. She pressed the top floor button. Oh, she's going to see Daddy. Bigla naman siyang lumingon sa akin.
"Nakausap mo na ba ulit ang asawa mo?" Madramang tanong niya. Pilit naman akong ngumiti.
"No, I haven't. Thank goodness." Deretsong sagot ko. Sumama naman ang tingin niya sa akin.
"You should forgive him. He's still you're husband, Audrey." Giit niya. Napatingin naman ako kay Christopher na tahimik lang sa tabi ko. Ibinallik ko naman ang tingin kay Mrs. Fajardo.
"Hmm... I'll think about it."
"I know that he hurt you. Emotionally and physically. But he's deeply sorry and I want you to see that. He came back." Aniya. Napahawak naman ako sa noo. Not again. Genetic ba ang pagiging drama queen nila?
"Please spare me with your speeches, Mrs. Fajardo. I don't mean any disrespect but I've heard that from you several times. It'll save us energy if you will just knock it off. Thank you so much." Walang ganang sagot ko sa kanya. Mas lalo namang nalukot ang hitsura nito. Bigla namang tumunog ang lift hudyat na nasa tamang palapag na kami ni Christopher. Na-una na akong lumabas. Nakabuntot naman sa akin si Christopher.
"Cut her some slack, Auds. She just wants you and her son to be okay." Sambit nito. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay.
"Et tu, Christopher?" Halos hysterical na tanong ko. "She wants absolution for both of them. And I say they're not getting any."
"Fine. It's your business anyway. Just stop bitching, okay?" He bargained. Pinamewangan ko naman siya. Inabot naman niya sa akin ang pagkain ko.
"Sorry, I can't. I like to bitch at people because I'm an asshole."
**
I was on the phone when my secretary, Jennifer, walked in and waved at me to get my attention. Agad ko namang tinapos ang tawag at tsaka siya binalingan.
"What is it? Are you asking for an early lunch? I told you, your lunch is at one, Jennifer." Ani ko. Agad naman siyang umiling.
"Pinapatawag po kayo ni Mr. Silva sa Top floor." Sagot niya. Napataas naman ang kilay ko.
"What could he possibly want now?" Singhal ko.
Hindi ko na pinatapos pa si Jennifer at agad na akong tumayo at tsaka lumabas ng opisina ko. I took the elevator and pressed the button for the top floor. Ilang saglit lang ay nagbukas rin iyon at agad akong lumabas. Dalawang beses muna akong kumatok bago binuksan ang pintuan. Bumungad naman sa akin si Daddy at si Riley. Agad naman silang napalingon sa akin. Nakangiti sa akin si Riley kaya sinalubong ko siya nang irap at tsaka sinara ang pintuan.
"What is it now, Daddy?" Bungad ko. Humalukipkip naman ito.
"Riley reserved a table for two at your favorite restaurant. Come with him and talk. Settle your issues." Deretsong sagot ni Daddy na ikinalukot naman ng mukha ko.
"There's nothing to settle. And please—" Angal ko pero agad akong pinutol ni Daddy. Itinaas nito ang kanang kamay niya.
"I said go with him and stop being so stubborn, Audrey." Hiyaw niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Fine. No need to get psycho on me, geez." Sagot ko. Binalingan ko naman ng tingin si Riley at nakangiti ang gago. I just glared at him again. "Let's go, you idiot."
Agad na akong tumalikod at lumabas. Sirang-sira na ang araw ko.
**
Parehas na kaming nakaupo. Naka-order na siya at ako na lang ang hinihintay ng waitress. Tanong siya ng tanong pero dine-dedma ko lang ito. Bahala siyang mangawit ang dila kakasalita. Binalingan ko naman nang tingin iyong waitress.
"I'll have the Ribeye, medium rare and a Caesar salad on the side." Saad ko. Agad naman niya itong isinulat. "And a Rob Roy for the drink. I'll need that."
Tumango ito at agad na umalis. Nakita kong magsasalita sana si Riley ng biglang nag-ring ang phone ko. It's Christopher. Agad ko namang sinagot.
"Where are you? It's lunch." Tanong niya.
"I'm here with Riley having lunch and I don't know which fork to stab myself with." Walang habas kong sagot. Nakita ko namang sumama ang tingin ni Riley sa akin na ikinairap ko lang.
"Oh. Okay. I guess I'll just see you later. Have a good lunch." Sabi niya.
"Are you kidding me?" Iritadong sagot ko pero ang gago ay binabaan lang ako ng telepono.
Napatingin naman ako ulit kay Riley. Ngayon ay seryoso siyang nakatitig sa akin.
"I know I made a lot of bad decisions since we were together but this time I'll make sure to make those right." Simula niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong kadramahan na naman ba ito?
"And to start, I want you back to my house. I want you to live with me again. Let's start over again." Nakangiting sinabi niya. He surely hit rock bottom. Talk about bad decisions.
Ivy.
(Not proofread.)
052716

BINABASA MO ANG
The Bastard's Wife (On-Going)
RomantikWhere were you when everything was falling apart? (Riley Fajardo's Story)