Chapter Three: Mr. & Mrs. Fajardo.

10K 219 16
                                    

Chapter Three: Mr. & Mrs. Fajardo

Audrey

I was overseeing all the operations within the past few months when my dear father barge right inside my office. He's carrying a box full of filed folders and two blueprint case packer. Inilapag naman niya iyon sa desk ko.

"Hello, Dad. What brings you here?" Tanong ko rito. Namulsa ito at tsaka huminga ng malalim. Nabigatan ata sa dinala niya. Napatingin naman ako sa likuran niya. Where the hell is his bodyguards? He's paying for nothing on those buffy humans, just standing and lurking somewhere else.

"All these, Audrey, are the legal documents, checks, financials, permits, and blueprints for the new condominium tower I'm building." Sagot ni Daddy. Napakunot-noo ako.

"And it's all here because?" Tanong ko sa kanya. I wasn't informed na storage room na pala ang office ko.

"I want you to handle it. Ikaw ang mamahala sa pagtatayo nito." Halos mabingi ata ako sa sinabi niya. Is he serious?

"You're not kidding me, are you?" Paninigurado ko. This is big. If he's really serious.

"Do I look like I'm kidding, Audrey? This is not a joke. You'll handle the future Silva Towers. And I expect you to do it well. Mr. Gomez will be helping you on this. Congratulations." Inilahad naman ni Daddy ang kanyang kamay sa akin. Nakangiti ko iyong tinanggap.

"I won't disappoint you, Dad. Thank you."

"You better not, Audrey. Now go back to work." Saad niya. Agad din naman itong umalis.

Sinimulan ko agad na basahin ang mga dokumento roon. Ang una kong nakuha ay ang Calendar at listahan ng mga appointments, date of deliveries ng mga materyales, pangalan ng mga engineer at architect at madami pang iba. Busy ako sa paghahalungkat ng may kumatok sa pintuan. Hindi ko iyon nilingon at ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Narinig ko namang bumukas ang pinto.

"Good morning, Mrs. Fajardo. I am Sherly your—" Mabilis pa ata sa alas quattro ang paglingon ko sa kanya. Tinitigan ko siya ng matalim.

"Basahin mo nga ng maigi ang pangalan ko dyan sa pinto." Utos ko rito. Napatingin naman siya sa may pinto pero hindi ito umimik. "If you're looking for a certain Mrs. Fajardo, I think you are in a wrong place, Miss. Now get out off my face."

Tatalikod na sana ito ng biglang sumulpot si Eros sa likod niya at pinigilan na umalis. Bakit ba madalas na nandito ang impakto na 'to sa teritoryo ko? Naiinis na inlapag ko ang mga papel na hawak-hawak.

"Easy there, lady. Masyadong mainit ang ulo mo. Pahalata ka masyado." Sabi nito. Parati na lang siyang nakikisawsaw sa mga bagay-bagay. Nilingon naman niya yung babae. "Don't leave. That's Mrs. Fajardo."

Napakagago talaga ni Eros kahit kailan.

"It's not funny, Eros. What the hell are you doing here, again?" Sita ko sa kanya. Tuluyan naman itong pumasok sa loob.

"I heard that you're now in charge for building the Silva Towers. And by the way, I'm a 29% share holder, Mrs. Fajardo. And this one right here, is your new... well another secretary for the Silva Towers Project." Sagot nito sa akin.

"I still don't know why you're here, asshole." Singhal ko sa kanya na ikinatawa lang niya.

"I thought it would be great to pay you a visit since asawa ka naman ng best friend ko. Kidding. I'm here for the Tower Project and to drop off this lady here for you. I suppose your father forgot to tell you that he hired another help for you." Banat nito. Binalingan ko naman iyong babae.

"You. Be a doll and get lost for a while." Utos ko rito. Agad naman itong sumunod.

"You're always grumpy every time I see you, Audrey. My, my. Missing Riley, eh?" Pangaasar nito. Sinamaan ko siya ng tingin. Agad naman niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay. "Sorry. I think I hit a nerve there. I just need you to come with me at the site. You know, to look around."

"I can do that myself. And have I mentioned I can't stand your mere presence?" Giit ko. "And please, don't you have a damsel in distress to deceive?"

I saw Eros' jaw tightened and his mouth pursed. Napangisi naman ako.

"Opps. Now I think I hit a nerve there."

I been walking and walking around this site with Sherly and we can't find the damn engineer and architect. They better be lying dead somewhere. Halos lahat na ata ng workers dito ay napagtanungan na namin kung na saan ang mga hinayupak nilang amo. Ang sabi nila ay narito raw.

"Subukan niyo po roon sa may pinakadulo, may tent po sila na nakatayo roon."

Naglakad pa kami ni Sherly hanggang sa may nakita kaming tent at lalaking natutulog paupo. May takip itong panyo sa mukha, at may earplugs na nakasalpak sa tainga. Nilapitan ko iyon at agad na hinablot ang panyo sa pagkakatakip sa mukha nito. Ni-hindi man lang ito nagising. Sinunod ko naman na hinila ang earplugs nito. Then he finally woke up.

"Oh look, sleeping beauty right here is finally awake." Bungad ko sa kanya sabay ngisi. Matamis naman itong ngumiti sa akin.

"Hmm. Bitchy. Did the dwarves told you I'm here? You haven't even kiss me to wake me up, Charming." Komento niya. Narining ko naman ang mahinang hagikhik ni Sherly.

Walang gana akong umirap. Tumayo naman ito at naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon.

"Emmanuel Cardona is the name. The engineer. And you are?" Tanong nito.

"Audrey Silva. I'm the one who's in charge now." Sagot ko sabay bitaw sa kamay niya. Ngumiti naman ito. Pagkatapos ay itinuro ko ang katabi ko. "And this is my secretary, Sherly."

Tumango lang si Sherly kay Mr. Cardona. Pipe ba itong babaeng 'to?

"Where's the architect? We're all gonna have to talk. And it's not gonna be here. It's too noisy." Tanong ko kay Mr. Cardona.

"Maagang umalis. He always do." Sagot niya na ikinataas ko naman ng kilay.

"I'll deal with him sa oras na magkita kami. Now let's go." Sabi ko. Sumaludo naman ito at tsaka kinuha ang dalawang blueprint case packer sa may lamesa. Lumakad na ako kasunod si Sherly nang marinig kong nagsalita siyang muli.

"I call shotgun!"


Kanina pa dada ng dada itong si Mr. Cardona. Pinapakausap ko kay Sherly pero ayaw rin nitong kausapin. He's like a five year old child trapped in a man's body. Sayang may hitsura pa naman siya. Madakdak nga lang. Nang huminto na ang sasakyan ay agad na akong bumaba. Ilang saglit lang ay nakasunod na sila sa akin. Pagpasok namin sa loob ng building ay lahat ata ng mga empleyado sa may lobby ay gulat sa pagkakakita sa akin. Binaliwala ko lang iyon at tuluyang naglakad papunta sa may elevator.

"You know, Audrey, I am a single gorgeous man. And I'm guessing you're single too. You should date me. Para hindi ka parating nakabusangot." Walang habas na sambit nito sa akin. Hinarap ko naman siya.

"If you just shut your mouth. I probably would." Napakunot-noo naman siya sa sinabi ko. Tinalikuran ko siya at dumeretso sa elevator at pinindot iyon. Isang saglit lang ay bumukas na agad iyon at sumakay kami roon.

"So, when are we going on a date?" Ulit nito. Napabuga naman ako ng hininga.

"How about on the seventh of never. How does that work for you?"  Sarkastikong sagot ko sa kanya. Nakita ko pa nagpipigil ng tawa si Sherly. Magsasalita pa sana siya nang tumunog na ang lift hudyat na nasa tamang palapag na kami.

Pagkalabas namin sa lift ay agad akong sinalubong ni Jeniffer, ang isa ko pang secretary.

"Ma'am Audrey kanina ko pa po kayo tinatawagan. Nandito po kasi si—" Hindi ko na siya pinatapos at sinenyasan ko sina Sherly at Mr. Cardona na sumunod sa akin.

Nang malapit na ako sa opisina ko ay nakita kong bukas ng pinto nito. Agad naman akong pumasok. And I wish I didn't entered my own office. Bumungad sa paningin ko ang taong ayaw ko nang makita pa kahit kailan man.

Ngumiti siya sa akin ng matamis. Nagsimula namang kumulo ang dugo ko.

"Hi, Audrey. I miss you." Bungad niya. I just glared at him.

"Bloody Hell."




Ivy.
01AUG18

The Bastard's Wife (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon