Vanessa's Pov
-Gising na!!!!!!!!!
-Gising!!!!!!!!"Ano ba?!."inis na sabi ko.
"Tumatawag na ang mom mo, Vanessa"
Dahil sa narinig kong iyon ay dali-dali akong bumangon sa pag-kakahiga ko.
"Joke lang hahahahahah!!!!!"pang iinis saakin ni Jane.
"Badtrip ka naman eh."Inis na sabi ko.
"Pero 7:00 am na.Baka nasa bahay nyo na ang Mama mo."sabi ni Jane.
Jusko naman alam naman ni Mama na nakila Connor ako eh.
Nilibot ng mata ko ang buong kwarto at wala akong nakitang Mae at Claud.
"Si Mae at Claud?."tanong ko kay Jane.
"Si Mae nakikipag-usap kay Connor.Na shock siguro siya sa nangyari kahapon doon sa Kwento ni Connor.Si Claud naman naliligo lang."sabi ni Jane
Kahit ako di pa din makamove on sa nangyari.
Lahat pala kami may problema except kila James,Johan,Jana at Mr.Vocalist
Haaay!!!sana pag uwi ko di ko na yun maisip kasi baka mamaya matanong ko pa kay Mama ng wala sa oras magalit pa yun saakin.
Kahit nga yung mga nararamdaman ko ngayong mga pag babago sa sarili ko hindi ko na din masabi eh .
At hindi ko na din matanong kung bakit ako nag-kakaganito kasi baka maalala nya si Papa
"Kyaahhhhhhh!!!!!!!"Sigaw ni Claud.
Bigla tuloy ako nabalik sa riyalidad.
"Guysss Guyssss!!!!"nag-tatatalon na sabi ni Claud
Tinignan lang namin sya ng masama.
Paano kakagaling nya palang sa banyo at basang basa pa ang buhok nya.Uy uy ano ba kayo bihis na sya baka kung ano ang isipin eh.
"Kami na ni Ice."nakapikit na sabi ni Claud na nag pipigil ng kilig.
"Ano seryoso?!"sabay na sabi namin ni Jane.
Grabe ang bilis naman.
"Oh anong kaguluhan ito."sabi ni Mae nakakapasok palang ng Kwarto.
"Sila na daw ni Yelo."sabi ko kay Mae.
"Ngaun lang?"tanong ni Mae.
"Hindi kagabi pa.Tinext nya ako nung pagtapos nung jam.Nung nasa kwarto na lahat.Sabi nya sa text Goodnight My Claud I love you.Tapos sabi ko I love you too Goodnight My Ice.Tapos sabi nya tayo na tapos sabi ko Oo."sabi ni Claud habang kinikilig
"Oh.Kagabi pa pala eh.Bat ganyan ka umasta?"taas kilay na sabi ni Jane
"Ngayon ko lang naisip na ibigsabihin pala noon ay Boyfriend ko na sya at Girlfriend nya na ako eh hihiihiii.Slow nga ako diba.Mana kay Vanessa."sabi ni Claud na kinikilig pa din
"Edi kayo na."sabi ko nalang kay Claud.
"Uy nga pala.Uwi na ba kayo mamaya?"tanong saamin ni Mae.
"Pag tapos kong maligo aalis na ako."Sabi ko kay Mae.
"Paiwan na ako dito.Natext ko nanaman si Mama at Papa.Sasamahan ko muna si Connor dito.Tapos kita kita nalang tayo sa School."sabi ni Mae
Napakabait nya talaga.
Pero ano daw sasamahan?
"G#go ka ba???Babae ka babae.Tapos dito ka matutulog.Ano ba?."inis na sabi ko
BINABASA MO ANG
Ang Hero Kong Gitarista
Teen FictionVanessa Nicollete Noraisco Aka Babaeng malapit sa disgrasya. Isang babae na laging napapahamak. Isang babae na laging nililigtas ng isang Gitarista. Laging naandyan para iligtas sya. Pero paano kung dumating sa punto na ang ikakaligtas nya ay may ma...