Vanessa's Pov:
"Pumunta na ang lahat sa Gymnasium para sa ating Activity."Tawag saamin ni Ma'am Jose gamit ang microphone niya.
6:30 pm na din.
Pumunta na kaming lahat sa Gymnasium.Nung nakita ko sila Jean ay lumapit na ako sakanila.
"Tabi-tabi na ang mga magkakapartner."sabi ni Jean.
Lumapit saakin si Drew at nginitian ako.Ngumiti din ako sakanya.Hinanap ko kung nasaan si Mr.Vocalist at nakita ko siya na parang galit pero ngumiti din nung nakita niya akong nakatingin.
"I'm sorry."biglang sabi ni Drew.
Tinignan ko siya.Hindi siya tumitingin saakin.
"I'm sorry sa lahat.Promise ko sayo babawi ako.Gagawin ko lahat."sabi niya na hindi pa din lumilingon.
"Para saan?."hindi rin lumilingon na sabi ko.
"Sa lahat ng mga nagawa ko.Sa lahat ng mga gagawin."Sabi ni Drew.
Ngumiti naman ako.
"Matagal na nanaman kitang napatawad eh."nakangiting sabi ko.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Salamat."sabi niya at binitawan na ang kamay ko.
Hindi ko alam na aabot sa ganito.Simula una naman talaga si Drew na ang gusto ko eh.Hindi ko alam kung paanong si Mr.Vocalist.Kung paano nangyari lahat ito.Hindi ko na maalala.
"Mga leader,itali na ang mga kamay ng magkakapartner."Sabi ni Ma'am Bonifacia.
Lumapit naman saamin si Jean at tinali kami ni Drew sa kamay at iba naman ang tinali.
"Pumunta na ang lahat sa Mini Forest ng School."Sabi ni Ma'am Salvador.
Sinunod naman namin siya at nag lakad na.
Hinawakan naman ni Drew ang kamay ko.
"Para hindi tayo mahirapan sa pag takbo."nakangiting sabi niya.
Nang makarating na kami dun ay pinahanay na kami ni Jean sa unahan.
"Paunahan ito ha."sabi ni Jean.
Tinignan ko ang mga kalaban at sila Mr.Vocalist at Maxine ay magkapartner.
"Kailangan niyong mahanap kung nasaan ang Gold medal.May mga clue kayong makikita sa dadaanan niyo.Paunahan ito ha.Go!."Sigaw ni Sir Vigo.
Tumakbo kami kaagad ni Drew sa gubatan ng school namin.
May nakita kaming papel na nasa sahig.
Tumingin naman ako kay Drew at tumango naman siya.Pinulot niya ang papel.
"Ano ang Mondegreen?."Basa ni Drew sa sulat sa papel.
Mondegreen?.
"May choices ba?"Tanong ko sakanya.
"Song Lyrics at Misheard song lyrics ang nakalagay.Higitin daw yung nasa puno kung ano ang sagot natin."Sabi ni Drew.
Nakita ko naman yung nakasabit sa Puno.
"Ayun."Turo ko kay Drew nung nasa puno.
"Ano hihigitin ba natin?Ano yung hihigitin natin?."Tanong ni Drew.
"Misheard song lyrics."Sabi ko.
Lumapit naman kaming dalawa dun sa puno at hinigit yung sagot namin.May bigla namang lumabas na Arrow na nakaturo sa kaliwa namin.
"Siguro susundan natin yun."Sabi ni Drew.Tumango naman ako sakanya.
Naglakad uli kami at naghanap ng ibang clue na sa gubat.
BINABASA MO ANG
Ang Hero Kong Gitarista
Fiksi RemajaVanessa Nicollete Noraisco Aka Babaeng malapit sa disgrasya. Isang babae na laging napapahamak. Isang babae na laging nililigtas ng isang Gitarista. Laging naandyan para iligtas sya. Pero paano kung dumating sa punto na ang ikakaligtas nya ay may ma...