Note:
Basahin ang mga lyrics.Paalala yan ha.Please po.
Tsaka may nakasingit na Pov dun baka di nyo mabasa.
Basahin nyo yung mga lyrics ha.
Vanessa's Pov:
"Vanessa Nicole,Agapan mo ang uwi mamaya ha.Mag bobonding tayo ok ba yun.Promise mo saakin."sabi ni Mama at nag pinky pa.
"Pinky swear."sabi ko kay Mama.
Matagal na rin kasi kaming di nakakapag bonding eh kaya ayun.
"Ma alis na po ako ha.Promise na promise uuwi agad ako."sabi ko kay mama at umalis na.
Ngayon kasi ang Gig ng Secret Band eh.
Ano kaya yung importanteng gagawin na sinasabi nila?
Sumakay na ako ng Taxi papunta sa bahay ni Connor.
Text na nga sila ng Text kung nasaan na ako eh di ko nalang pinapansin.
Nung nakarating na ako ay di na ako nagdoorbell.Pumasok na agad ako sa loob.
"Hey Guyss!!!."bati ko sakanila.
Nag reready na kasi ang Secret Band ng mga sosootin at kung ok pa ba ang instrument para daw pag dating sa gig nila ay aayusin nalang ang Drums,Keyboard at Gitara.
"Hello Vanessa."bati saakin ni Ice na may pa wave wave pa kaya nag wave back nalang ako.
Hinanap ko naman si Mr.Vocalist.
Nung makita ko na sya ay nilapitan ko na sya.
"Ano kinakabahan ka ba?."tanong ko sakanya.
"Oo.Gig to eh."sabi naman ni Mr.Vocalist.
Ningitian ko naman sya.
"Galingan mo mamaya ha.Goodluck sainyo."pang chicheer ko sakanya.
"Cute mo talaga."sabi nya naman saakin.
"Ms.Nicole!!!!."Tawag saakin ni Drew.
"Uhm Mr.Vocalist wait lang.Pupuntahan ko lang si Drew."pag papaalam ko kay Mr.Vocalist.
"Sama ako."sabi nya.
Hinayaan ko nalang sya na sumama papunta kay Drew.
"Bakit nanaman."inis na sabi ko kay Drew.
"Uhm.Uhm.Wala.Wala lang."sabi nya.
"Ah meron pala.Ok lang ba kung sootin ko na yung regalo mo saakin mamaya?."tanong ni Drew.
"Si-"pinutol ako bigla ni Mr.Vocalist.
"Wag na Drew."sabi ni Mr.Vocalist.
"Ahhhh ok."sabi nalang ni Drew at kinuha yung isang T-Shirt sa bag nya na may nakalagay na Secret Band.
Mga 6:30 pm na pero nandito parin kami sa bahay ni Connor.
Naku!May bonding pa naman kami ni Mama.Magagalit yun.
Di naman ako makaalis kasi sabi nila Importante daw itong Gig na ito eh.
"Tara na."sabi ni James.
Sa wakas.Siguro pupunta na kami sa Gig nila.
Sumakay na kaming lahat sa sasakyan ni Connor.Don't worry nandito yung Driver.
At oo nga pala.Kasama din si Jana,Johan at Maxine.
Malapit lang sa bahay nila Connor yung Ang pangalan ng lugar ay "Teens Place".Ang astig nga eh.Para syang bar pero walang mga alak.Astig nito!.
Inayos na nila ang mga instruments nila sa Stage.
BINABASA MO ANG
Ang Hero Kong Gitarista
Teen FictionVanessa Nicollete Noraisco Aka Babaeng malapit sa disgrasya. Isang babae na laging napapahamak. Isang babae na laging nililigtas ng isang Gitarista. Laging naandyan para iligtas sya. Pero paano kung dumating sa punto na ang ikakaligtas nya ay may ma...