Chapter 30:Songs

17 1 1
                                    

Vanessa's POV

"So guyss sasama ba kayo?"tanong ni Ice.

"Yup!!!"sagot ng lahat.

Naandito kami sa bahay ni Connor.

Kakauwi lang namin galing sa school.

Nag-paalam na din kami sa mga teachers na mawawala kami sa Friday dahil sa kasal ni Mama at Papa.Pumayag naman ang mga teachers.

"So anong kakantahin natin sa wedding?."tanong ni James.

"Ikaw!!"sabay na sabi ni Mae at Connor.

Nagkatinginan naman ang dalawa at umiwas uli ng tingin na parang walang nangyari.

Mag-kaaway pa din yung dalawa.

"Ikaw nalang ni Yeng."sabi ni Drew.

Nagtanguan naman ang lahat.

"Ano pa?."tanong naman ni Ice.

"Thousand years."Request ni Mr.Vocalist.

Nagkatanguan ang lahat.

"Pwede din ang change the world.Kaso maganda doon pag duet ang babae at lalaki."suggest ko.

"Di bagay sa boses ko ang kanta na yun eh."sabi ni Mr.Vocalist.

"Edi si Drew nalang at Vanessa."suggest ni James.

Napatingin naman ako kay Drew.

"Sige."plain na sabi ni Drew.

Tumango-tango nalang ako.

"Ano ba ang sosootin?."tanong ni Johan.

"Tux.Dress naman sa girls.Black and White ang Motif."sabi ko.

"I love it!!!."tuwang-tuwang sabi ni Maxine.

"Mag-reready na ako mamaya ng sosootin."sabi naman ni Jana.

"Siguro astig ang Tux sa banda."tuwang-tuwang sabi ni Claud.

Naimagine ko naman sila biglang lahat na naka-Tux.

Sobrang cute nila nun.

Lalo na si Drew :(

"Practice."sabi ni James.

"Wag na."sabi ni Drew

"Hindi pwede ano ba!.Sama kayo ni Vanessa.Doon sa likod.Practice kayo."sabi ni James.

At dahil ayokong magpapilit ay tumayo na agad ako papunta sa likod ng bahay ni Connor.

Umupo na ako doon

Matagal tagal din bago sumunod si Drew.

Dala-dala nya ang gitara nya.

Umupo na sya sa tabi ko.

Di kami pareho nag-sasalita.

Gusto ko sanang mag-sorry pero di ko magawa.

Gusto kong magpasalamat sa palaging pagligtas nya saakin.

Una sa mga bully
Pangalawa kay Ma'am.
Pangatlo kay Ma'am uli.
Pang-apat sa Simbahan.
Pang-lima sa skate board.
At marami pang iba pero ang gusto ko talagang ipagpasalamat ay nung Niligtas nya ako sa dalawang holdaper.

Sobrang thankful ko noon kasi siguro kung wala sya noon baka kung ano na ang mangyari saakin.

Tanga ko lang kasi eh.

Pero siguro kung ginawa ko yun kami naman ni Mr.Vocalist ang magugulo.

Pag si Drew ang pinagtanggol ko mag-aaway lang sila.

Ang Hero Kong GitaristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon