Chapter Twelve: Where?
Audrey
"You cooked all of this?" Nangingiting tanong ko sa kanya habang inihahain niya ang mga pagkain. May menudo, egg rolls, barbeque chicken at kanin. Nagangat tingin siya sa akin at tumango. It smells good.
Magkatabi kaming nakaupo sofa dito sa opisina ko. Habang naglalagay siya ng pagkain sa paper plate ay napaisip naman ako. Paano siya nakapasok dito? Napakunot naman ang noo ko.
"Wait. Paano ka naka-pasok dito?" Tanong ko. Napabaling siya muli sa akin. Mukhang confused sa tanong ko.
"Uhh.. pumasok sa pinto?" Painosenteng sagot niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Oh? He's back being sarcastic? Bigla naman siyang napatawa. "Kidding, honey. I told the receptionist downstairs that I'm here to give my wife's lunch. She let me in."
Nanginkit naman ang mga mata ko. This guy has his ways. Inilapag naman niya ang hawak-hawak na plato.
"You mean you flirted with her?" Pambabara ko sa kanya. Bigla naman siyang natameme. Nawalan ng kulay ang mukha ng gago. Bigla na lang namutla at hindi malaman kung ano ang sasabihin.
"W-what? No! I... honey, I didn't. I told her that I was here for you. You know, lunch." Natatarantang sagot niya. Ang sarap pagtripan nitong mokong na 'to. Hindi ko naman mapigilan na mapatawa.
"I got you good. That's what you get by being sarcastic on me." Tawa ko sa kanya. Bigla naman siyang nakahinga ng maluwag. Talagag kinabahan siya ah? Napailing naman ito at tsaka kinuha ulit ang plato sa center table.
"Don't do that again. I think my heart just got punched." Pakiusap nito. Umambang susubuan naman ako. Kukunin ko na sana ang kutsara para isubo pero sinuway niya lang ako. Pinabayaan ko na lang siya at tsaka nagpasubo.
Habang ngumunguya ako ay sumubo rin siya on the same spoon. Hindi naman sa maarte ako pero this the first time na maranasan ko ang eksenang ganito. I think this is sweet. We've never done anything like this ever since. Nakatingin naman siya sa akin at ngumiti.
"So what time are you going to be back at your condo?" Tanong niya sa akin.
"By five, I'll be home. By the way, are you gonna go back to work?" Tanong ko pabalik sa kanya. Napalunok naman siya ng kinakain at tsaka uminom.
"Dad wants me to go back and handle the company again since he's been planning to retire." Sagot niya sa akin. Napatango-tango naman ako. Kumuha naman ako ng egg roll at tsaka kumagat. "I can.. talk to them, to give your position back. I'm sure they would."
Napailing naman ako. I don't need that. I can make my own money.
"No. You don't need to do that. Besides I have a job now." Sagot ko at tsaka siya nginitian. Tumango lang siya at muli akong sinubuan ng pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay agad ko na rin siyang pinauwi. Ayaw pa nga nitong umalis, siya na lang raw ang secretary ko. Napa-irap na lang ako at tsaka siya pinalabas. Nangnakaw pa nga 'to ulit ng halik. Tumawa lang ang loko ng hinampas ko siya sa dibdib.
Nang makaalis si Riley ay nagpatuloy na ulit ako sa pagaayos ng mga gamit. Wala na katapusang pagaayos na lang ata ang gagawin ko ngayon araw ah? Tinignan ko naman ang mga book, ledger at iba pa. I need to review all of those. Could I take it home? I shouldn't, I'll just review all of those here.
Sumakit ang ulo ko sa pagbabasa ng mga contracts. Ni wala pa ako sa kalahati non. I'm gonna have to adjust big time. Napahilot ako sa sintido. Damn. Bigla namang napaangat ang ulo ko sa may pintuan ng may kumatok at nagbukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
The Bastard's Wife (On-Going)
RomanceWhere were you when everything was falling apart? (Riley Fajardo's Story)